22

256 22 3
                                    

Nasan ako? Bakit nasa isang lugar ako na puno ng mga bulaklak ? .

Napatingin ako sa suot kong damit na kumikinang at nababalutan ng mga diamond na nakapalibot sa mga laylayan nito .

Ikakasal naba ako? Ay chaka! Ikakasal ako ng hindi ko alam kong sino ang groom? Baka si Mang Philip ? .

Tumingin ako sa paligid ngunit walang mga tao , ako lamang at parang may isang lalaking hindi ko maaninag na naghihintay sakin sa gitna ng altar . Nakasuot ito ng kulay itim na tuxedo at hapit na hapit na jeans .

Dahil hindi ko siya makita , inumpisahan ko ng maglakad sa pulang carpet na nakalatag sa sahig ng simbahan at kumendeng kendeng na parang dancer ni kuya will . Char ulit .

Paglapit ko sa altar . Jusko! Totoo ba ito? Ikakasal ako sa boss kong matambok ang pwetan ? . Aba? Umiiyak pa ang gaga .

Hinawakan niya ung kamay ko saka dahan dahang hinalikan .

" Iloveyou Taelyn until my last breath " sabi niya . Pero bakit ngumingiti ako .

Hinawi niya ang belo na nakaharang sa aking mukha saka hinawakan ng dalawa niyang palad ang magkabilaang pisngi ko .

Hahalikan niya ako? Hahalikan niya talaga ako . Dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sakin hanggang sa ..

" Itigil ang sakalan!!!!!" sigaw ng sinong hudas ang pumigil sa dream kiss ko .

" Punyeta! Anong sakalan! ..Jimin! " sigaw ko dahil nakita ko si Jimin na naka diapers ? Chaka ng outfit .

Tumawa ito ng parang sinasapian ng sampong demonyo sa katawan .

" Hindi ka pwedeng ikasal bwahahahaha! "

" HINDDDDDDDIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!"

Bigla akong napamulat ng mata at napaupo sa kama ko nang dahil sa malakas na tibok ng puso ko . Pawis na pawis ako at hingal na hingal pa . Isang panaginip? Anong klaseng panaginip yun? Bakit ako ikakasal sa taong iyon? Pero sayang ung kiss , sa panaginip na nga lang mangyayari 'napospone pa ang yawa . Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko . Sobrang bilis ng tibok . Nanginginig din ang dalawa kong kamay . Parang gusto kong manampal . JOKE! .

Ipinikit kong muli ung mga mata ko para alalahanin ung panaginig na iyon pero malabo na ito . Ang tangi ko nalang maalala si Jungkook ang papakasalan ko at ung naka diapers na tsunano na si Jimin ang dakilang sapaw sa kissing momment ko . Baka pahiwatig yun na magiging kamukha ng anak ko si Jimin? Urgh! Hindi! .

Ugh! Ano ba tong mga pinagsasabi ko ? Lecheng Park Jimin talaga kasi yan , e . Kung hindi niya lang talaga ako ginagago at niloko, hindi ako makakapanaginip ng ganitong mga weird na dreams . Jusko . Ang pangit ng resulta ng panloloko niya sa akin . Siguro kung naging mag asawa pa kaming dalawa at saka ko lang nalaman na niloloko niya ako , mukhang sa mental institute na ang bagsak ko .

Mabuti na lang talaga hanggang second anniversary lang kami ng tsunano na yun . Buwisit siya . Sana sa mga oras na to binabangungoy na siya at maihi sa higaan . Para naman makaganti ako sa kanya kahit papaano , ano .

Napatingin ako sa paligid at nakita kong may araw na . OH MY GOSH . Agad akong napatingin sa orasan kong walang kwenta at manloloko ( Parang ex kong tsunano lang ! ) . Napahinga ako nang maluwag . Mabuti naman at 6 AM palang ng umaga . May isang oras pa ako para maghanda papunta sa opisina .

Pagbaba ko sa sala nagulat pa ako ng makita kong naka yoga outfit itong isang ito . Balik alindog ka gurl? .

" Ginagawa mo ate? " sabi ko habang may hawak na tubig na nasa tasa .

Under Boss Where stories live. Discover now