KABANATA 35: Mahal na nga kita.

27 0 0
                                    

Mahal na nga kita.

Yael's POV

“Hindi mo na gagawin ang community service kung aatend ka ng JS prom.”

Nang sinabi ng adviser ko nanlaki ang mata ko sa tuwa. Kaya lang. ang problema nito, di ako marunong sumayaw at pagtatawanan lang ako ng mga kaklase kong lalake. -____-

“Kaysa di ka grumaduate Mr. Yael Tenioso. No choice ka na.”

Napabuntong-hininga na lamang ako at napa-oo sa aking adviser.

Bahagyang naging maaliwalas ang mukha niya.

“Huwag mo akong bibiguin bata ka! Talagang ibabalik kita sa fourth year!”

Tinakot pa niya ako. -____-

Nagpaalam agad ako sa kanya na babalik na ako sa classroom. Pero ang totoo niyan, mag-iikot ikot na lamang ako hanggang sa hanapin ulit ako ng aming principal hahahaha :D

 .

.

.

.

.

.

.

Una kong tinambayan ang library. Nagulat ako sa mga librong nakita ko. Library nga di ba :D Kung sa bagay parang ngayon lang ata ako pumasok.

“OBSERVE SILENCE!” sabi ng pader.

Gusto kong tumawa ng malakas o di kaya gayahin yung ginawa ni psy sa kanyang MV na gentleman. Kaso nangako na pala ako na magpapakabait para naman maka-graduate na ako.

Nakokonsensya rin pala ako hahahaha. Nakakapagod din pala ang maging pasaway. XD

Lumabas ako sa library at naghanap ng lugar na tatambayan.

 .

.

.

.

.

Sunod kong pinuntahan ang gym.

Naks naman parang ghost town. Kakaunti lang ang mga tao. Kung sa bagay dumadami lang naman dahil sa mga players ni sir Chris. Speaking of sir Chris, hindi ko pa siya nakikita ha. May klase ata.

Wala rin naman magandang makikita sa gym, aalis na lang ako at maghahanap ng panibagong lugar na tatambayan.

Kung sa rooftop ako baka bigla akong makita ng ibang teacher at bigla na ring magsumbong sa aking adviser. Ayaw ko ulit na bumalik sa faculty at sermunan na naman niya ako.

Tama! Doon na lang ako sa green house. Tutal mamayang hapon pa ang punta ng gardener’s club. Tama ba? Hahahaha XD

 .

.

.

.

.

Agad akong nagtungo doon at laking gulat ko na lang na nakita ko si Jessica. Tulalang-tulala sa halaman.

Bibiruin ko sana kaso bigla na lamang pumatak ang isang luha sa kanyang mata.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero kutob ko may umaway sa kanya o di kaya nasaktan ang puso ng tao na ito.

Hinubad ko ang aking polo at saka ko pinandong sa kanyang uluhan.

Pilit niya yun tinatanggal pero nagmatigas ako.

“Ayaw kong nakakakita ng babaeng umiiyak.” Wika ko sa kanya.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon