KABANATA 34: I saw the sign with tears in my eyes

33 0 0
                                    

I saw the sign with tears in my eyes

Jessica's POV

Wala rin namang mangyayari kung papasok ako sa klase kaya kahit na may cutting classes experience na ako ngayon sige lang, ang mahalaga ayos ako ngayon. Kahit ngayon lang.

Hindi ko naman kayang harapin si Jackie. Yung mga kaklase ko na kung anu-ano ang iniisip. Lalo na si Abigail na siya ang puno’t dulo ng away namin. >.<

Sa ngayon kailangan kong makaisip ng paraan para magkaayos kami. Hindi sa nanghihinayang ako sa pagkakaibigan naming dalawa bagkus yung pinagsamahan namin, yung mga masasayang alaala at higit sa lahat yung siya mimso- ang bestfriend ko na lagi kong takbuhan at kaokrayan. Ayaw kong mawala iyon Y___Y

Hindi rin ako pwedeng umuwi sa amin baka tadtarin ako ni mama ng maraming tanong. Wala rin naman akong isasagot sa kanya.

Tambay! Tama. Tambay na lang ang magagawa ko sa ngayon.

Mabuti na lamang absent si manong guard kaya nakaalis ako sa loob ng school. Malapit na rin naman ang parke kaya doon muna ako magpapalipas. Ito ang kagandahan kung ang school mo ay nasa loob din ng isang subdivision pero may disadvantage din. Kapag nakita ka ng kapit-bahay mo, lagot ka! Sumbong ang abot mo! Siyempre roon sa silong. Sa ilalim ng puno kung saan may upuan. Yung upuan na nilagay ni Xavier noon.

Pinagmasdan ko ang mga ulap at ganoon pa rin ang gawain ng mga ito, ang sumabay sa hangin. Nakakapag-relax din ang huni ng mga ibon at yung pagsayaw ng mga puno, nakakaaliw tignan. Bigla akong napatingin sa aking relo at binilang kung ilang oras na lang ang magiging klase namin. Marami pang oras para mag-uwian. Saka na lang ako uuwi kung saktong uwian na namin. Para ligtas ako sa sermon.

Nang napansin ko na napapapikit na ang aking mga mata, nagdesisyon akong umidlip muna. Wala naman sigurong magagalit at sasawayin ako kung makaidlip ako saglit. At isa pa, siesta mode kaya makikigaya ako.

.

.

.

.

.

.

.

Matagal-tagal din ang naging idlip ko at pagkagising ko nakita ko sa aking relo na uwian na nila ngayon.

Yes! Makakauwi na rin ako. Wish ko lang walang nagsumbong o di kaya sana di tumawag ang adviser ko sa aming bahay.

Papatayo na sana ako nang makita ko si Jackie.

Matagal kaming nagkatitigan at di ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi rin siya kumikilos sa kanyang kinatatayuan.

“Jessie… kailangan mong magsalita.” Sabi ng utak ko. Nilakasan ko ang aking loob at ako na mismo ang unang umimik. Tumayo ako sa aking kinauupuan at agad kong tinungo ang kanyang pwesto.

“Jackie. Sorry talaga. Bati na tayo.”  Y____Y

Isang batok ang naging sagot niya. Sakit nun pero kung yun lang ang paraan para magkaayos kami sige lang. Batukan niya ako ng batukan.

“Gagita ka! Bakit di ka pumasok! May bad record ka na tuloy!” wika niya.

“Sa tingin mo ba makakapag-concentrate ako kung galit ka sa akin. Ayaw ko naman na buong araw tayong di magpapansinan.”

Isang batok na naman ang binigay niya.

“Kahit na! Dapat pumasok ka pa rin.”

Masakit pero titiisin ko.

“Nakakadalawa ka na ha! Baka naman gusto mo umupo muna tayo at mag-usap ng masinsinan at sa pagkakataon na ito dapat walang batok!”

Napatawa si Jackie at niyaya ko siyang umupo sa ilalim ng puno.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon