KABANATA 38: Let's Talk

40 1 0
                                    

Let's Talk

Chris' POV

Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit napaka-big deal ang pagtatapat ng bata na iyon sa akin. Love is blind ika nga ng matandang kasabihan pero di sapat iyon para mahalin ako ng bata na yun. Nadadala lang siya sa kanyang emosyon.

Ngunit...

Sa di mapaliwanag na dahilan bakit ko siya iniisip. Panay ang tingin ko  aking mini bookshelf para tumingin ng librong pwede kong basahin. Magazine, novel, at iilang diaryo ang nakalagay roon. Ni isa wala akong nagustuhan. Minabuti ko na lang kunin ang aking class record at maglagay ng mga grades kaso mga ilang minuto lang tinigil ko na. Hindi ako makapag-concentrate ng maayos talaga. Ano ba kasi itong iniisip ko? Yung sinabi ba niya? O yung naging sagot ko?

Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumabas sa faculty. Sa tingin ko kailangan kong lumanghap ng sariwang hangin, magpahangin at the same time magmuni-muni na rin. Pagkalabas ko bigla akong nakita ng ilan kong estudyante. Lumapit sila at nakipagkwentuhan sa akin.

"Sir balita ko may dini-date po kayo? Kwento naman po kayo?" Biro ng isa kong estudyante. Napakamot na lamang ako ng ulo. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o magpapatay malisya ako na wala akong alam sa kanyang sinasabi.

"Date? Next topic please?" Napatawa na lamang sila nang sinabi ko iyon. Hindi sa nililihim ko pero sa ngayon kasi gusto kong manigurado kung magiging kami ulit. Good friends na kami ng ex ko at inaamin ko na nakikipagkita ako sa kanya kung kinakailangan niya ako at kinakailangan ko rin siya.  We both single at enjoying our  different path na tinatahak namin ngayon. Pero malay natin, baka magkaroon kami ulit ng second chance.

"Ayiiiieeee si sir. Nagbibinata na. May secret secret pa kayong nalalaman." Biro ng isa ko pang estudyante. Tumawa lamang ako at nagsabi sa kanila na kailangan na nilang umuwi. Nagpaalam ako sa kanila at ganoon din sila sa akin. Mga bata nga naman kahit anong mangyari talaga gusto nilang malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa iyo.

"Sir Chris!" Bigla na lamang akong lumingon nang tinawag ang aking pangalan. Tumigil ako sa aking paglalakad at tinanong ko siya kung ano ang kailangan niya sa akin.

"Sir, wala po ba tayong practice?" Napaisip naman ako kung bakit niya iyon natanong.

"Practice ba natin ngayon?"

"Yes, sir. Kayo pa nga po nag-settle ng araw na ito kaya lahat po kami nasa gym na."

"Sorry, iho. Sige mauna kana at babalik ako sa faculty para kunin ang aking whistle." Biglang balik ko sa faculty para kunin ang akin ang whistle sa aking drawer. Agad din akong nagtungo sa gym para practice. Naku dapat relax lang ako at di nag-iisip ng kung anu-ano. Dahil doon nakakalimutan kong gawin ang importanteng bagay.

"Sir foul po siya." Napatingin ako bigla ng tinawag ng isa kong player ang aking atensyon.

"Sorry iho. Sino ang foul." Tanong ko sa kanila. Lahat sila nagkatitigan. Pansin na ata nila na wala ako sa mood.

"Sir sa tingin ko po kailangan ninyo munang magpahinga." Advice ng isa kong player. Hindi ko makuha kung bakit kailangan ko pang magpahinga. Wala naman akong sakit. Di lang ako makapag-isip ng maayos. Yun lang iyon.

"I'm okay. Break muna tayo." Wika ko sa kanila.

"Sir 10 minutes pa lang po nakakalipas. Break na agad?" Tugon ng isa kong player. Napatingin ako sa aking relo at tinanong sa aking team manager kung 10 minutes pa lang ang nakakalipas.

"Opo sir. Tumigil lang po sila nang nagkaroon po ng foul."

Humingi ako ng paumanhin sa aking team at humiling ako sa kanila kung okay lang bang ipagpaliban muna ang practice. Sa kabutihang palad pumayag naman sila. Agad silang nagsialisan sa gym at naiwan na lamang akong mag-isa. Umupo ako sa isang tabi at huminga ng malalim. Walang duda, iniisip ko ang naging sagot ko kay Jessica. Naging harsh ata ang pagsabi ko nun. Kailangan ko bang humingi ng tawad? Pero nagpakatotoo lang ako sa kanyang harapan. Siguro kailangan ko lang magpaliwanag at ilinaw sa kanya ang iilang bagay. Tumayo ako at nagdesisyong hanapin siya. Sa mga oras na ito, panigurado labasan na nila. Laking gulat ko na lamang at nakita ko si Jessica. Agad akong nagtungo sa kanya pero nang makita niya ako kumaripas naman siya ng lakad.

"Wait Jessica. Wait." Pilit ko siyang pinapahinto pero ayaw niyang tumigil talaga. Tuloy lang ang kanyang paglalakad ng matulin.

"Ayaw mo bang kausapin ako?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry po sir nagmamadali talaga ako." Tugon lang niya sa akin na hindi pa rin siya tumitigil sa kakalakad. No choice ako kundi bilisan ang aking paglalakad. Nauna ako sa kanya sabay harang kanyang dinadaan. Napahinto si Jessica at naghanap ng ibang madadaanan pero agad akong humarang sa kanya ulit.

"Sir kailangan ko na po talagang umuwi. May pupuntahan pa po ako. Bukas na lang po yung sasabihin ninyo sa akin." Wika ni Jessica. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin. Halatang iniiwasan niya ako. Halatang ayaw niya akong makausap.

Hindi ko alam sa aking sarili pero bigla na lamang ako napahawak sa kanyang kamay. Agad naman siyang napabitaw sa akin pero pilit kong inabot ulit iyon.

"Kung di ka busy bukas, pagkatapos ng iyong klase, magkita tayo sa parke yung gabing nakita mo ako. Yung gabi na nagtapat ka sa akin." Wika ko kay Jessica.

"Baka po may makakita sa atin."

"Basta pumunta ka maghihintay ako."

Agad siyang bumitaw sa aking pagkakahawak at umalis na lamang sa aking harapan. Sinundan ko siya ng aking tingin pero di siya lumingon.Di ko alam kung anong meron sa akin pero gusto kong maging tapat sa bata na iyon. Gusto kong maging malinaw na sa akin ang lahat. Gusto kong umamin sa kanya.

At kung anuman ang mangyayari bukas sa aming dalawa na lamang iyon. Kung meron mang makakita ako na ang bahalang magpaliwanag. Ang importante sa akin di siya mapahamak sa magiging aksyon ko.

Sana man lang makarating siya.

Lumingon na rin ako at lumakad papalayo sa kanya. Pareho kaming naglakad papalayo sa isa't isa.

MY BRAINY PAD POV

[NAGPAPASALAMAT PO AKO SA SUMUSUBAYBAY SA KWENTO NA ITO. PASENSYA NA PO KUNG SUPER TAGAL ANG NAGING UPDATE KO SA KADAHILAN NA SUPER BUSY PO AKO. HINDI KO NGA PO ALAM KUNG MAKAKAPAG-POST PA PO AKO T________T YUNG ISA KO PONG LAPTOP SIRA ANG HARD DISK AT DI KO ALAM KUNG MA-RERETRIVE PA RIN ANG MGA KWENTO KO ROON. KAILANGANG MAGTIWALA. 100 PERCENT KAILANGAN!] ^___^v

[STAY HAPPY PO. KEEP SMILING. :D]

[VOTE...COMMENT AT SUGGEST LANG PO KAYO.]

[PA-PLUG NA RIN PO SA IBA PA NINYONG KAIBIGAN ^__^v]

[HUG HUG HUG AT MARAMING HUG PA PO  ANG AKING ISUSUKLI SA INYONG LAHAT ^__^v]

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon