KABANATA 24: Hindi inaasahan

53 1 0
                                    

Hindi inaasahan.

Yael's POV

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi... buong araw na ito nasa custody ako ng guidance office. At talagang custody ang pagkakasabi ko ha! =))) Bakit kasing ayaw pang sumuko ang mga teacher sa akin? Pasaway talaga ako at sakit sa ulo nila. Naisip ko na wala na talagang magagawa sila sa tulad ko. Isang malaking pasaway. Hahahahaha =)))) Hindi ko naman sinasabi na tinik ako sa kanilang lalamunan. Sadyang mahilig lang akong pinapainit ang kani-kanilang mga ulo. Hahahahaha. Nasa dugo ko na iyon ^__^v

Ano na kaya ang nangyayari sa klasrum? At talagang tinanong ko ang bagay na yun ha ^__^

Napadungaw na lamang ako sa may bintana para pagmasdan ang mayabong na puno malapit sa principal's office. Talagang sumasabay ito sa hangin. Tila sumasayaw. Sarap tumambay siguro roon kaya lang malapit kasi sa principal's office kaya hanggang dungaw na lamang ako. Hahahaha.

Hay... napakamot na lamang ako ng aking ulo. Halatang nababagot na ako at pakiramdam ko malapit na akong makatulog. Naantok na talaga ako -___-

Bigla na lamang ako sinigawan ng aking kaklase. Tinaasan tuloy kami ng kilay ng aming guidance counselor sabay sibat. Kaasar naman! Dapat sumabay na rin ako >.<

Mga ilang oras din akong tumunganga. At para naman pakinabangan ako, panay ang utos ng mga teacher na napaparaan sa guidance office. Pakibigay yung ganito, akyat ka rito, punta ka roon... at kung anu-ano pang utos na hindi ko mawari kung may balak ba silang gawin akong delivery boy. >.< Gragraduate na rin naman daw ako kaya sulitan na nila ang ganitong pagkakataon. Instant delivery! >.<

Nang nakarating ako sa rooms ng mga freshies, napasulyap ako sa isa sa mga room doom. Naks naman! Si Jessica iyon ha. Napangiti ako na di ko namamalayan. Kaso mga ilang layo lang mula sa kanya nakita ko ang taong patay na patay sa akin, si Jackie. Naku! Bawal tumagal at baka matuhog pa ako ng sibat ng bading na iyon. -____- Dali-dali akong bumalik sa guidance office at umupo sa isang mono block. Hintayin ko na lang na utusan pa nila ako. Baka sa paraan na iyon maisipan nilang ibalik na ako sa aking klase.

.

.

.

.

.

Naalala ko pala na niyaya ako ng aking kaklase na mamasyal sa isang mall. Yaya talaga ha! Kalalakeng tao, akalain mo mahilig mag-ikot sa mall. Hahahaha. Kung sa bagay wala naman akong gagawin bukas. Tambay lang ako sa bahay o di kaya manonood ng basketball sa aming subdivision. Pwede ring magdota na lamang ako. Kaso naisip ko rin na lumanghap ng sariwang hangin kaya game ako sa lakad bukas. Tutal hindi naman siya nagpapalibre sa akin. Hahahaha. ^_____________^

.

.

.

Salit na katahimikan...

.

.

.

.

.

Yayain ko kaya si Jessica. Siyempre iisipin niyang date iyon. E kung isama niya si Jackie. Ay huwag na lang! Di pwede! Magiging linta lang iyon sa akin. At kadiri ang mga titig niya. Ang lalagkit! -____-

Bahala na nga. -_______________-

.

.

.

.

.

Dapat pala sa umpisa pa lang di na ako pumayag. Ako lang ang walang kapareha -____-  Hindi ko naman kinaiinggit na may karelasyon ang mga kasama ko kaso... nakaka-OP. Mukha tuloy akong chaperon >.<

Hindi ganoon kakapal ang mukha ko na makisiksikan sa kanila kaya nagdesisyon akong magkanya na lang ng lakad. Nagpaalam na lamang ako na may dapat akong asikasuhin sa bahay kaya kailangan ko ng umuwi agad. Di naman ako kakulangan sa kanilang grupo. Hahahahaha ^___^

.

.

.

Libot dito libot doon... nakakatuwa naman ang mamasyal na mag-isa kaso kating-kati naman itong bibig ko na magsalitang husto. Kailangan ko na ng kausap -____- Biglang kumulo ang aking tiyan kaya naghanap ako ng pwede kong kainan. E dahil sa nagtitipid ako, waffle ang aking pinapak.

"Isang ham and cheese po." Wika ko sa tindera. Inabot naman niya sa akin iyon at omorder din ako ng maiinom. Habang ngumunguya, hindi sinadya ng aking mata na makita si sir Chris. Aba! May date si sir ha! Hindi niya ako pansin kahit na pansin ko siya mula sa malayo.

Naku! Si Jessica! Ano kaya ang magiging reacksyon niya kapag nakita niya ito?

Boom! Speaking of Jessica! Nagulat na lamang ako nang bigla siyang sumulpot sa isang sulok malamit sa aking kinakainang pwesto. Parang multo lang ha!

"Ano ang ginagawa mo rito? Sinusundan mo ako noh!" tanong ko sa kanya. Wala talaga akong manner, nagtanong ako habang may laman ang aking bibig. Naintindihan niya kaya? Hahahahaha =)))

Napatingin sa akin si Jessica na may luha sa kanyang mga mata. Nalunok ko bigla ang aking kinakain. Nakita ko na minsan ang ganyang mata. At nalulungkot akong makita iyon muli. Napatingin ako sa malayo at kung anuman ang tinitignan niya, alam ko na pareho ang aming tinititigan ngayon. Si sir Chris, hinalikan ang cheek ng babae. Sino ba naman ang di masasaktan kapag nakita ang ganitong eksena.

Binigay ko na lamang ang natitirang waffle kasama ang aking panyo sa kanya. Hindi ko man maibsan ang nararamdaman niyang lungkot, sana kahit papaano, mabawasan ko naman.

"Kung ayaw mo ng waffle at itong panyo, maaari kang umiyak sa balikat ko. O di kaya hampas-hampasin mo ako. Basta pagkatapos nun, gusto kong makita na ngumingiti ka na." wika ko na may ngiti sa aking mukha.

Bigla na lamang napayakap sa akin si Jessica at hindi ko inaasahan ang bagay na iyon. Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak. Napahawak na lamang ako sa kanyang ulo para iparamdaman sa kanya na andito lang ako kahit anong mangyari.

Hmmm... may kaparapatan ba akong alalahanin siya ng husto? Ano ba ang tingin ko kay Jessica?

Sa ngayon... gusto ko ulit makita ang kanyang ngiti.

My Brainy pad POV

[Masarap sa pakiramdam na may taong sasalo sa iyo sa oras na nalulungkot ka at kapag ganoon, pangalagaan mo siya. ^__^]

[Ilang beses ka na bang umiyak dahil sa nabigo ka?]

[Nabibilang mo ba kung ilang tao ang kusang inalalayan ka para pataanin ang tulad mo?]

[Sabi nga nila huwag mong bilangin kung ilan ang lumalapit sa iyo, bilangin mo ang nananatili para sa iyo ^___^]

[VOTE AT COMMENT LANGPO KAYO ^__^v]

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon