KABANATA 21: Pouting face

37 1 0
                                    

Pouting face

Abigail's POV

Inagahan ko talaga ang aking pasok para ako ang unang makakita kay Zack. Alam ko kaya kung anong oras ang kanyang dating parati. At alam ko rin kung ano ang ginagawa niya pagpasok sa aming classroom.

"Good morning, Zack." Bati ko sa kanya.

Napangiti si Zack sa akin. Gosh ang cute niyang ngumiti *_______*

Bigla na lamang tumingin si Zack sa malayo. Hay, kailan mo kaya ako mapapansin?

I'm not obsessed with him, I'm in love and that makes a difference. <3

Biglang pasok ni Jessica sa classroom. Umupo lamang siya kanyang upuan. Mabuti naman at di niya pinansin si Zacky my love ko.

Sumunod ding pumasok ang bestfriend niyang bading, si Jackie. Hindi ko alam kung sinaniban ng masamang espiritu ang kaibigan niya kasi bigla na lamang ito napayakap kay Jessica.

"Jessie ganito ba kahigpit ang yakap mo kay chuchuwariwap?" wika ni Jackie.

Sino kaya ang yumakap ng sobrang higpit kay Jessica? Akalain mo, may taong malakas ang loob para yumakap sa peculiar person na iyon. At siyempre hindi si Zack iyon. Biglang napahalik si Jackie sa pisngi ni Jessica. Ewww! Both girls, naghahalikan. Yuck! >.< Pero si Zack napangiti na lamang sa kanilang dalawa.

"fafa Amboy... kung hindi ka magtatapat sa esprend ko sige ka baka kung sinu-sino na lang na lalaki ang i-date niya." Wika ni Jackie.

Nanlaki ang aking mga mata at may kung anong bulkan na malapit ng sumabog nang marinig ko iyon. Dali-dali akong tumayo sa aking upuan at nakipagumpukan sa kanilang kwentuhan. Hindi pwedeng mapunta si Zack kay Jessica. Zack is mine. Sa akin lamang siya! >.<

"Ano na naman ba ang pumasok sa utak mo at feeling mo crush ako ni Zack?" Wika ni Jessica sa kanyang kaibigan.

Tama ka naman, Jessica. Walang lalake na papatol sa iyo.

Tumawa lang si Zack nang marinig niya iyon. Lumapit pa ako husto at nakisali na rin sa kanilang usapan.

"Jackie sa utak ni Jessie imposible na magustuhan siya ni Zack. Oo matalino nga pero may pagka-Baguio ang utak. Zigzag. You know."

Tinaasan lang ako ng kilay ni Jackie. E totoo naman ang sinasabi ko na may pagka-weirdo ang utak ni Jessica. Hindi naman kasinungalingan iyon. Atleast nga honest ako. Hmmp >.<

"There is nothing wrong if she thinks weird things. Masarap ngang kausap ang mga ganoong tao. Yung maraming alam." Wika ni Zack at sabay ngiti kay Jessica.

What? Ano ito? Wala akong kakampi.

Natuwa naman si Jackie sa kanyang narinig at si Jessica naman namula ang pisngi.

Napabulong na lamang si Jackie kay Jessica. Ano kaya ang binubulong ng bading na ito? Huwag niyang sabihin na pinag-uusapan nila na hindi ako kinampihan ni Zack at nakaka-turn off ako.

Nagkatitigan lamang ang magkaibigan at napayakap ulit si Jackie sa kanya. Nahihiwagaan talaga ako sa bulong na iyon.

"Tutal bukas ay Sabado naman, bakit hindi tayo mamasyal. Manood din ng movie at magkaroon ng mini bonding." Dugtong ni Jackie

What the...! Hindi ako papayag! Napakagat bigla ako sa aking labi.

"Hindi pwede date namin si Zack iyon bukas. Di ba Zack?" Napatingin ako kay Zack. Alam ko na hindi siya papayag na may iba pa kaming kasami bukod sa aming dalawa. Iyon ang pagkakataon ko na masolo ko si Zack.

"Look Abigail, it is more fun kung marami tayo. Kaya isama na natin sila." Wika ni Zack.

Kainis siya! Bakit ba ang sama-sama mo sa akin! Hmmmp!!! >.<

Love is too painful nga naman. Pero hindi ako susuko. Hindi ko hahayaan na mapunta ka sa ibang babae. You are mind, Zack! Ipaparamdaman ko sa iyo kung paano magmahal ang tulad ko.

Bumalik na lamang ako sa aking upuan. Siyempre nagdabog ako! Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung iyon ang maririnig mo sa taong gusting-gusto mo! >.< Kainis ka talaga Zack!

The more the merrier pala ha. Sige lang. Gagawa ako ng paraan bukas para ikaw at ako ay mapahiwalay sa lakad. At doon ko ipaparamdaman ang walang hanggan kong pag-ibig sa iyo. <3

Patay malisya naman itong si Jessica! Kunwari walang alam sa nangyayari. Nararamdaman ko naman na natutuwa siya! >.<

Hindi ako magpapatalo!

Hinding-hindi! >.<

My brainy pad POV

[Naisip ko... paano kaya magpapansin sa taong ayaw naman sa iyo? ^_^]

[Nagawa ko na ba iyon? Ang magpapansin? Hindi ko maalala. Ikaw ba? ^__^]

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon