64

250 25 5
                                    

Hindi ako pwedemg makasal sa taong hindi kko naman kailan man nagustuhan .

Mahal ko si Taelyn , hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan o umiiyak . Ayuko ng maulit pa ung nangyari sakanya noon .

Gagawin ko ang lahat , mahanapan ko lang ng tamang daan patungo sa magandang umpisa namin ni Taelyn . Kung kapalit  man nito ay kawalan sakin ng mga bagay na pinaghirapan ko ay lubos kung tatanggapin makasama ko lang ng habang buhay ang babaeng nagpapasaya sakin ngayon .

Taelyn Pov

" babe wake up may pupuntahan tayo " saad niya habang pinupudpod ng halik ang noo ko . Enebe nemen .

NApatingin ako sakanya na nakaligo na , amoy ko pa ung gamit niyang shampoo saka shit amoy baby johnson powder ang bebe .

Binigyan niya ako ng damping halik " Good morning love "

Ngumiti naman ako . " Good morning " napatingin ako sa oras na tatama palang ung kamay ng orasan sa numerong 7 ." Ang aga mo naman maligo "

" Bumangon kana may pupuntahan tayo ngayon " saad niya . KAy aga gusto na agad maglakwatsya .

Bumangon naku tulad ng sabi niya . Kinuha ko lang ung tuwalya ko sa likod ng pintuan saka pumasok ng banyo , nakita ko pa siyang busy sa selpon niya . Sino kayang katext nito ? . Whatever . Siguraduhin niya lang na hindi babae yang katext nya or what ever kung hindi pagsasamahin ko sila ng babae niya sa isang libingan . Char .

Naligo na ako pagkatapos sinuot ko lang ung dress na kulay mint green na off shoulder ang style na regalo pa sakin ni ate nung pasko . Grabe no , hindi kasi ako mashadong madaling makaliitan lahat ng damit ko kaya minsan lang ako bumili ng mga gamit ko at kung bibili man ako siguro kung kailangan lang .

Paglabas ko ng banyo agad siyang napatingin sakin pababa pataas . Ay may judge pala akesh .

" Ano bagay ba? " tanong ko .

" Oo bagay ako sayo " baliktad na sagot niya . Engot talaga . " Ang iksi naman , kita tuhod "

Napatingin naman ako . Oo nga hanggang tuhod pero okay naman kesa nakikita kuyukot ko diba? . " Ayus lang naman ah , hindi naman mashadong maiksi "

" Ayukong nakikita yang tuhod mo,balikat , dibdib o kahit ano pa riyan sa parti ng katawan mo kasi akin lahat yan ,pagmamay ari ko "asik niya .

Namilog naman ang bibig ko sa bigla . Grabe siya ,napaka possesive naman niya . Sinangla ko ba yung katawan ko sa lalaking ito ? Grabe kong maka angkin e . Ginawa akong bagay na hindi pwedeng hiramin .

" Hayst dami mong sinasabi tara na nga " sabay hila ko sakanya . Ayaw pa niya sana pero nilakihan ko ng mata . " Hindi ako papaagaw , iyong iyo ako . Shado to "

Ang bata padabog bumaba . Hayst anak nga ng Jeon ,tigas ng bungo .

Pagbaba ko gulat ako ng makita sila ate at kuya na bihis din ? . Saan ang lakad ng dalawa? Holiday ba ngayon? At bakit lahat kami may mga lakad? . Napatingin tuloy ako sa calendaryo sa dingding . Normal naman ang araw ngayon .

" Saan ang lakad niyong dalawa? " tanong ko kay kuya na nagpapagpag pa ng sapatos .

" Sabi nitong si Jungkook e may pupuntahan raw tayo " saad niya 

Taka akong tumingin kay Jungkook . Saan ba talaga kami ipupunta nito? .

" Lagyan mo nga ako ng eyeliner bunso . Hindi pa ako mashadong marunong e " saad ni ate .

" Pikit " saad ko . " Saan ba tayo pupunta? Hindi ka nagbenta ngayon ate? "

" Tingin ako " sabay hila niya ng salamin na hawak ko . " Ganda ko talaga . Hmf . Hindi ko alam ang sabi lang sakin nitong si Gguk e aalis daw tayo . Wala bang sinabi sa iyo? "

" Wala e .. "

" Abay wag kang kabahan . Si Jungkok naman ang kasama natin . Malalaman mo rin kung saan tayo dadalhin ng batang yan "

Matapos ang lahat sumakay na kami sa sasakyan niya . Agad naman akong sumakay sa harapan ." From now on , pwesto muna yan " saad niya sakin habang kinakabit ung seatbelt ko .

" Dami mong alam . Saan ba tayo pupunta? "

" Gusto mong malaman? " sabi niya  

" Oo , Saan ba? "

" Kiss mo muna ako , sasabihin ko "

Inirapan ko siya saka ako nagtakip ng mukha . Ulol talaga tong lalaking ito . Buti nalang busy ang dalawa sa likod .

Nagmaneho na siya , hindi ko alam kung saan kami pero alam kong hindi pa naman kami nakakalabas ng manila . Binanggit niya sakin kagabi bago matulog na hindi daw kami papasok bukas pero hindi niya binanggit na may pupuntahan kami . Sayang may plano pa naman sana akong dumalaw kami sa puntod ng magulang ko para ipakilala siya kila inay at itay . Naku sasabihin ko talagang nakabingwit ako ng isdang mamahalin . Isdang mukhang kuneho . Rawr .

Nastop kami sa isang boutique . Ewan kong ano ang nilalako nila dito .  Haylen ang pangalan nito . Bumaba kami ng mahinto ang sasakyan .

" Wow .Ano itong pupuntahan natin Gguk? " saad ni ate .

" Good morning Maam 'Sir welcome to Haylen " saad ng isang babae .

" Goodmorning .Ang manager niyo ? " saad ni Jungkook .

" Ay kayo po ba si Mr. Jeon " tumango ito . " Come in Sir naghihintay po sa inyo si Mrs. Flora . "

Pumasok kami sa loob kasabay ng pagkislap ng mga mata namin .

" Jusko lord , Ano ba itong lugar na ito , puno ng mga diyamante at ginto " saad ni ate ng makita niya ang ibat ibang alahas sa loob ng mga kahon na gawa sa salamin .

Normal na sakin na makapunta sa ganto dahil minsan ay naisasama naku ni Jungkook sa mga gantong lugar noon nung panahong assistance niya pa ako at nilalait pero hindi sa ganto kalaking bilihan ng mga alahas .

" Papiliin mo sila ng kung anong gusto nila at babagay sa kanila " saad ni Jungkook . Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin . " Especially dun sa babaeng iyon , asawa ko yun " rinig kong sabi niya .

Lumapit naman samin ang apat na babae , habang si kuya joonie naman kasama si Jungkook .

" Mrs. Jeon pumili na po kayo sa mga necklace namin " saad ng isang sales lady .

" Grabe bunso , ung mga presyo ng bawat isa e halos makapundar na ng isang bahay sa mahal " si ate na lulang lula din sa laki ng presyo .

" Oo nga ate . Parang mas okay na sakin ung inaalok ni Ate pidang na tig 150  na kwintas e kesa dito na kapag nawala ko pa e parang gusto ko nalang mamatay "

" Sinabi mo pa , Ano na pumili na tayo . Alin ba ang gusto mo? " saad niya . " Miss wala bang mas mura dyan? "

Nilabas ng isang babae ang isang kwintas na may disenyong moon na may maliliit na diamond sa gilid . " Ito maam , mura lang po ito at babagay sa inyo "

" Magkano naman niyan ? " tanong ni ate .

" Two hundred thousand po maam "

" Jusmeyo por Santo " napasign of the cross si ate . " Mura na iyon sa inyo? "

" Opo maam " saad niya .

" Jusko . Bunso hawakan mo ako baka mamaya mahilo ako masapak ko tong babaeng ito " .

Agad namang lumayo ung babae . Sino bang hindi matakot . E Kasalanan naman kasi niya. Grabe ung kwintas na iyon ah ,Sahod ko na ng dalawang taon yun .

Under Boss Where stories live. Discover now