" Sabay tayong mag lunch mamaya " sabi niya bago pumasok sa office niya .
" Ano yun! Huh? Sabay mag lunch? Anong meron ? " si Yoongi .Ang aga talaga basta chismis sa kanya ung tenga humahaba .
" Wala yun magsasabay lang kakain "
" E bakit nakangiti si boss sayo? Siguro ano no-" sabi ni Sana .
" Gago . Bakit bawal ba siyang ngumiti? Bungi ba siya? Hindi naman ah ! "
" Naku wlaa to ayaw magsabi ." si yoongi .
" Pangit maging tropa guys " si Sana .
" Kayong dalawa tigil-"
" Hello maam , kayo po ba si Miss kim Taelyn? " sabi ng isang food panda delivery driver sakin .
" Ye-Yes bakit? "
" Eto po ung order niyong isang large milktea at isang cheese overload hamburger . Thank you maam " agad na nagpaalam ang lalaki kaya hindi ko na siya natanong kong sino ba ang nagbigay dahil hindi naman ako oorder ng ganto kaaga sa grab .
" Wow! Aga nan Tae ah! " si jack habang hakot ang mga papel na galing sa baba .
"May admirer kana bii? " si Nicca .
Bigla namang tumunog ang selpon ko hudyat na may nag text . Bubuksan ko na sana ang selpon ko ng maramdaman ko ang ibat ibang ulo na nakikiasyuso ng tingin sa selpon ko .
" Ah! Ang daya . Patingin lang e . Bakit? Ha! Si Boss ung nagbigay sayo nan no! " si Yoongi .
Para akong manghihina sa pinagsasabi nitong babaeng ito .
" Love pa ung nakalagay sa milktea . Sabihin mo nga may boyfriend kana ba ulit? " si Sana .
" W-Wala. Wala! Ano ba kayo! " tinignan ko na ang nagmessage . Nang makita ko para akong hihimatayin kung sino ito .
Boss : Kumain ka , nagpadeliver ako . Hindi ka daw kumain kanina bago pumasok sabi ni ate jin .
Napasapo ako sa noo ko . Kahit kailan talaga si Ate . Bakit ba kailangan pang sabihin .
" Teka! Bakit mo bubuksan? "awat ko kay Jackson na akmang titikman na ung burger na pinadeliver ni Jungkook para sakin .
" Titikman ko baka may lason "
" Bobo ! E kung may lason nga edi natege ka! " si Nica .
" Yaan mo siya gusto niyang mamatay e , para naman may libreng kape at tinapay " si Yoongi .
" Kahit kailan talaga wala kang puso , pusa ka! " singhal ni Jack kay Yoongi .
" Sorry , boto lang meron ako be " si Yoongi .
" Manahimik na nga kayong dalawa . S-si ate Jin ung nagpadeliver sakin nan kasi hindi ako nakapag almusal kanina bago pumasok " paliwanag ko . " Amina nga yan Jackson! "
" E bakit love ung nakalagay? " si Sana .
" A-ah ano yan kasi ung tawag sakin ni Ate " palusot ko . Buti nalang talaga kumagat sila sa palusot ko . Jusko lord .
Kinain ko nalang ung pagkain na binigay niya . Sarap ah! Talagang overload sa cheese saka alam niya ang favorite flavor ng gusto kong milktea .
Enjoy na enjoy ako sa pagkagat habang nakatingin sa monitor ng computer ko . Inaanalyse ko kasi lahat ng mga record ng company sa mga deliver ng product sa ibat ibang lugar .
" Hi Taelyn ! "
*HUK
" Oh! iha! Are you okay? " Si Mr. Sarawat kasama si Mrs . Win . " Mahal naman bakit ba binibigla mo si Taelyn "
Uminom ako ng milktea . " Okay lang ho ! Haha . Si Jung- Boss po ba? Nasa opisina nya po . Sasama-"
Niyakap ako ni Mrs . Win .Agad na nanlaki ang mata ko . " Hindi na Tae , kami na kumain kana riyan at hindi magandang nagpapalipas ng gutom okay? Lets go honey "
Nagtungo na sila sa loob habang ako naman ay tulala parin sa ere .Omygosh pati nanay niya weird kung kumilos .
" Nays Lakas naman ng Taelyn na yan sa magulang ng boss natin " panunukso ni Sana .
" Oo nga e . May payakap pa . " si Yoongi habang may nakakalokong tawa na nakabang . Kinakabahan talaga ako pag ganyan itsura niya sakin .
" Baka Taelyn yern " si Jack .
" Taelyn lang sakalam " si Nica .
" Hehe mga tanga tanga talaga kayo " saad ko saka bumalik sa kinauupuan ko .
Napapikit nalang ako saka huminga ng malalim . Nakakakaba talaga tong ginagawa namin ni Jungkook .
Spritee Pov .
" Doc Jung breakfast niyo po " sabay lapag ko ng tray sa table niya habang siya naman ay busy na nakatutok sa laptop niya .
" Hayst pwede bang tulungan mo ako dito spritee sa paghanap ng resume result nung anak ni Mrs. shunghae ."
Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya ngayon para siyang batang gulo gulong sa ginagawa niyang laruan .
"Hanapin mo dyan sa may folder na iyan " sabay turo niya sakin .
* DUG!DUG! DUG!
Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa ! . Yung puso ko . Kumalma ka . Aaminin kung may gusto talaga ako sakanya dahil kahit na kapwa nurse ko ay hindi maiwasang magkagusto sakanya ,minsan nga kahit pasyente namin e nahuhulog sakanya kahit wala naman siyang ginawa at tanging ngiti lang ung ginawa niya .
Nang maramdaman kong wala na siya sa likuran ko inumpisahan ko ng hanapin ung pinapahanap niya . ilang oras pa ng makita ko ito kya naman medyo natagalan .
" Doc nahanap- " napahinto ako ng makita ko siyang nakatulog nasa may coffee table na mahimbing na natutulog . Mukhang sobrang pagod na siya .
Pinrint ko nalang sa printer niya ung documents bago nilapag sa table niya ng maingat . Napatangin pa ako sa oras . 'Hayst matagal pa ang out nito ' bulong ko habang nakatingin sa mukha niyang tulog
Nangiti ako sa hindi ko malaman ng makita ko ng malapitan ang mukha niya kahit na minsan ay nagawa ko na siyang matitigan ng insan kaming magkwentuhhan sa loob ng locker room .
"Kahit pala tulog ka ang cute mo parin hobi "
" Talaga ba? "
Gulat akong napalayo sakanya ng makita kong gising ito . " Doc nahanap ko na po ung pinpahanap niyo . Mauuna na ho ako may pasyente pa po akong icecheck ,sige doc bye "
"Saglit-" hindi ko na siya nilingon . Sinara ko nalang ung pinto ng office niya at mabilis na kumaripas ng takbo .
'Hayst , ang tanga ko tlaga . Nakakahiya ka Spritee .Urghhhh!!!!!!!!!!
"Ah!! " sigawko ng makabundol ako ng isang tao .
" Miss are you - Pusa?" saad ng isang lalaking blonde ang buhok na maputi . Nakasuot ito ng simpleng tuxedo na kulay dark blue . Teka! Ano raw ? Pusa?
" Saan? Saan? " sabay tingin ko sa likuran ko na umaasang makikita ko ung sinasabi niya
" Ikaw kamukha mo ung pusa ko "
Nagtaka ako ng sabhin niyang kamukha ko raw ung pusa niya? Abay gago ang ganda ng mga mata , abo pa nga pero kung makakita daig pa bulag . Sa itsurang ito , mukhang pusa?
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .