Hindi ko talaga maisip kong ano pa bang kailangan namin pag usapan ng walang'yang tsunano na yun . May dapat ba kaming pag usapan? O kailangan niya ng closure ? Closure niya mukha niya buwisit siya . Pero dahil mahadera ako at na-curious din ako sa gusto niyang sabihin sige gora na lang . Paano kung makipagbalikan siya? Napatigil ako nang tanungin ako ng konsensiya ko . Makikipagbalikan ka ba?
Isang malaking pakyu ang isasagot ko kung makikipagbalikan siya . Ano tingin niya sa akin? Isang tourist spot na babalikan niya lang kapag namiss niya na at iiiwan kapag nagsawa siya? E , pakyu pala yung Jimin e . Kapal na peys . Huwag niya lang gagawin talaga na makipagbalikan sa akin if ever matuloy ang pag uudap namin mamaya . Hindi ako magdadalawang isip na buhatin ang bangko nmin sa labas at ihampas sa mukha niya nang magising siya sa kagaguhan niya .
Nasa tapat na ako ng pinto ng office ni Jimin at nag buntong hininga muna . Kailangan ko makausap si Jungkook ngayon about sa meeting niya mamaya . Dahan dahan kong binuksan ang pintuan saka pumasok sa loob .
" Boss ? " mahinang tawag ko sa bwisit na kuneho at nagpatuloy lang sa paglalakad .
Napatigil lang ako nang may marinig akong mahinang pag ungol . Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa katawan dahil don . What the hell . Anong ungol yun ? Hindi ko mawari kung nasasaktan o nasasarapan na ungol e . Pero teka , ungol ba talaga yun narinig ko ?
Dahan -dahan akong sumilip para makita ko kung saan ba nanggagaling yun ungol na yun . Pagtingin ko sa gilid bigla akong napanganga at nanlaki ang aking dalawang magagandang mata dahil sa nakita ko .
Si Jungkook na tanging towel lang ang suot na nakabalot sa bewang niya habang may babarng nakakapit sa leeg niya at taimtim silang naghahalikan na parang gutom na gutom sila sa labi ng isat sa . Palitan laway to da max ang ginagawa nilang dalawa. Parehas silang nakapikit kaya hindi nila napansim na nakikita ko silang dalawa .
Napatakip ako ng mata ko sa nakikita ko .
Punyeta Jungkook may iba nanamang minomoleschang na ibang dila .
Muli ko silang tinignan .
Paghawak ko sa mga mata ko bigla akong may nahawakan na tubig . Teka , bakit umiiyak ?
Tinignan ko muli si Jungkook at yun babae na patuloy pa rin sa paghahalikan saka ako nagmadaling lumabas officr room ni Jimin .
Pakyu ka , Jungkook .Pakyu ka . Masunog sana yang opisina dahil sa kalandian mong hinayupak ka!. Ang sarap mong bayagan
Jungkook Pov .
" Whats wrong baby ? Why do you stop! Did you miss me? " sabi ni Kate matapos akong umiling sa paghahalikan namin . Napatingin ako sa oras at nagmadaling magbihis dahil may pupuntahan pa ako .
" I have to go may meeting pa ako " sabi ko ng bigla muling yumakap sa bewang ko si Kate .
Kate is the one of my fling girl . Nakatira ito sa state at laking gulat ko ng bigla siyang nagpakita sakin kanina at sinundan ako sa opisina ng kapatid ko .
Hindi ko napigilan na madala sa ginawa niya sakin hanggang sa pumatol naku .
Nang masyado ng malalim ang paghahalikan namin biglang may boses akong narinig para magsilbing hinto sa ginagawa ko .
Boses ni Taelyn at tunog ng tawa nito .
Ewan ba at bigla ko siyang naisip kaya umayaw ako sa ginagawa ko .
Iniwan ko si Kate sa opisina ng kapatid ko ng makita ko si Stell na kasama ang ibang barkada namin . Nakipagkamay sila at binati ako .Todo pasasalamat naman ang ginawa ko .
" Bro hindi mo ba kasama si Taelyn? " tanong niya sakin .
" Taelyn? " pagbabalik ko .
" Oo , tinanong niya kasi kanina samin kung nasan ka tapos sabi ni Jimin nasa opisina ka raw niya pero bakit hindi mo siya kasama? " tanong niya .
Hindi ko na siya nasagot pa at tumakbo na palabas ng building . Alam kong may mali , kanina ko pa ito nararamdaman .
Pumunta si Taelyn sa opisina at alam kong nakita niya ang pangyayari .
Hinalughog ko ang buong opisina . Bumalik ako sa itaas at nagtanong sa madalas niyang kasama pero hindi pa daw ito bumabalik sa itaas .
Taelyn Pov
Hindi ko talaga kinaya yung nakita ko sa loob kaya napatakbo na lang ako palabas . Hindi ko nga rin sure kung padabig ko ba binuksan yung pintuan at kung naisara ko rin ba ito . Basta ang tangi lang pumasok sa isipan ko ay makalabas at makalayo sa dalawang punyeta na yun na naghahalikan at nag eexplore ng oral cavities sa isat isa . Mga buwisit silang dalawa lalo na yun malanding boss ko na yun . Kung makipaghalikan akala mo walang minoleschang dila last week . Hayok na hayok makipagpaliran ng laway sa babaeng yun . Kung laway lang pala gusto niya edi sana sinabi niya sa akin ng dinuraan ko buong mukha niya . Lunukin niya laway ko nang nakuntento siya
Patuloy pa din na tumutulo ang luha ko na hindi ko maintindihan kung bakit . Bakit naman ako naiiyak kung nakita ko si Jungkook na nakikipaghalikan sa iba? E wala naman kaming relasyon . Kung meron man , fake lang naman ang lahat ng iyon . Siya na nga rin ang nagsabing wala na raw akong pakialam kung makipaglandian siya e . Pero buwisit tong mga mata na to . Kailangan pang umiyak dahil don . Ang bigat ng dibdib ko . Kapag bumabalik sa isip ko yun nakita ko kanina para itong matulis na kutsilyo na sige lang ang baon sa dibdin ko kaya ang sakit sakit .
Pinunasan ko ang mga mata ko at dahil da kashunahan at kamalasan ko ngayong araw . Hindi ko na napansin na may bato palang bilog na nakakalat sa dadaanan ko . Natapakan ko ito at bumagsak sa sahig . Lalo akong naiyak sa nangyari . Ang sakit ng puwietan ko pero mas masakit pa din ung dibdib ko . Patuloy pa rin na kumikirot ang loob ng dibdib ko . Mukhang padating na yung inorder kong boobs ha . Tutubo na kaya sila?
" Aray ko! Putangina namang buhay to ! " angal ko sa sarili ko habang hinihimas ang pwetan ko . Narinig ko pang nagtawanan ang ibang tao dahil sa katangahan ko na nasaksihan nila . Mga ulol din tong mga to e . Palunukin ko kayo ng bato diyan makita niyo ! Mga hayuf ! .
" Taelyn! Ayos ka lang ? " narinig kong sumigaw si Jimin . Napansin ko ding mabilis niyang inilapag yung gamit niya at papunta na sa gaei ko nang pigilan ko siya
." Diyan ka lang! " sigaw ko sa kanya at mabilis nang tumayo kahit ang sakit pa din ng puwetan ko . Shet . Huwag sana akong tubuan ng panibagong puwetan . Ang sakit din ng balakang ko buwisit na yan . " Hindi ko kailangan ang tulong mong buwisit ka ” Nakatingin lang siya sakin . “Lahat ng kamalasan ko , ikaw lang ang may kasalanan ! Huwag kang lalapit sa akin . Kaya ko ang sarili ko kahit wala ang tulong mo! ”
" Taelyn ....." mahinahon niyang binanggit ang pangalan ko . Naging maamo ang mukha ni Jimin . " Basta mag usap tayo mamaya "
" Whatever " sabi ko sabay inirapan siyang muli .
Author : Hello mic test .. Hello . Do you hear me? Say Taekook! Subunit!! Haha wow clown .
Guys alert! Malapit na po ang kawakasan ng buhay ni Taelyn sa kadahilanang sa kagat lamang ng langgam . Joke . Malapit na pong matapos ang ating storya ito , sana po may natutunan kayong bagong katangahan . Joke . Mensahe sa kwento . Alam kong ang iba ay para nanamang aso
Aawwwwwwwww ending na author?
(Haha tatawa talaga ako sa mga komentessss niyo )
But! May dalawa po tayong dapat abangan na kwento ! . kbye
- Panpanpuchacho
- Asawaniyoongi
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .