EXTRA 35.5: Puso versus utak

44 0 0
                                    

Puso versus utak

The POV battle: Extra Shot

My brainy pad POV

Pahinga muna tayo sa mangyayari kay Jessica ^___^

Naisip ko na gumawa muna ng conversation ng dalawang main source ng kwento na ito. Uso naman ang trip at uso naman ang wildness imagination =]

VOTE… COMMENT lang po kayo. Huwag po kayong mahihiya. ^__^v

====================^o^================================

PUSO VERSUS UTAK: THE POV BATTLE:

Tagpuan: Sa kwarto ni Utak. Nagbabasa si utak nang biglang pasok ni puso at binulabog siya.

Puso: Hoy utak! Bakit mo ba ginugulo si Jessica. Sabi mo taga solve at reasons lang ang responsibilidad mo pero sumisingit ka sa aking trabaho!

Binitawan ni utak ang kanyang binabasa.

Utak: ‘yan ang problema mo, puso. Wala kang utak para isipin kung tama o mali ang isang bagay. Dapat tinitimbang mo rin ang mga pwedeng mangyari sa iyo. Tulad ni Jessica. Kaya siya nalilito kasi di niya matimbang ng mabuti kung sino ang tinitibok talaga ng puso niya. Hindi sa nangangailam ako pero yang boss natin talaga ang pumapasa ng resposibilidad na ikaw dapat ang nagtatrabaho. Kaya wala ka dapat ikagalit sa akin. [sabay ngiti kay puso]

Iritang-irita si puso. Bigla rin siya napakamot ng ulo.

Puso: Kainis ang tulad mo! Ikaw pa naman ang centro ng karunungan tapos di mo maisip-isip na ako ang dumidikta sa bawat nilalang sa mundo kung sino ang mamahalin at iibigin nila.

Napabuntong-hininga na lamang si utak.

Utak: Ginagalang ko ang iyong opinyon, kung opinyon man iyon, kaso sa huling banda… biglang mare-realize ng tao na ‘yon na… sana ginamit ko na lang ang utak ko. So… sino ngayon ang may sala? Walang may sala. Tayong dalawa e parte lamang ng kanilang katawan kasi. Mismo sila ang dumidikta ng mamahalin o iibigin nila. Tayo? Naku accessories lang tayo!

Napakunot ng noo si puso.

Puso: Ginagamitan mo talaga ako ng utak noh!

Utak: Kaya nga ako utak e! Pinapatawa mo ako hahaha.

Puso: Kaso di ko matanggap na accessories lang tayo ng mga tao. Sa pang-araw araw nilang gawain, lagi nasa likod nila tayo. Para mo naman kasing sinabi na hindi tayo importante. Wala lang tayo para sa kanila.

Utak: Isa lang naman tayong organ. Ginagawa ang trabaho natin para mabuhay sila. Kung ipapasok natin ang pag-ibig, lalo lang lumalaki ang gulo. Una, ikaw puso, ang ginagawa mo lang naman ay mag-pump ng dugo 24 hours pero kung tibok ang pag-uusapan, naku pumapasok na riyan ang pag-ibig. Yung tipong wala ka ng magagawa kundi sundin ang tintibok nun. Sa kalagayan ko, taga-isip lang ako pero kapag lagi mong iniisip ang isang tao- hindi ka makakain, hindi ka makatulog, iba na iyan. In love ka na.

Puso: Bakit ang haba mo lagi kung magpaliwanag?

Utak: Sa ating dalawa… ako lang ang nag-iisip. Hayaan na lang natin si Jessica na pumili sa tatlo. Tutal yung isa e ayaw sa kanya. Yung isa pala ay wala na-friends na lang sila. Tama! Dalawa na lang pala. Sino kaya sa kanila ang tinitibok ng puso ni Jessica?

Puso: Ako na bahala doon kaso ang tanong din dito… sino ang mananatili sa isip din ni Jessica. Pansin ko nalilito na siya e.

Utak: Tignan natin.

Puso: Aabangan ko talaga ‘yan.

Utak: Paano? Bati na tayo… wala ng debate?

Puso: Debate ba ang ginawa natin? Para lang naman tayo nag-uusap.

Utak: Oo nga no! hahahahah XD

My brainy pad POV

Naisip ko bigla… nalalaro ang pag-ibig. Kung ganoon, sino sa kanila ang gumagawa nun?

Ay naku >.< Huwag ng itanong! Masakit na sa utak!

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon