31

236 21 5
                                    

Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan ni Jungkook . Hindi ko siya magawang pansinin dahil busy siya sa pagpipindot ng kung ano ano sa tablet niya . Nag ca-candy crush din ba siya? .

Napairap nalang ako dahil hindi ko siya magawang kulitin dahil mukhang busy  siya sa ginagawa niya  . Umandar na ang sasakyan tapos biglang tumugtog ang isang nakakaiyak na kanta .

Teach me how to Dogie . Charot . Yung Breathe ni Taylor Swift .

Bigla akong napasabay sa kanta dahil sakto ito sa nararamdaman ko .

I see your face in my mind as I drive away .

Cause none of us throught it was gonna end that way.

People are people and sometimes we change our minds .

But it's killing me to see you go after all this time .

Hays bakit kaya ganito? Bakit kailangan maging eksakto pa sa nararamdaman ko ang tutugtog sa radio ni Manong Driver . Swiftie din kaya siya? Ka -fandom ko?

Nagpatuloy ulit ako sa pagkanta . Pakialam ko kong mabingi si Jungkook .

" And I can't breathe . Without you , but I have to . Breathe without you , but I have to . "

Naramdaman ko nalang na tumutulo ang luha ko nang hindi ko inaasahan . Hanggang ngayon , masakit pa rin pala talaga . Hindi pa rin ako tuluyang nakakalimot sa ginawa ng putragis na Jimin na yan . Nasa puso ko pa rin yung kirot at poot na ginawa niya sa akin .

Tama nga yung kanta ni Taylor Swift . I have to breathe without you , but I have to . Kailangan ko pa ring tuluyang nagpatuloy sa buhay kahit wala na siya .

" Ano bang mali ko? Nagmahal lang naman ako . Nagtiwala . Pero bakit kailangan kong maramdaman to? . sabi ko sa sarili ko habang nagpupunas ng luha .

" How many times do yiu have to cry for my brother, stupid girl? "

Bigla akong napatingin sa gilid ko at hindi na pala busy ang katabi ko . Buwisit to . Bigla bigla nalang nagsasalita . Buti na lang busy si Manong driver sa pagmamaneho habang kumakanta ng sunod na kanya ni Taylor Swift . Maka- Swiftie din talaga si koya .

Hindi nakatingin sakin si Jungkook .Nakatuon lang ang pansin niya sa tablet niya .

Pinunasan ko ang luha ko . " Hindi ko alam . Ayaw ko na namang umiyak , ano . Pero hindi kasi nauubos ang luha ko para sa bwisit na yun ", . sagot ko sakanya . " Nagmahal lang naman ako e . Akala ko siya na ang perfect love story ko pero hindi pala . Ginawa ko siyang kuwento ko pero siya ginawang isang pahina lang ako . Buwisit talaga . Ang unfair kahit kailan . " inis na inis na sabi ko saka binaling na lang ang paningin sa labasan .

" The best love you could ever have comes when you least expect it " sagot ni Jungkook kasabay ng pagpatay ng tablet na nilalaro niya . " They said you meet a people with two reasons — it's either they're blessing or a lesson . In your ex's situation , I could say that he was just a lesson to you "sabi niya . " A lesson that you should keep in your heart ." Tinuro niya yung puso niya . " And remember here . " tapos ung ulo naman niya .

Napatango na lang tuloy ako dahil sa sinabi niya . Nosebleed e . Chos! kasi full of words of wisdom ngayong umaga si Jungkook no . Wala na akong maisagot sa mga pangaral niya sa akin .

Bigla ko tuloy naisip na Pari o Prof o Boss ko ba talaga si Jungkook? Chos lang ulit . Bigla ko lang naisip kung bakit kami pinagtagpo nitong lalaking ito , ano bang papel ni Jungkook sa buhay ko at kung bakit siya pa ung dumating sa akin? Papel de liha ba? Another chod lang friends . Blessing ba siya o tuturuan niya lang ako ng panibagong leksyon ? .

Mukhang the latter e . Kung turuan kasi ako ng mga words of wisdom , huwagas . Ang lalim ng hugot . So deep . I could even see Adele rolling on it.

"Lalim ah , Baon na baon " natatawa kong sagot .

Agad naman niyang akong hinampas sa ulo gamit ang tablet na hawak niya .

Ang sakit ah .

Pero mas masakit pa rin yung sakit na nasa puso ko . Yun sakit kasi na dulot ng paghampas ni Jungkook sa ulo ko nawala agad pero ung sakit na nasa puso ko nandito pa rin at alam kong matatagalan bago mawala at gumaling ng tuluyan .

Shet humuhugot nanaman ako .

Oh alam niyo na kung sino sisisihin ko? Good .

Buwisit talaga iyon .

Huminto na ang sasakyan sa isang mamahaling hotel . Nalingap lang akong saglit nawala na si Damuho .

Mabilis na akong tumakbo pero ang walang'ya ang layo na agad sa akin . Malapit na siya sa Entrance ng hotel . Buwisit na talaga yan . Nakapag jogging ako ng wala sa oras , ha . Wait kailan nga ba ang tamang oras ng pag ja-jogging ? Whatever . Basta ang alam ko lang ngayon tagaktak na ang pawis ko at hinihinhal na ako sa kakatakbo pero hindi ko parin naabutan yung bwisit .Bakit kasi ang hahaba ng binti niyon ? . Ang laki tuloy niyang hunakbang .

Yun ano rin kaya niya mahaba at malaki? Mahaba rin yung pasensya niya? Halata namang hindi e . E yung puso niya ,malaki kaya? . Parang hindi rin naman . Tignan mo nga hindi man lang ako hinihintay para sabay kaming dumating sa reception . Nakakakulo talaga ng dugo tong lalaki na to . Pakiramdam ko duduguin ako ngayon e . Hay Jungkook . Wala kang puso . Puro ka abs at V-line .

Napansin kong bigla siyang huminto noonh nasa may hagdan na siyang paakyat ng reception kaya binilisan ko na din ang lakad ko . Huminto muna ako tapos kinuha ang folder na nasa kili kili ko para ipangpaypay sa sarili ko . Pakiramdam ko mahihimatay ako dahil ang inut ng pakiramdam ko . 


Under Boss Where stories live. Discover now