Simula

1.7K 30 5
                                    

Under Boss ( ang kwentong may pagkaloka loka choss ! )

written by PanEonni

(medyo nag iimprove na ung author niyo mga gurl may paganto effect na )

Nga pala Philippine edition to! Pahabol hehe

Simula

" Taehyline ! Ano !? Mag mumukmok ka nalang ba dyan sa kwarto mo?  Magpapakalungkot ka nalang ba araw araw? " si ate na ang kanina pa sigaw ng sigaw sa may pintuan ko .

" Ayuko ngang lumabas ate ! Ang kulit naman ng butlig ng pwet mo! " ilang beses ba iniri ni inay to ? Paulit ulit e .

" Kalimutan muna kasi siya! Niloko ka na nga! Iniiyakan mo pa ng husto hindi ba pwedeng magmove on kana lang! " siya

" Hindi ko kaya ate ! Wala ng manlilibre sakin ng milktea huhu . Tsaka Mahal na mahal ko sya ate " ako na emotera na nasa pintuan .

" Kalimutan muna ung jimin na yun ! " siya 

"Hindi ko kaya ate . Ayukong lumabas,' dito nalang ako habang buhay " mabulok kong mabulok dito.

" Ayaw mo talagang lumabas? May milktea akong binili sa may lamesa winte -" saad niya napabalikwas naman ako at binuksan ang pintuan . " Grabe milktea lang pala ang makakapagpalabas sayong hayop ka "

Shempre usapang milkteahan na to kaya never akong tatanggi dyan .

" Kim Seokjin Gulayan " basa ko sa karatulang pinagawa ni ate para sa maliit naming gulayan sa palengke. " Anlaki naman yata ng pagkakasulat ng pangalan mo ate daig mo pang mangangampanya ng kapitan dito sa baranggay natin  " saad ko habang kumakain ng almusal .

" Oo ! Para makita nila ung maganda kung pangalan diba? " medyo mataas nga pala ung confidence nitong isang to .

Dalawa nalang kasi kami ni ate sa buhay . Ang inay at itay maagang nakipag meet and greet kay Papa God sa langit . Ampangit talaga nilang kabonding yung dalawa  . Di joke . Nung apat na taon palang ako at si ate naman e dose anyos na ng maaksidente ung sinasakyan naming jeep . Pauwi sana kami ng Zambales para bisitahin ang lupang pinamana samin ngunit nawalan ng preno ang sinasakyang jeep . Niyakap kaming pareho nila inay at itay kaya sila ang nakatamo ng malala sa aksidente .

Nang mailibing ang mga magulang namin . Nakituloy kami sa bahay ng ante namin sa Olonggapo . Hindi din kami nagtagal dun dahil ung hindot niyang asawa e sinisilipan kaming dalawa ni ate . Kaya naman sinapak siya ng ate ko kalaunan nabulag ang ante namin at naniwala sa bwesit na manyakis niyang  asawa  hanggang sa napalayas na kami .

Nakipagsapalaran kami sa maynila hanggang sa makaipon ng sapat na pera at makabili ng pwesto para sa itatayong gulayan ni ate . Maghihigit isang taon na kami sa pwestong iyon kaya sanayan na at kilala na kami sa mga the best na nagbebenta ng gulay .

Dati nasa call center agents ako nagtratrabaho pero nang magbreak kami ng hinayupak kong ex e nawala ako sa wisyo at napabayaan ko ung trabaho ko hanggang sa magdisisyon akong magpahinga muna at tumigil sa trabaho .

" Sasama kaba sa palengke ngayon ? " tanong ni ate na inaayos ung ibang gulay na ilalako niya .

" Oo naman ate ! Alangan naman magpapakaburo ako dito sa bahay " sagot ko . " Bat ang haba ba nitong talong na to " saad ko sa talong .

" Bitawan mo nga yan ! Kadiri ka " luh GM haha . " Alam mo maghanap kana ng trabaho mo kesa magmukmok ka dito sa bahay at iiyak nalang ng basta basta minsan . Pakiramdam ko nga may sayad kana " ay grabe siya . Sayad agad? Diba pwedeng malungkot lang? .

Under Boss Where stories live. Discover now