KABANATA 51: Umamin ka na kasi!

14 0 0
                                    

Umamin ka na kasi!

Jackie’s POV

“Ano ba iyan gurlash. Masaket ha! Hindi naman ako kalagkaring bag o di kaya isang trashy trashy bag para hilain mo lang. Masaket e”. Wika ko kay Jessie na hindi ko alam kung bakit nagmamadali siyang dalhin ako sa likod ng school. Kanina pa siya hindi makausap ng matino. Kaninang umaga pa.

Pagpasok ko kanina tahimik si Jessie. Binati ko siya tulad ng gawain ko. Yumakap pa nga ako kaso para siyang zombie. No reaction. Walang imik ngunit halata sa kanyang buong mukha ang mamumula nito. Ngumiti lamang siya sabay ring ng bell.

Habang nagma-math din panay ang pikit niya ng kanyang mga mata. Hindi ko alam kung nagso-solve ba siya. E puro lecture lang naman ang nakasulat sa board kaya imposible iyon. Ano iyon? Kautangan niya ang kanyang kinukwenta. Wala naman siyang utang e.

Nang mag-science ang lalim ng titig niya sa beaker. Tapos bigla niyang binaling ang tingin sa Erlenmeyer flask sabay buntong-hininga. Gusto ko siyang lapitan kaso baka pagalitan kami ni sir. Lagot kami.

Noong nag-PE rin kami kanina bigla na lamang niya iniiwasan ang mga tira ni Zack sa volleyball. Hindi raw niya talaga kayang mag-pass. Block lang daw. Nagtaka naman ako kasi isa sa frustrated game na gusto niya ay ang volleyball.

At heto kami ngayon sa likod ng school. Para kaming may tinatagong sekreto. Sinusubukan ni Jessie na habulin ang kanyang hinigna. Ano ba kasi ang problema ng babaeng ito?

“Jessie. Believe me. You’re confused. Ano ba kasi ang iniisip mo?”

“Huwag kang tatawa. Sasabunutan kita kapag ginawa mo iyon.”

“I swear. Picky finger pa e.”

Huminga ng malalim si Jessie sabay sabing nalilito siya. Hindi ko siya gets kaya pinalinaw ko sa kanya kung ano ang ibig niyang sabihin.

“I think gusto ko si Zack.”

“Oh may… I’m terrified Jessie.” Sabay tawa sa kanya.

“Kainis naman! Sabi mo hindi ka tatawa.” Pouting face agad si Jessie.

“Sorry friendship. Hmmmm… let me think, gusto mo ri si Yael, right?”

Namula si Jessie nang binanggit ko ang name ni Yael.

“Kaya mo ako hinila kasi hindi mo alam kung sino sa dalawa ang mas gusto mo, right?”

“Bakit ba ang dami mong alam Jackie?”

“Siyempre pagdating sa iyo wala akong hindi alam. Friends tayo di ba? Para ko na ring utak ang utak mo.” Sabay tawa ng malakas.

“Lagot ako nito kay Abigail.”

Napataas ang kilay ko nang sinabi niya iyon.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon