63

227 23 0
                                    

" Dito kana sa kama sa sahig nalang ako " saad ko ng bigla niya akong hatakin paupo sa kama .

" I want cuddles this night , can you forgive me ?" pagmamakaawa niya , medyo cute siya ngayon dahil pinasuot ko sakanya ung ternong kulay pink na pajama na medyo malaki sakin at sapat sa katawan niya kaya nagmukha siyang maamong kuneho ngayon .

" Ok fine . Chochoosy paba ako " saad ko . Tuwang tuwa naman siyang gumapang sa kama sabay yakap sakin . Hayst , baka masanay ako sa batang -err lalaking to sa  kakaganto sakin baka hanapin ko .

*BEEEP!BEEP!

" Putangina lang " mahinang mura niya ng may umeksena .

Hanep . Nagmumura na ang bata .

Nabulabog kami ng may bumusina sa labas kasabay ng pagkatok ni ate jin sa pintuan ng kwarto ko . Tumayo naman ako , napatingin ako sa katabi ko na nakahalukipkip na ngayon na umaacting nanaman na parang bata . Simangot yern? haha.

Sumabay siya sakin pababa kasabay nila kuya . Tawang tawa ako ng mapansin kong machi kaming apat na nakapajama . Ang cute . Pajama Family naba kami nan? .

" Sino ba iyang nambubulabog na iyan dis oras na ng gabi . Wala bang bahay yan! " si ate

Sama sama kaming nagpunta sa gate , na akala mo susugod ng away sa kabilang kanto . Binuksan ko at laking gulat ko ng makita ko si Yoongi at Jimin? Gulat din silang napatingin sa aming apat , kaya kaming lahat pare parehong gulat .

" Tulog na pala kayo?" si yoongi habang may dalang pagkain .

" Hindi be , obvious ba? " pamimilosopo ni ate

" Magandang gabi ate jin " saad ni Jimin "
Asan si Jungkook?" tanong niya kaya naman pinakita ko siya na nasa likuran ko na mahimbing na nakapikit .

" Ang cute , pinky ah hehe " si Yoongi . Hinampas ko naman siya .

Pinapasok na namin sila sa loob at baka makita pa sila ng taong bayan, baka pagkamalan pa kaming may ginagawang kung ano . Bakit ba ang pangit ng trip nitong dalawa at napakalalim na ng gabi kong makapasyal .

Nilapag ko sa harapan nila  ung sinalin kong pagkain na dala nila na galing Jollibee habang patuloy parin sila sa pag uusap . . Opss not sponsored . Alam kong mcdo kayo e . Heho . Naupo narin ako sa tabi ni Jungkook na ngayon ay seryuso nanaman ang mukha .

" Baka nasundan kayo dito at malaman kung saan ako ,ayukong masagabal ung privacy ng girlfriend ko "tuloy tuloy na sabi ni Jungkook

* Toink!

Nagkatinginan ang lahat sa sinabi niyang iyon .

" G-Girlfriend?" pag uulit ni Yoongi

" P- Pakiulit nga bro " si Jimin .

Patay . Bakit ba walang preno bunganga nitong lalaking ito . Sagana sa floor wax kaya mashadong madulas .

" Ibig mong sabihin kayo na bunso?" si ate

" Hindi mo rin alam ate jin? " si Yoongi

" Wala naman silang sinasabi samin yang dalawa . Ang alam ko boss lang talaga ni Taelyn itong si Jungkook " paliwanag ni ate  .

Wala na kaming nagawa kung hindi aminin ung totoo pero nakailang  kurot muna si Jungkook sakin . Paepal e .

" Hindi ko ipagkakalat promise " sabay taas ng kanang kamay ni Yoongi .

" Dapat lang dahil pagsasamahin ko kayong dalawa nitong si Jungkook sa isang bala ng stapler " sermon ko .

" Congrats bro!" nag aperan pa ang dalawa .

Under Boss Where stories live. Discover now