KABANATA 19: Faculty plus closure

39 1 0
                                    

Faculty plus closure

Jessica's POV

Hindi ko alam na magagawa iyon ni sir Chris kay Xavier. Ang kulit kasi ng lalake na iyon >.< Sabi ko ayaw ko siyang kausapin pero nagpumilit pa rin siya >.<

Hindi talaga maalis sa isip ko ang sinasabi ni sir Chris kanina.

"Iho, sinabi na niya sa iyo na ayaw ka muna niyang kausapin di ba. Kailangan intindihin mo iyon. Huwag mong pilitin siya na patawarin ka niya."

Para tuloy naging knight in shining armor ko siya. *__*

Hindi ko tuloy mapigilan na isipin ulit kung paano tinulak ni sir Chris si Xavier papalayo sa akin.

Nagulat din ako at the same time naawa nang napatumba si Xavier.

"See you later, Jessica for your project."

Sa faculty. As in sa loob ng faculty. Hindi kaya nakakahiya? Baka kung ano ang isipin ng ibang teacher na naroon ngayon.  Bakit faculty pa? -__- Napatingin ako sa aking relo at tamang tama lang, malapit na mag-five P.M

Tutuloy pa ba ako? Wala kaming project kung hindi ako pupunta sa faculty. Kung sa bagay may iba pang teacher na pwedeng interbyuhin kaso yung mga tanong ko pang-sir Chris lang talaga. Napakamot ako ng ulo at napaisip bigla.

"Naku Jessica! Isipin mong mabuti kung itutuloy mo ang interview o hindi!" tanong ko sa aking sarili. Mga ilang minuto rin akong nag-isip at sa huling banda... faculty pa rin ang bagsak ko. -___-

Pagdating doon, napasilip ako sa loob ng faculty. O.M.G! Walang katao-tao. Ay! Nakauwi na marahil ang mga guro. Bigla kong nakita si sir Chris na papunta rin sa faculty.

"Sir wala na pong teachers sa faculty." Wika ko sa kanya.

"Okay lang. Atleast makakapagtanong ka ng maiigi sa akin." Sabay smile.

Biglang kabog ng dibdib ko. Nanikip ng hindi ko inaasahan.

Binuksan ni sir Chris ang iilang ilaw sa faculty at kumuha siya ng silya para sa akin.

"Have a sit, Jessica." Sabay turo sa upuan. Umupo naman ako.

"Shall we start?" tanong niya sa akin.

Agad kong binuklat ang dala kong notebook kaso sa sobrang kaba ko hindi ko mahanap kung saan ko nasulat banda ang mga tanong ko para kay sir Chris. Ano ba yan! Interview lang ito pero bakit kinakabahan ako ng husto! Relax ka lang Jessie! Relax!

Napatingin ako bigla kay sir Chris. Naku pangiti-ngiti lang siya habang ako naman tarantang-taranta.

"Sir wait lang po. Hahaha hindi ko po makita ang mga itatanong ko po sa inyo." Wika ko sa kanya.

Kinuha niya ang aking notebook at siya na mismo ang naghanap ng mga tanong ko sa kanya. Wait! Huwag niyang sabihin na tinignan niya ang laman ng notebook ko -___- Hala na! Baka nabasa niya yun...

Biglang nagsalita si sir Chris.

"Kailan ninyo po nahiligan ang larong basketball?" tanong niya.

"Sir yun po ang question number one ko po sa inyo?" tugon ko.

"Iyon ba?" sabay ngiti sa akin.

"Actually basketball player ang dad ko sa PBA. Doon ko namana ang hilig ko sa paglalaro ng basketball." Sagot niya sa akin na may ngiti.

*___* natutunaw ako sa kanyang ngiti. *_____*

"May tanong ka pa rito." Dugtong niya.

"Bukod sa pagco-coach, may iba pa kayong gustong gawin?" wika niya.

"Actually gusto kong mag-travel sa Greece kung saan nagsimula ang Olympics." Tugon niya.

"Bakit po?" dugtong ko.

Napatawa siya bigla. Naku masama atang mag-follow-up question sa kanya.

"Gusto kong takbuhin yung daan na ginamit sa unang marathon, tikman ang mga pagkain nila at mag-sight seeing sa mayaman nilang bansa." Sabay ngiti sa akin.

Napatingin siya sa aking notebook at sabay sabi kung pwedeng hindi na niya sagutin kung sino ang top 5 NBA at PBA players niya.

"Kahit na coach ako ng basketball hindi ako updated sa NBA at PBA." Sabay tawa ng malakas.

Ngayon ko lang nakita si sir Chris na tumawa ng ganoong kalakas. Napangiti naman ako. Ang gwapo niyang kung tumawa *___*

"Ano po ang exercise na ginagawa ninyo po palagi to stay fit and healthy?" dugtong ko. Yan! Naalala ko na yung mga dapat kong itanong sa kanya.

"Hmmmm... Running at minsan nagba-basketball ako tuwing umaga sa aming village."

"Nagte-train pa rin po ba kayo kahit magaling na kayo sa larong basketball?"

Tumawa muna siya sa aking tinanong. "Oo naman at paraan ko na rin iyon para maging masigla at fit ang katawan ko." Wika niya.

"May powerful message po ba kayo sa mga players ninyo po?"

Nang marinig niya iyon, tumawa ulit siya ng sobrang lakas. Korny naman kasi ang tanong ko at isa pa tanong iyon ng isa kong ka-grupo naman. Actually... tanong pala nila iyon. Taga-tanong lang ako hahahaha ^_^

"Ano nga ba? Hmmmm... stay focus and no matter what happens, I will support them, hundred percent." Sabay ngiti.

Out-of-the-blue bigla ko na lamang natanong kung may girlfriend na siya. Naku! Ang engot mo Jessie! >.< Personal na iyon masyado. >.<

"I do have a gf before. Nagbreak kami one month ago." Napatingin ako sa kanya ng sinabi ko iyon. Si sir Chris may gf? Kung sa bagay hindi malayong mangyari iyon. Gwapo si sir at simpatiko pa! Imposible na walang magkakagusto sa tulad niya kapag siya ang nanligaw.

"Kayo po ba ang nakipag-break?" tanong ko sa kanya.

"Siya mismo. May mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya kaya naghanap siya ng iba."

"Sus! Sir sa gwapo po ninyo, kailangan pa ba niya ng iba. Sobra na nga po yung kagwapuhan ninyo para ibigay iyon sa kanya. Tapos mabait pa po kayo. Maginoo pa" Sabay ngiti sa kanya. Ang bopols ko talaga   -____-

Tumawa lang si sir nang sinabi ko iyon. Nakitawa na rin ako.

"You make me laugh talaga, Jessica." Wika niya sa akin.

Nag-blush ako nang sinabi niya iyon sa akin. Para tuloy nagsipalpakan ang mga tenga ko tapos may naririnig pa akong "I'm walking on sunshine whoooo."

Tuloy lang ang aming tawanan ng bigla na lamang...

kumulog ng malakas.

Napakapit ako kay sir Chris nang di ko namamalayan. Agad akong bumitaw sa sobrang hiya ko. Kaya lang humirit pa ang langit ng isa pang kulog at may kasama pang kidlat. Napakapit ako ng mahigpit kay sir talaga. Parang bata na ayaw bumitaw.

"Sorry, sir. Takot talaga ako sa kulog. Pasensya po talaga." Wika ko habang nakakapit pa rin sa kanya.

Hinawakan niya't tinakpan ang aking mga tenga. Ang init ng kanyang mga kamay. Napatingin ako ng deretso sa kanyang mga mata.

"Don't worry, Jessica. As long as you are with me, everything will be fine. Just hold on tight" Sabay ngiti sa akin.

Baduuuummmmp! Badummp! Ano na naman itong nararamdaman ko?

Parang Yael lang ang effect -___-

Naku! Puso ko nga naman!

My Brainy pad POV

Sige Jessica! Tibok pa! hahahaha ^_^

Naranasan na ba ninyo ang ganoong feeling. Na nakipagtitigan ka sa isang guy tapos biglang tumibok ang puso mo na di mo maexplain kung anong klaseng tibok iyon ^_^

Hahahaha nakakatuwa. ^_^

Comment lang po kayo at suggestion ^_^ salamat po sa pagbabasa ^_^v

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon