KABANATA 32: Twisted

25 1 0
                                    

Twisted

Jessica's POV

“Jessie… may gusto ka kay Yael?”

Ito ang tanong na sumagi sa utak ko na hindi ko alam kung bakit di ko masagot-sagot >.<

Isang tanong na di ko makuha ang pwede kong isagot kay Jackie.

Wala akong magawa kundi ikagulat iyon.

“Uhmmmmm…Jackie… uhmmmm.”

Bakit ako nauutal?

Bakit di ako makasagot ng totoo…

Ano ba ang totookasi! >.<

“Gusto mo ba si Yael?”

“Hindi ko siya gusto.”  Isang matapang nasagot iyon mula sa akin kaso nanginginig ang boses ko nung sinabi ko kay Jackie harap-harapan.

“Kung ganoon? Ano ang sinasabi ng bruhilda na ito na napayakap ka raw at umiyak sa bisig ni Yael noong Sabado? Sino ngayon ang nagsasabi ng totoo- ikaw o si bruha?” Dugtong ni Jackie.

Yakap? Shock? Yung yakap? Nakita ni Abigail pala.

Hindi ko na tinatanggi na napayakap ako kay Yael pero wala sa akin iyon. Hindi ko nga alam kung bakit ginawan ng malisya ni Abigail ang ganoong kaliit na bagay.

Dahil sa hindi ko kayang magsinungaling at totoong nangyari iyon, hindi ako nakatingin ng deretso sa aking kaibigan.

“Kitam Jackie. I told you. Jessie, your one and true friend likes Yael.” Hirit ni Abigail sabay ngiti. Yung mga ngiti niya may pinapahiwatig. Talagang gusto niya kaming mag-away kami ni Jackie mismo sa kanyang harapan.

Wala na akong magawa kundi tignan siya ng masama.

“Oh bakit? Nagsabi lang naman ako ng totoo. Ikaw kasi Jessica umamin ka na kasi. Hindi naman masama if you like Yael e. Pero paano na friendships ninyo ni Jackie?” sabay akbay sa aking kaibigan.

“Don’t touch me!” wika ni Jackie sabay bigwas.

Para maging klaro ang lahat, nagsalita muli ako. Ayaw kong magkaaway kami ni Jackie. Ayaw kong magkaroon kami ng tampuhan. Siya lamang ang nag-iisa kong kaibigan na kaya kong pagkatiwalan. Maraming beses na kaming nagkagalit at naayos naman namin ang mga iyon.

“Hindi ko siya gusto at wala akong balak agawin si Yael sa kaibigan ko.” Wika ko sa kanya.

“Then how can you explain na umiyak ka at napayakap sa kanya?” dugtong ni Abigail.

Napautal ako. Hindi nakaimik. Parang naging yelo ang aking laway. Nag-lock bigla ang aking panga.

Hindi ko kayang ipagtanggol ang aking sarili.

“Ano ba kasi Jessica! Magsalita ka!” Sabi ko sa aking sarili.

Napatingin si Jackie sa akin. Hindi ko siya matitigan ng maiigi.

“Esprend ang nais ko lang ay yung totoo. If you like him. Then, tell me infront of my face! Hindi yung manggagaling kay bruhilda ang mga bagay na iyon! Friend kita! Bff pa! Bakit ayaw mong umamin kasi! Ano ito! Tinitira mo ako ng patalikod. Parang Robin Hood ang dating? Parang Kabayo na kapag nakatalikod ang amo, biglang sisipain? Kakalurke! Nakakapang-init ng ulo!” Biglang walk-out sa aking harapan sabay tabig sa aking balikat.

Umupo na lamang siya sa kanyang silya.

Yung mga kaklase ko panay ang tingin sa akin. Yung iba nagsibulungan naman. Si Abigail ang laki ng ngiti. Abot hanggang tenga

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon