KABANATA 22: Si Chris, Zack at si Yael? Bakit!

52 0 0
                                    

Si Chris, Zack at si Yael? Bakit!

Jessica's POV

"What! Okey lang! Ano ito! Lokohan tayo na okey lang! Wala man lang kilig at sparkling eyes! Tao ba talaga ang kinausap mo o pader? May gollygosh Jessie, crush mo yung nakausap mo kanina tapos okey lang." padabog niyang sabi sa akin mula sa kabilang linya.

Talaga itong si Jackie! Mabibingi ako sa kanyang sinabi. Hindi niya kailangang sumigaw. Totoo naman na okey lang ang interview, ano ba ang gusto pa niyang malaman.

Ay teka! Alam ko na! Yung nangyari sa faculty.

Maisip ko lang iyon... naninikip bigla ang aking dibdib.

Heart attack? Naku mas malala pa roon. >.<

.

.

.

.

.

.

.

"Jessie, my dear, we are talking about your heart. As in puso mo ang tinutukoy natin dito. Hindi mo naman nararamdaman iyon kapag magkasama tayo o kasama mo ang ibang lalake sa school natin. At yung mga titig mo, ang lalagkit kapag kay sir Chris ka nakatingin. Yung ngiti mo na ang bright bright kapag kausap mo siya. Halata ka na girlash. You are in love kaya huwag mo ng i-deny pa!" tugon ni Jackie sa akin.

Love... love... love... puro love na lang. >.<

Hindi nga ako sure tapos in love na agad ang nasa isip nito ni Jackie >.<

"Puso? Ang puso ko ay isa sa mga internal organ na tumitibok para mabuhay ako. Oh ha! Anatomy!" wika ko sa kanya.

Paniguradong nakataas ngayon ang isang kilay ni Jackie nito. Ano kaya ang itsura niya?

Isang "bahala na ako" ang narinig ko mula kay Jackie. Gusto ko talagang makasigurado sa nararamdaman ko. Mabait si sir Chris at dahil doon crush ko siya pero... hindi ko naman itatanong kay Jackie yung kanina kung hindi nade-develop ang feeling ko para kay sir.

Hindi kaya?

Ay!!! Napakamot bigla ako sa aking ulo!

Hindi pwede Jessica Sandoval! Teacher siya! Hinahangaan mo lang si Chris Mendoza! Final na! Huwag mo ng tanungin ang sarili mo! >.<

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pagdating ko sa school, agad akong umupo malapit kay Zack. Hindi ko ugali na bumati ng "good morning" kaya hinayaan ko na lang siyang magngilayngilay at tumingin sa malayo. Kaso itong si Jackie, pagkadating palang niyakap na niya ako. >.<

"Jessie ganito ba kahigpit ang yakap mo kay chuchuwariwap?" Tanong niya sa akin. Parinig pa itong bading na'to. Sinabayan pa niya ng isang halik sa aking pisngi. Naman! Agad kong kinuha ang aking panyo at pinunasan ito. Kahit saan talaga lumalabas ang kabadingan ni Jackie pati ako dinadamay niya. >.<

Napatingin si Jackie kay Zack. Para niya itong inuusisa maigi at mula ulo hanggang paa talaga ha.

"Is there any problem?" Tanong ni Zack sa kanya.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon