KABANATA 4: Maging masaya.

65 2 0
                                    

Maging masaya.

Yael's POV

Sarap tumambay sa gym talaga lalo na kapag may klase. Nagpapadugo kasi sa aking utak ang Physics. Madalas hindi ko na pinapasukan.

Mali pala...

Hindi ko na pala pinapasukan hahaha.

.

.

.

.

Yael Tenioso po, at your service.

Senior at nasa dulong section sa isang public school.

Naalala ko sinabi ng aking teacher.

Ang section F ang failed section...

Sa isip-isip ko lang, ibig sabihin nun Fun section!

Masaya ang section namin at sa super saya kami ang tampulan ng inis ng mga teacher.

Walang assignment parati.

Bagsak sa periodical exam.

Minsan absent minsan late. Uso on-off scenario.

Suki ako sa guidance parati kasi tumatakas lagi ako sa mga school services na dapat kong gawin.

Buti nga hindi pa ako nasisipa sa school.

Naiisip nila siguro na graduating naman ako at aalis na rin, kaya pagbigyan.

Habaan ang pasensya sa tulad ko.

.

.

.

Uminat ako saglit at napalingon bigla.

Si Jessica yun ha, isang freshie student.

Nakita ko siyang dali-daling lumabas sa gym.

Nilayo ko pa ang aking tingin.

Bingo! Si coach Chris iyon ha!

Aba! Aba! I smell something fishy.

Sinundan niya ang men's basketball coach na si sir Chris.

Ano kaya meron?

.

.

.

Parang kailan lang nakita ko siyang umiiyak.

Akalain mo iniyakan ang pagtatalo nila ng bf niya.

Paano ko nalaman?

Simple...

Narinig ko silang nagtatalo malapit sa punong tinatambayan ko.

Masyado silang maingay kaya nagising ako.

Pagkagising ko nakita ko yung guy nag-walk out tapos siya biglang umiyak.

Tamang tsismoso lang no? Ano ang magagawa ko e narinig ko iyon. At isa pa sila ang unang nambulabog sa akin, hindi ako. No choice na ako kundi lapitan siya ng mga oras na iyon.

.

.

.

.

"Magiging kamatis ang mukha mo sa kakaiyak."

"Mukha ka ng basang sisiw."

"Ngingiti na siya... ngingit na siya."

"Sino ka ba! Mas iniinis mo pa ako lalo!" Wika ni Jessica.

Nagmala-baboy ang itsura ko para lamang ngumiti siya.

Bigla siyang napatawa.

"sino ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa?"

Tanong ko sa kanya.

Tumawa ulit siya. Pero imbes na tanungin ako kung "ano" sinagot niya ako na...

"Korny mo! Kung sino ka man!" Sabay tawa.

By the way ako si Yael, graduating student at ikaw iyakan ay si...

Biglang banggit ng kanyang pangalan... "Jessica po. Isang freshman."

Tumawa ako at pinatanggal ko sa kanya ang po. Para naman akong matanda nun.

Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya kaso nakita ko yung principal namin kaya kumaripas na ako ng takbo.

Sa muli naming pagkikita patatawanin ko siya.

Ngumiti lang siya sa akin mula sa malayo.

.

.

.

.

.

Gusto ko sanang sundan siya kaso may asungot akong nakita. Yung bessie niyang baklusha.

Si Jackie.

Nanonood ng practice.

Kulang na lang gawin niyang bisyo iyon.

Araw-araw na lang dinadalhan ako ng lunch at pamasahe pauwi.

Kahit na nasa 5th floor ang aming section panay ang punta at tanong sa mga kaklase ko.

Tampulan tuloy ako ng asar.

Kahit na first year lang siya kinakatakutan ko ang tulad niya.

Naku! Baka matuklaw ako! Mas mabuti na nag-iingat ako kaysa sa hindi.

.

.

.

.

Umalis na lamang ako sa gym at naghanap ng malilipasan ng oras. May 20 minutes pa ako bago mag-ring ang bell tapos recess na namin. Sana sabay ang recess ng first year at fourth year para makausap ko naman si Jessica. Malay ko ba! Gusto ko ang tawa niya with matching teary eyes. At matanong na rin kung gusto niya si sir Chris.

Napaka-interesante ang freshie na iyon.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Libre comment po ^_^

Libre vote rin po ^_^

Salamat sa mga nagbabasa ng kwento na ito... hanggang wala pa akong pasok, sige pipilitin ko pong makagawa ng maraming updates...

Inspired lang talaga!!! hahahaha ^_^

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon