EXTRA 51.5

10 0 0
                                    

EXTRA 51.5 :Mahiwagang mga regalo, kuno.

Jessie’s POV

Ayaw ko pang bumangon. More hour pa para sa tulog kaso yung boses ng mama ko’y ginigising ako. Tumulong na raw ako sa paglilinis.

Paglilinis? Para saan naman?

“Anak alam kong kailangan mong bumawi sa mga puyat mo kaso kailangan namin ang iyong tulong. Kaya bangon na Jessie.”

Kahit na tinatamad pa ako kailangan ko na talagang bumangon. Hinanap ko ang alarm clock sabay tingin kung anong oras na. 7:00 AM pa lang naman pala. Tumayo ako sa aking kama at hinanap naman ang kalendaryo.

December 24.

Hala! Mamaya na pala ang pasko. Dali-dali akong bumaba at hinanap si mama. Nang makita siya agad akong napayakap sa kanya.

“Anak mas mabuti pang kumain ka muna ng agahan tapos linisin mo ang kwarto mo at tignan mo kung may kulang pa ba tayo sa mga ihahanda natin mamayang noche Buena.”

Sinunod ko ang sinabi ng aking mama. Kumain muna ako ng agahan at nang matapos ako hinugasan ko ang aking pinagkainan.

“Dingdong!”

“Anak may tao ata.”

Huminto ako saglit at tinignan kung sino ang nag-doorbell.

Walang tao pero isang maliit na box ang nakita ko sa harap ng aming pintuan.

“Ma, nagpadeliver ka po ba?” Tanong ko sa aking mama.

“Ha? Anong delivery ang sinasabi mo?”

Kinuha ko yung maliit na box at tinignan ko ang isang card na nakalagay roon.

Jessie,

 

Merry Christmas. Enjoy-in mo sana ang araw na ito. Sana magustuhan mo ang munti kong regalo. May pagmamahal iyan.

 

Nagmamahal,

Secret admirer

Ano na namang kalokohan ito?

Pumasok ako sa loob dala yung box na nakita ko sa labas. Inilapag ko so sa lamesa. Pinagpatuloy ko yung paghuhugas ko at nang matapos umakyat ako sa aking kwarto’t naglinis. Tuluyan ko nang nakalimutan yung regalo sa lamesa.

Habang naglilinis may nag-doorbell na naman. Tinawag ako ng mama ko sabay baba. Pagkabukas ko ng pinto may kung anong regalo na naman ang nakalagay sa harap ng aming pintuan. Kinuha ko ito at sa akin na naman nakapangalan ang regalo.

Jessie,

 

May all your sadness change into happiness this Christmas. Hope you like my gift. Smile. It really makes you beautiful.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon