KABANATA 33: Umamin ka!

35 0 0
                                    

Umamin ka!

Jackie's POV

Loka siya! Talagang tinutuhanan niya ang cutting classes! No show ang kanyang spirit! >.<

Bahala siya! Di ako concern sa tulad niya. >.<

Pero… I have this feeling na nag-aalala ako sa esprend ko.

I want to talk with her pero siyempre siya dapat ang mauna. Siya ang may sala. Teka? Fault ba niya? Ano ba ang ginawa niya? Yung di niya pag-amin ba ang kanyang kasalanan sa akin? Chorak! Iyon nga! Stop! Kasalanan ba ang di pag-amin?

Noh ba ‘yan bading! Stop asking question! Masisira utak mo pati ang iyong beauty. >___<

.

.

.

.

.

Lumapit si Abigail at niyaya akong maglunch.

“Who u?” sabay tayo at niyaya si Zack na sabay kaming maglunch. Ngumiti lamang si fafa Zack sa akin sabay tayo sa kanyang upuan. Huh! Mainggit ka Abigail sa kagandahan ko. Napakagat na lamang si Abigail nang sabay kami ni Zack na lumabas sa classroom. Feelingera! Akala niya kakaibiganin ko siya despite na nag-away kami ni esprend! >.< Puputi muna ang uwak bago mangyari iyon. >.<

Habang nasa pilahan sa loob ng canteen, hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa aking kanan at kaliwa.

“Is there any problem?” tanong ni Zack sa akin. Oh my! Parang bf ko lang si Zack. Kilig ako *___*

“No fafa. Naghahanap lang ako ng gwapings.” Wika ko. Pero sa totoo lang si Jessie ang hinahanap ko.

“Kahit di mo sabihin, alam ko na nag-aalala ka sa kaibigan mo. Bakit di ninyo subukan na mag-usap. Kayo lang dalawa.” Dugtong niya. Aba parang may nalalaman si fafa. Wala naman siya noong nag-away kami ni Jessie sa loob ng classroom.

“Super hard e! You know naman na quiet lang siya pagdating sa aminan. Tulad ng ginawa sa iyo, walk-out dramaness niya.”

Ngumiti si Amboy.

“Umamin ako sa kanya ng nararamdaman ko. Ginulat ko siya. At sa tingin ko nagpadalos-dalos ako kaya siya nag-walk out. Sa kaso ninyo, kailangan ninyo ng friendship disclosure sa isa’t isa para sa ganoon alam mo kung ano ang nararamdaman niya kaya ayaw niyang umamin sa iyo.”

Ay! Confirmed! May alam nga siya. Napa-isip ako sa sinabi ni Amboy. May punto siya. Dalawang bagay lang ang naiisip ko kaya di siya umamin sa akin. Una, baka ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin at pangalawa may gusto nga siya pero di pwede kasi alam niya na gusto ko si fafa Yael. Teka? Ano pagkakaiba nun sa una kong sinabi? O_o

“After the class puntahan mo siya sa kanyang bahay. Baka umuwi na lang iyon. Mag-usap kayo. Huwag ninyong patatagalin ang away ninyo. Di masamang magkatampuhan ang magkaibigan pero di dapat tumagal.” Wika ni Zack sabay order kay manang ng isa’t kalahating kanin, afritada at kalahating adobong sitaw. Ay! Di halatang gutom si Zack hahahaha ^_______^

.

.

.

.

.

.

“You know where is Jessie noh?” Tanong ko sa kanya habang ningunguya ko ang pagkain sa aking bibig.

“Nagkataon lang na nakasalubong ko siya kaninang umaga. Di ko alam kung saan siya nagtungo pagkatapos nun.”

Napaisip ako kung saan pwede pumunta si Jessie ng mga oras na ito. Hindi naman siya pwedeng umuwi sa kanila. Makukurot lang siya ni tita. Hmmm… sa gym? Di rin pwede pero imposible. Tama! Doon ko siya hahanapin.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon