KABANATA 2: Isip ko'y ito.

71 2 0
                                    

Isip ko'y ito.

Chris POV

"Pass the ball, Balboa!"

Napasigaw na lamang ako nang hindi ko nakikitaan ng magandang game ang mga manlalaro ko.

Para silang lantang gulay na hindi ko alam kung kulang ba sila sa dilig o sadyang nararamdaman pa nila ang kanilang pagkatalo sa isang inter-school competition.

Kakainis na! Kulang na lang ibato ko ang mga dala nilang tubig para magising sila. Ngunit bilang coach nila, kailangan ipakita ko na hindi ako naiinis.

Yung tipong kalma lang ako. Nararamdaman ko rin na natataranta sila sa tuwing nagagalit ako. Ano ba ang puwede kong magawa?

Hawak ko ang buong men's basketball ng school.

Iba ang approach ko sa high school boys at iba rin pagdating sa elementary boys.

Kung ako ang tatanungin mas simple lang ang paliwanag ko kapag elementary students na yung kaharap ko.

Kapag high school doon umiinit lagi ang aking ulo. Mas tutok ako masyado. At di rin mawawala ang pagiging seryoso ko sa laro.

 "Sir Mendoza" wika ng team manager namin.

"Sa loob ng sampung minuto po, hingal na po sila."

"Salamat" wika ko.

Iyon siguro ang sanhi ng aming pagkatalo.

Kulang sila ng resistance pagdating sa mahabaang laro.

Matatangkad ang aming naging kalaban at isa rin atang factor din iyon.

"Okay boys... water break muna!"

Nang sinigaw ko iyon sa kanila lahat sila nagsiupuan. Halata nga na hindi nila kaya ang matagalang laro.

Umupo ako sa isang sulok at pinagmasdan ang mga estudyanteng nakikinood parati sa aming practice.

Yung iba tambay lang na walang magawa. Yung iba nagka-cutting class. Yung iba naman pinagmamasdan ang mga nagsisigwapuhan kong mga player.

Kabataan nga naman. Dahil sa wala na akong napala, agad akong umalis sa gym.

Kailangan ko ng makaisip ng bagong paraan para manalo kami sa next game.

Ano kaya ang pwede kong gawin?

.

,

,

,

"Sir Chris!"

.

.

.

Bigla na lamang ako napahinto't napalingon. Isang babaeng estudyante ang nakita kong hinahabol ako.

"Ano iyon, iha?"

Huminga muna ng malalim ang estudyante at agad nagtanong sa akin kung pwede akong interbyuhin para sa kanilang project.

Bahagya akong ngumiti at nagsabi na pupwede.

Napangiti ulit ako nang makita ko sa kanyang mata ang saya na tila ba natutuwa kasi ma-iinterbyu na niya ako.

"5 PM after the practice." Wika ko sa kanya.

Agad akong umalis at hindi ko na siya nilingunan pa.

Pero halata sa kanyang kilos na nasasabik siya para bukas.

Nakakatuwa ang kanyang expression na iyon.

Hindi ko mapigilan na ngumiti.

Teka? Ano nga ba pangalan niya? Naku! Nakalimutan kong tanungin.

Yung level din niya pala.

Panigurado high school na siya.

Di bale, magkikita naman kami bukas.

.

.

.

Still, I can't resist to smile because of that face.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon