KABANATA 41: 6 hours and 5 minutes and still...

40 0 0
                                    

6 hours and 5 minutes and still...

Chris' POV

Check ng check ng papers hanggang sa napatingin ako sa aking wrist watch. Mag-uusap pala kami mamaya. Sa may parke at wala akong kasiguraduhan na pupunta siya o hindi. Wala rin akong kasiguraduhan kung ano ang pwede naming pag-usapan. Bakit niya kailangan niyang pumunta? Bakit kailangan kong magpaliwanag sa kanya? Bakit kailangan maging malinaw sa aming dalawa kung ano ang namamagitan sa amin? Dami kong tanong na di ko alam kung ano ang pwede niyang isagot sa akin.

“Sir do you have aminute?” yaya ng isa kong co-teacher. Agad akong lumapit sa kanya at tinanong kung ano ang kanyang kailangan.

“substitution?” Napa-hindi ako sa aking kasama.

“Wow naman. May date ka ata Chris e.” pabiro niyang sabi sa akin. Tumawa naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko masasabi na date iyon pero importante na makarating ako sa lugar na aming napag-usapan.

“so… who is the lucky girl?” Pinipilit niya talaga akong umamin sa kanya na may date ako. Isang tawa lang ang aking sagot.

“Ayaw mo talagang umamin. Sige ka. Kapag nakita kitang may kasamang girl iisipin ko na siya yung ka-date mo.” Dugtong niya. Makakita? Oo nga pala. Pinangangambahan ko na may makakita sa aming dalawa mamaya. Dapat ko bang isipin iyon? Wala namang malisya at isa pa may dapat lang kaming pag-usapan at may dapat akong linawin sa kanya.

“Babawi na lang ako sa susunod, sir. Basta ipaubaya ninyo muna ang araw na ito sa akin.” Ngiti lang ang kanyang naging tugon sa aking sinabi. Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin sa ngiting iyon.

Nang tumunog ang bell, agad akong lumabas sa faculty para magtungo sa sunod kong klase. Laking gulat ko na lamang na sumalubong sa harap ng pintuhan si Jessica na may dala-dalang notebook. Napa-urong siya bigla at hindi sinasadya na natabig siya ng isang teacher na papasok. Nahulog ang mga notebook sa sahig.

“Sorry po sir.” Wika niya sa akin. Agad niyang pinulot ang mga notebook at agad ko rin siyang tinulungan. Hindi sinasadya na nahawakan namin ang kamay ng isa’t isa. Napatingin din kami sa isa’t isa pero agad niyang nilihis ang tingin at binaling niya ang kanyang mga mata sa notebook. Namumula siya. Halata sa kanyang mga tenga. Napatayo kami at humingi siya ng pasasalamat sa pagtulong sa kanya.

“sa susunod magpatulong ka o ipag-utos mo sa kaklase mong lalake.” Wika ko sa kanya. Hindi pa rin siya tumingin sa akin. Nakayuko lamang ito hanggang sa nag-excuse siya para dumaan papasok ng faculty. Umalis na rin ako at agad nagtungo sa sa aking klase.

.

.

.

.

.

.

.

Bell ulit. Nang matapos ang aking klase nagtungo ako sa faculty. Time check. Uwian na nila at may huling klase pa akong dapat asikasuhin. Siguro naman mahihintay niya ako. Isang oras lang naman. Lumakas bigla ang kabog ng aking dibdib. Napahawak tuloy ako di oras. “Sir, are you okay?” Tanong ng isa kong estudyante. Ngumiti na lamang ako sa kanya. Kinakabahan ata ako sa aming pagkikita ni Jessica. Dapat ba akong kabahan? Kinakabahan ba ako dahil hindi ako sigurado kung magpapakita siya sa akin o hindi? Baka naman kinakabahan ako na baka may makakita sa amin. Hindi ko alam kung anong meron sa kabang nararamdaman ko ngayon.

.

.

.

.

.

Sa wakas! Natapos na rin ang buong araw na pagtuturo. Agad akog nagligpit ng aking gamit. Halata sa aking kinikilos na excited ako pero yung kabang nararamdaman ko kanina hindi pa rin nagbabago.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon