34

231 21 3
                                    

" Aalis na po ako , Maayos naman na ang pakiramdam ko " magalang na sabi ko sa nurse .

Napatingala naman siya sa akin . " Sigurado ka? Ayaw mo na magpahinga? " Tumango ako at ngumiti . Mukha ba akong nagjo-joke?

Palabas na sana ako ng may makalimutan akong itanong sakanya .

" Sino po palang nagdala sakin dito sa clinic? .

" Yung boss mong matangkad na guwapo na mukhang foreigner". Bigla naman siyang nagblush as if may nakakakilig siyang naalala . " Siya ang nagdala sayo rito . Alam mo nong dinala ka niya rito , hindi maipinta yung mukha niya . Halatang kabado siya dahil kahit maputi siya namumutla ang buong mukha niya . Tapos paulit ulit pang sinasabi na ' Please save her . Please, save her '. English speaking pala yung boss mo kaya mas lalong gumwapo ang appeal niya at bata pa ah . Naloka nga rin ako kung anong nangyari sayo yun pala nahimatay lang " . Tumawa siya . " Pero guwapo niya talaga . " Napahawak pa siya sa pisngi niya na parang teenager. Hala ka . " Promise ang guwapo niya . " pag uulit pa niya .

" Kung siya po ang nagdala sa akin dito , nasan na siya? " muli kong tanong at hindi na pinansin yung kilig expression niya dahil kay Jungkook . Lakas talaga ng appeal ng walang'ya. Pati tong hotel nurse , hindi pinaligtas ng karisma ng buwisit .

" May sumundo sa kanya rito e . Yun Cindy ba yun? A, oo tama . Cindy nga yung pangalan " . Napakunot ang noo ko nang mabanggit niya ang pangalan ng malanding babae na yun . “Sabi niya , iwanan ka na raw dito para makapagpahinga ka nang maayos . Ayaw pa nga sana nung boss mo na umalis at balak ka atang bantayan hanggang sa magising ka , pero kinukulit siya nung Cindy at may kameeting pa raw sila . Girlfriend niya ba yun? "

" Hindi , ano ! " matigas kong sagot dito . Full of conviction ang boses ko . " Sige po . Salamat ." sabi ko saka lumabas na ng clinic nang tuluyan .

Ramdam kong nakabusangot at magkasalubong na naman ang kilay ko ngayon habang naglalakad palayo sa clinic . Kung puwede lang sigurong lumabas ang dark aura na nararamdaman ko ngayon sa sobrang inis lalabas na to . Buwisit talaga na yan . Bakit ba ang epal ng Cindy na yun? Akala ko pa naman . Maria Clara ang peg niya dahil sobrang hinhin kung kumilos pero halata naman na pasimple niyang nilalandi ang boss ko .

Isa naman tong malanding buwisit na Jungkook na to . Hindi marunong tumanggi at humindi sa sinasabi sa kanya ni Cindy . Kapag siguro sinabi ni Cindy na kuhani  ang buwan at ibigay sa kanya gagawin niya , e . Masyadong mabait pero wala sa lugar . Nakakairita talaga . Ang sarap talagang manampal ng babaeng may dimple sa magkabilang pisngi ngayon . Ihanap niyo nga ako ng ganon at sadampalin ko hanggang sa magsawa ako sa kakasampal .

Bigla kong napaisip na paano ba sumulpot sa office yang si Cindy . Baka naman talagang hindi gaanong exposed itong babaeng ito atsaka mukhang mas nauna pa siyang magtrabaho sa company kesa sakin Ewan para siyang kabute lang . Biglaang sumulpoy ngayon sa company .

At sumulpot ang kalandian kay Jungkook . For the first time in forever , ngayon lang ata nakiisa ang konsensya ko sa mga naiisip ko . Mukhang iritado rin siya kay Cindy .

Nakakabwisit talaga .

Sa ngayon kailangan ko munang kalimutan ang iniisip ko at puntahan si Jungkook . Baka nakikipaglandian na naman yung walang'ya na yun habang wala ako . Wow! Jowa? . Isa pa rin yun e . Mga lalaki talaga pare pareho . Malingat lang sandali ang babaeng mahal nila , single na agad sila . Mahal daw oh . Mahal ang bigas , Taelyn . Hambalusin kita ng isang kabang bigas sa pinagsasabi mo diyan e . Ayan , war na ulit kami ng konsensya ko . Wala talaga siyang pakikisama ever since .

Malapit na ako sa reception nang hotel nang makarinig ako ng palakpakan . Parang nagkakaroon na ng promotion sa loob . Naalala kong isa nga pala sa naging best seller ang alak na gawa ni Jungkook  . Mukhang napuri na ang gago .

Under Boss Where stories live. Discover now