Nagpaalam akong pumunta muna ng banyo . Habang naglalakad ako , awa naman ang naramdaman ko sa sarili ko .
Sa paghakbang ko kasabay ng paghagolgol ko . Hindi na kinere ng mata ko , mashado akong iyakin . Nasasaktan parin ako sa nangyayari .
Ilang oras din akong tumagal sa cubicle at nag -iiyak lang . Nilabas ko talaga lahat ng sama at bigat ng loob ko habang nakaupo ako sa inidoro . Nandon lang ako sa loob at humahagulgol nang humagulgol .Wala akong pakialam kung may nakakarinig sa pag iyaj ko . Sila kaya ang lokohin at ipagpalit ? Tignan natin kung hindi ka mapaiyak nang bongga . Pakiramdam ko nga sa sobrang pag iyak ko lalabas na sa mga mata ko yun bituka ko , e . Mabilis ko tuloy hinawakan ang kanan kong mata and good thing wala pang bituka - atay palang . Chos!
So yun na nga habang umiiyak ako may isang babaeng nagsalita . Mukhang kanina pa naririndi sa pag aatungal ko . Hindi ko lang pinapansin dahil busy nga ako sa pag iimote ko .
" Ano ba yan ! Hindi na makapagmake up nang maayos . Ang inhay !" narinig kong sigaw niya sakin . Mukhang nakaharap siya sa salamin at pinipinturahan ang sarili niyang mukha
" Ano ba yan . Nye nye nye " sagot ko bit . " Huwag mo pakielaman ang pag iyak ko . Etong broken hearted ako, baka hindi kita matancha ! " sigaw ko sakanya . Nag echo pa nga sa loob ng banyo ' yung sinabi ko . Kaloka gusto ko lang naman umiyak umextra pa ito .
" As if natatakot ako . Duh? " Aba. Kita mo tong babae na yo . Sumasagot pa , a . The nerve of this girl . Ayan napapa- english na ako . Nag eenglish lang naman ako kapag galit ako , e . Ibig sabihin galit na ako . Grr. Yari talaga to sa akin .
Mabilis kong pinunasan yung mga luha ko at napatingin sa gilid ko . May nakita akong kulay pulang balde na walang laman at kulay puting tabo . Mukhang panghugas ito sa mga taong tatae rito . Bakit may balde pa? E ang ganda ganda ng lugar na ito para sa balde . Yak . Ew . Mabuti nalang at hindi ako tumatae sa banuo na to . Choosy kasi ang aking mga dumi . Ayaw lumabas kapag sa ibang inidoro ako naglalabas ng sama ng loob .
Kinuha ko yung puting tabo saka hinagis papunta ron sa babaeng sumasagot at bumabasag sa moment ng pag iyak ko . Hindi ko alam kung saang parte siya kaya tinancha ko nalang kung saan nanggaling ung boses niya .
" What the hell ! Ikaw ba ng naghagis nitong tabo? " galit na sigaw niya sakin . " My gosh . So childish ! " mukhang nainis siya sa paghagis ko ng tabo sa kanya
Kainis . Hindi pa tinamaan tong babae na to . Childish pala , ha . Makikita mo ang higanti ng childish na tulad ko . Ginambala mo pag eemote ko ? Pwes . gagambalain ko ang pagmimake up mo .
Hindi ako sumagot sa sinabi niya . Kinuha ko nalang ung pulang balde na walang laman saka tumayo . Mabigat kasi at hindi ko kayang ihagid papunta sa kanya kaya tumayo ako . Pumikit muna ako at pinakiramdaman kung saan ba talaga siya banda nakatayo . Ganon kasi ang napapanood ko sa mga anime . Pumipikit sila para ma sense kung nasang banda ang kalaban . Noong medyo alam ko na , iminulat ko na ang mga mata ko at inihagis sa ere yung balde. Sana lang talaga tamaan siya .
Bigla akong nakarinig ng isang kalabog . Mukhang natamaan ko nga siya ha . Buti nga ,Ayan kasi . Mashadong epal . Panira ng moment . Buwisit na yan . Hinihintay ko ang sagot niya pero hindi na siya nagsalita . Mukhang natalot na kaya mas pinili niya na lang na tahimik na magmake up . Aba . Huwag na talaga siyang sumagot dahil hindi ako magdadalawang isip na itong inidoro na naman ang ihagis ko sakanya kahit nakasemento pa ito .
Muli kung pinunasan ang luha ko tsaka kinuha ang bag ko at inayos ang sarili .
" Boss pahamak ka sana di mo nalang ako sinama edi sana hindi ako nagkasipon kakaiyak " sabi ko .
Paglabas ko ng cubicle , bigla akong nagulat . Nakita ko kasing nakahandusay sa malamig na tiles ng banyo ung babaeng sagot nang sagot sa akin kanina . Mukhang bisita din siya kagaya nung matandang peke ang kilay na nakasalubong ko kanina . Nagkalat sa tiles yun mga make up niya at napansin ko din yung noo niya na dumudugo . Mukhang dito siya natamaan ng baldeng hinagis ko kanina kaya nahimatay siya . Kawawa naman ung balde este siya.
Mabilis nalang akong lumabas ng banyo at dedma sa nangyari . Ang sama pa ng titig sa akin ng janitress na naglilinis sa tapat ng banyo . Tinanong niya pa ako kung bakit daw ang tagal ko sa loob at ano raw ba ang ginawa ko ron . Sabi ko na lang nag bending, nagsplit at nag backwards ng ilang beses . Napasayaw kasi ako dahil niloko ako ni Park Jimin . Napangiwi nalang siya sa sinabi ko .
Napaisip tuloy ako na kung may pera lang ako tulad nila e lilipad naku pa ibang bansa para tuluyan ng makalimot sa tsunano na iyon . Pero wala e sa duyan lang ako nakakalipad hindi pa nakaka alis punyetang buhay . Oo .
Naisip ko rin biglw na noong panahon na kami pang dalawa ay guwapong guwapo ako sakanya . Lahat ng ginagawa niya parang ang gwapo sa paningin ko . Ang guwapo niyang mangulangot . Ang gwapo niyang umutot at ang gwapo niyang magtutuli . Naisip ko nga rin noon na ang guwapo niya dumumi . Pero ngayon lahat ng ginagawa niya , nakakairita na at ang sakit sa mata . Pati paghinga niya kinabu-buwisitan ko na .
Buwisit kasing tsunano yun bakit hindi pa magpalit ng mukha .
Sumakay na ako ng trycicle pauwi sa bahay at nag emote na naman , hindi naku nagpaalam dun sa iritado kung boss , malamang eenglishin lang ako nun edi mas lalong bumuhol buhol lahat ng iniisip ko , dadag din yun sa problema ko e . Para akong gumagawa ng music video habang umaandar ang trycycle . Mas lalo akong naiyak dahil hindi ako nakakain ng shanghai at lechon sa birthday . Punyetw ka Jimin . Sumakit sana tyan mo kinabukasan ulaga ka .
Kapag napagalitan ako bukas ni Boss , hindi kita mapapatawad . At kung hindi naman , hindi parin kita mapapatawad , ano . Walang kapatawaran ang mga ginawa mo sakin . What you have done to me is unforgivable , Ayan napapaenglish nanaman tuloy ako .
Pagkarating ko sa bahay walang ng ilaw bukod sa kusina na laging bukas ang ilaw dito . Mukhang mahimbing na ang tulog ni ate . Pagbukas ko ng pintuan bumungad sakin ang nakangangang itsura ni kuya joonie .
" Jin .. Uhmm ," Abay tignan mo nga naman hanggang panaginip si ate parin ? Bangis ah .
Umakyat naku at pumasok sa kwarto ko . Buti pa atmosphere dito fresh kesa dun mukhang plastikan lang ganap nila .Tsk .
Napatingin ako sa oras its been 9 oclock pm . My god nakakahawa ang englishan dun .
Naglakad na ako sa tapat ng cabinet ko at binuksan ito para kumuha ng pangtulog . Pagbukas ko ng cabinet ko , bigla akong napatingin sa nakasabit . Picture naming dalawa ni Park Jimim to noong first anniversary namin. May puso pa nga, kadiri lang . Nasa Star City kami at nakasakay sa ferris wheel
Kinuha ko yung picture at tinignan . Napangiti ako ng mapakla . Ang lapad ng mga ngiti namin parehas dito sa larawan . Mukhang maha na mahal namin ang isat isa . Pero ngayon , ibang iba na . Niloko lang kasi ako ng punyetang Jimin na yan . Sana noong nasa ferris wheel palang pala kami , itinulak ko na siya . Sayang kainis .
Nagdirty finger ako sa kamay ko at idinikiy ito sa mukha ni Jimin sa picture . " Yan ang bagay sayo . Isa kang malaking pakshet" singhal ko saka itinago na yung picture sa kasuluksulukan ng damitan ko kung saan hindi ko na ito maalala .
Sana maari ko rin isuksuk sa damitan ko tong mga alaala naming dalawa para hindi na ako nasadaktan pa . Punyeta lang talaga . Ang lalim ng hugot ko .
Natingin nanaman ako sa card na pula . Hayst ito nanaman itong SUG na ito . Bakit ba nagpakita kapa sakin? . Teka nga bakit wala yata ung mahadera kong konsensya ? . Naku paktay naiwan ko yata siya . Hmm ... Hayaan muna madumi na iyon .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .