Napabuntong hininga na lang ako . Gusto ko din makausap si Jungkook tungkol sa nangyari e . Gusto ko din sabihin kung ano ba ung dahilan ni Cindy . Kaso everytime na io-open ko ang topic na yun bigla bigla na lang umaarte , kung ano ano ang inuutos sakin . Minsan nga nasa bahay siya na akala mo bubwit na walang matirhan . Pumapasok nalang bigla ang walang'ya sa kwarto ko tapos hindi ako papapasukin . Wow! Iyo? . Lumalabas lang ulit kapag bet niya na ulit makipag usap o buwisitin ako , laitin , kumain at batukan . The rest nasa loob lang siya ng kwarto ko at hindi na umuuwi minsan nakikitulog narin ang gaga . Ginagawang boarding house ang kwarto ko ng walang'ya. Mukhang may ginawa tong gagong to kaya ayaw pag usapan e . Bakit kaya?
Anyway , isang linggo na nakalipas simula nang mawala si Cindy . Syempre tuloy ang buhay ko . Pag uwi ko nga sa bahay nun na puro galos at sugat sa hita todo dakdak ang ate ko . Kesho daw tatagain at babalatan niya daw si Cindy at gagawing chicharon kapag nagkita sila . Sabi ko naman . ' Sige sagot ko na ang sukang paumbong , sabi nsman ni kuya sagot niya ang alak . Diba? Perfect . Dumating naman si Jungkook non na basa din kaya pinahiram siya ng damit ni kuya . Kweninto namin ang nangyari at gusto nilang ireport sa polisya kaya pumunta din kami dun ng kinagabihan at nireport ang nangyari
" Psst Yoongi " sabi ko kay Yoongi na naglalagay na naman ng sunblock kahit nasa loob lang naman ito ng opisina buong araw . " Sabing tigil tigilan mo na yang pagpahid mo ng sunblock dahil nagmumukha ka ng espasol "
Ang gaga tinarayan lang ako ." Whatever Taelyn , Ano bang kailangan mo? Hindi tuloy ako makaconcentrate "
" Hindi na talaga pumasok si Cindy? " tanong ko .
Bigla namang sumulpot si Jackson na kumakain nanaman ng empanada . Ang aga aga nagmumukbang ang gago .
" Balita ko kanina sa baba nagpasa na daw ng resignation form kay boss " sabi nito .
Lumapit naman si Sana na anlaki ng eyebugs . " Balita ko din nagalit si boss ng sobra "
" Talaga? " sabi ko . " Wait nga lang .. Anong nangyari sayo? Hindi ako naniniwala sa zombie apocalypse pero nung nakita ko pagmumukha mo ngayon , naniniwala naku "
Humigop naman ito sa tasa niya at nag inarte . " Kasi ilang araw nakung hindi makatulog ng maayos .
"Patingin nga ng iniinum mo? " Tinignan ko at kape ito . Hinablot ko naman sakanya ito ng mabilis . " Gaga ka pala e! Ginagawa mong tubig ung kape .Sinong tangang makakatulog sa lagay na yan? "
Nagulat naman kamig lahat ng biglang sumulpot si Nicca .
" Ano ba yan Nicca! Ung liptint ko napunta na sa kilay ko sa sobrang gulo mo! " inis na sabi ni Yoongi .
" May nabalitaan ako mga swister " sabi nito at nakangiti .
Agad naman kaming naglapitang lahat . Shempre chismis goals kami .
" May girlfriend daw si boss " bulong niya . Nanlaki naman ang mata ko at biglang napadampot ng tumbler ko sa lamesa .
" Talaga! San mo nalaman? " sabi ni Jack .
" Dyan sa baba lang kalat na kalat kasi rinig na rinig daw nila na umamin daw si Cindy kay boss na may gusto ito sakanya pero binusted kasi may mahal na daw siya at girlfriend niya" pagsabi niya . Napalunok nanaman ako .
" Hindi kaya " sabi ni Yoongi . Napatingin naman silang lahat sakin .
" B-bakit? "
" Hindi kaya " sabi ni Yoongi ulit .
" A-ano? " may alam kaya sila? Ano ba yan kasalanan talaga ito ni Gguk kahit kailan .
Pinagpapawisan naku sa sobrang kaba . " Hindi kaya kilala mo kung sino ang girlfriend ni boss , Tae? "
Pagbanggit niya ng tanong bigla akong napabuga ng hangin . Jusko akala ko malalantaran na talaga . Kahit fake yun kabado parin ako pangalan ko kasi ang gagamitin .
" Hindi no , hindi ko naman hinahalungkat ung buhay nung kumag na yun " sabi ko
" Taelyn "
" Ay kumag na Jungkook! " gulat ko . Muntik ko pang mabitawan ung tumbler ko .
Tumitig ito kela jack bago nagsalita . " Back to your work " utos niya kaya nagsikilos ang mga ulaga .
" Follow me " sabi niya kaya agad akong napatayo at napasunod sakanya .
Pagkapasok namin sa opisina niya agad siyang nagpabukas sakin ng banana milk . Etong taong to ? Anlaki laki na banana milk ang tinutungga? . Haysstt .
Nakasimangot parin ito ngayon . Kararating lang namin kasi kahapon dito sa company dahil may meeting kami sa Taguig ng biglang dumating ang Daddy noys . Medyo matagal siyang kinaudap kaya nagtaka ako nang dumating siya nakasambakol at hindi na maipinta yun pagmumukha ni Jungkook . Para siyang hindi makatae sa itsura niya . Ganuto kaya ang itsura ni Jungkook kapag hindi siya makatae ng maayos? Haha .
Tumawa ako . " O , anong nangyari sayo ? Hindi ka makatae kaya ganyan mukha mo? " sabay lapag ko ng banana milk niya
" Youre disgusting " sabi niya at tinalikuran na ako .
Aba , ang aga naman mag sungit ng hinayupak . Samatalang kahapon nung nasa sasakyan niys kami , binubully niya pa ako na hindi raw ako marunong humalik . Ang kapal talaga ng mukha ng walang'ya . Pagkatapos niyang moleschahin ang bibig at dila ko ,susungitan niya lang ako ? Pagkatapos niyang samatalahin ang kahinaan ko at nakawan ako ng halik gaganituhin niya ako? I felt so used . Dapat dito pinapakulong sa salang pang-gagahasa sa inosente kong dila e .
" Uy ! Jungkook na rapist ng dila " Kinalabit ko siya . " Pinapunta mo ako dito tapos tatalikuran moko ? Anong problema mo? Anong sabi sayo ni Sir Sarawat? Bakit badtrip ka? "
Inis niyang tinanggal ang kamay ko na kumakalabit sa kanya . Akala ko hindi siya magsasalita pero nagsalita din naman din ang buwisit after ng ilang segundo .
" He tell me na si Mom daw ipagdadate nanaman ako sa anak ni Mr. Chua " inis na sabi niya .
" Talaga? " hindi ko makapaniwalang sagot .
" Do you think I'm kidding? " Tumingin siya sa akin saka umirap nanaman . " Im not . Stupid ugly girl "
" You're not kidding , okay? Kasi Jungkook pangalan mo ." Tinignan niya ako ng masama kaya hinampas ko siya sa braso nang mahina . " To naman hindi mabiro . O tapos? Ayaw mo nanaman? "
" Yea . Such a waste of time " Napatitig lang ako sa kanya . " And why are you staring like that? And WHAT THE ! why you drinking my banana milk ! " sabay agaw niya .
Inismidan ko siya . " Grabe damot , ako naman nagprepare nan . Sarap pala ng gatas na iya patikim ulit isang higop nalang talaga "
Agad niyang tinago sa likuran niya ung banana milk at sumimangot . " No! Kumuha ka ng iyo! "
" Damot " sabi ko sabay alis sa office niya . Bago ako makalabas ng pintuan nagsalita muna ulit ako . " Huwag kang sasama sakin mamaya kakain ako sa turo -turo "
" Sasama akooooo! " sigaw niya na parang bata .
" Hindi tatakasan kita bleee" binilatan ko nga ang bata . Damot mo ah! Maiwan ka mamaya .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .