KABANATA 10: Cute niya.

45 1 0
                                    

Cute niya.

Yael's POV

Ang aga kong pumasok pero as usual, cutting classes ulit ang uwi ko.

Hindi ko tinatanggi na namimili ako ng subject na papasukan.

Mamaya sa Physics hindi ulit ako present.

.

.

.

.

.

Aba! Si Freshie girl iyon ha!

Si Jessica.

Kasama niya pala ang kaibigan niyang bading,

Siya ba yung ex niya?

Halata kasi sa pagmumukha ng lalake na iyon ang lungkot.

Wow naman! Marunong mag-snob si Jessica.

Masubukan nga.

Biglang sulpot ko sa kanilang harapan at ginulat ko siya ng isang bati.

"Crying girl. Huhuhu. Musta?"

Sinadya kong hindi pansinin si Jackie baka kasi buong maghapon niya akong hanapin at kulitin.

Bakas sa mukha ng bading na iyon ang pheromone effect ko sa kanya.

In-love nga sa akin.

Lakas ng amats para sa tulad ko.

"Okay lang. At pwede PO ba huwag PO kayo humarang." Wika niya sa akin

Gusto kong tumawa sa kanilang sinabi.

Talagang may "po".

Feeling ko ang tanda-tanda ko sa kanya.

Biglang kong tinapik ang kanyang noo.

"Po na naman! Talagang matanda na ang tingin mo sa tulad ko ha."

"Sige ka baka bigla kitang ligawan niyan."

"Cute ka pa naman."

Ngumiti ako nang makita ko yung tingin na nagtataka.

Yung tipong hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ko.

Bago ako umalis, hinawakan ko ang kanyang buhok.

Yung tipong ginulo ko na parang tuta.

Hindi ko tinatanggi na ang dulas ng buhok niya.

Sarap hawak-hawakan.

Napapatingin ako sa itsura niya talaga.

.

.

.

.

.

.

Physics time na at heto ulit ako tambay sa labas.

Tulad ng sinabi ko mas nanaisin ko pang tumambay sa labas kaysa dumugo ang utak ko.

.

.

.

.

Si Jessica na naman.

Tama pala recess ng first year ngayon.

Napangiti ako sa kanyang ginagawa.

Akalain mo mas inuna ang paghihilamos kaysa mag-recess.

Dahil trip ko siyang asarin lumapit ako sa kanya.

"Kanino ka ba nagpapaganda?"

 Biglang punas ng mukha niya gamit ang kanyang mata.

Nagulat siya nang nakita niya ako.

Kagulat gulat ba ako? Hahahaha.

"Di po ba may klase kayo? Cutting classes ka ha!"

Wika niya.

Napatawa na lamang ako.

Dahil basa ang kanyang mukha, kinuha ko ang aking panyo sa aking bulsa.

"Alam mo ba may kamata ka." Wika ko sa kanya.

"Sino?" Tanong niya sa akin.

Halatang nagtataka siya kung sino ang kanyang kamukha.

Napapangiti tuloy ako sa kanyang innocent look.

Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha.

Biruin ninyo napalayo siya sa akin at dahil doon muntikan na siyang ma-out of balance.

Buti na lamang napakapit siya sa aking kamay.

Hinila ko naman siya para hindi tuluyan matumba.

At dahil doon sobrang lapit niya sa akin.

Naririnig ko ang kabog ng kanyang puso.

Nakakatuwang freshman. Hahahaha.

Matagal din ang closure namin sa isa't isa.

Hindi ko maiwasan na ngumiti habang sobrang lapit namin.

"Mainit ba at sobrang pula ng iyon mukha?"

Asar ko sa kanya.

Tinulak niya ako papalayo at dahil doon nahulog ang aking panyo sa lupa

Pinulot niya ito at ganoond din ang ginawa ko kaya napahawak siya sa aking kamay.

Napangiti na naman ulit ako.

Bakit kaya hindi ko maiwasan na ngumiti?

Bigla niyang nilayo ang kanyang kamay.

Ako na lamang ang pumulot sa aking panyo.

"Kaw naman. Pupunasan ko lang ang mukha mo kaya ko nilapit ang aking mukha sa iyo."

Wika ko kay Jessica.

Ngumiti na naman ulit ako.

Inabot ko ang aking panyo sa kanya.

"Punasan mo ng husto ang iyong mukha gamit ito." Wika ko.

Agad naman niya kinuha ito at nagpasalamat.

Biglang inat ko at alis. Baka kasi bigla niya akong isumbong sa guidance counsellor namin.

Bago ako tuluyang lumayo, napalingon ako sa kanya sabay sabing...

"Ang cute ng pisngi mo."

Nakita ko siyang namula.

Ang cute nga niya talaga. Hahahaha.

"Kapag nagkita tayo... kukurutin ko iyon."

Wika ko sa kanya sabay alis.

Ngayong araw na ito maraming ngiti ang ginawa ko dahil sa freshies na iyon.

Yung ngiti na hindi ko mapaliwanag.

Sa tuwing nakikita ko siya hindi ko maiwasan na asarin pa siya lalo.

Jessica talaga. Hahahaha.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon