48

212 22 4
                                    

Taelyn Pov

" Gulay kayo dyan! " sigaw namin ni ate .

" Ate bili kana ng meryenda natin dun oh! Kila Bebang "

" Anong masarap dun? Yung toron nilang unang kagat wrapper lahat? Tsk . "

" O! O! Eto na ang meryenda ng pamilya ko! " sigaw ni kuya habang may dalang supot .

" Pamilya ko? "

" Oo bunso bakit ayaw mo? " tanong niya sakin .

" Ulol joonie manahimik ka . Ano ba yang dala mo ? "

Pagbukas ko ng supot umalingasaw ang bango ng bagong lutong ube pandesal .

" Ang bango ! Thank you kuya " sabay subo ko ng isa .

*KYAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!

Napahinto naman kami sa pagmemeryendang tatlo ng may marinig kaming magtilian sa bandang kaliwa namin .

" Ano iyon? May artista ba? " si ate

" Oo nga grabe makatili ah parang hindi naman ako mukhang artista " si kuya .

" Hindi naman talaga joonie mukha kang mayor shunga "

" Grabe kana talaga jin my love so sweet "

" Manahimik ka dyan baka si Robin Padilla iyang tinitilian abay ihanda mo ang papel at ballpen papa autograph tayo "

Pilit naming inaaninag kung ano ba ang pinagkukumpulan ng mga tinderang mahaharot sa daan . Hanggang sa makita na namin ito .

Anak ng pating ..

dO_Ob!

Dalawang lalaking  . Anong ginagawa nanaman nila dito? Bakit nila natungtong to? .

" Hi ate Jin long time no see " si Jimin . Seryusong tumingin si ate sakanya bago tumingin sakin .

Nakita ko naman si Jungkook na nakatingin sakin . Nakasuot ito ng polo na nakabukas ang tatlong bitones .

" Hi Taelyn " taka akong tumingin sakanya  

Inabot niya sakin ang dala niyang bulaklak na mukhang inani niya na ang buong harden sa dami nito .

" Bakit hindi muna sinama ung ugat nahiya kapa " asik ko .

Rinig ko naman ang bulungan ng mga walang'ya kung kapwa tindera .

" Hala. Manliligaw pala ni Taelyn yun "

" Oo nga akalain mo nakabingwit ng mga ganyang lalaki "

Haha . Ganyan talaga kapag magaganda . At pang imported ang mga lahi .

Bahay .

" Ano!? M-Magkapatid kayo!? " sigaw ni ate . " Susmaryusep"

" Jin kalma ito tubig " si Joonie .

" Ayuko nan gusto ko ung milktea abot mo nga . "

Ang arte talaga nitong ate ko .kahit kailan. Mahihimatay na nga lang , aarte pa sa iinumin  .

May dala sila Jimin ng milktea at pizza kaya iyon ang pinagsaluhan namin dito sa bahay .

Medyo nakakailang ang sitwasyon namin dahil narin siguro sa muling pagkikita ng pamilya ko at si Jimin , dagdag mo pa ng malaman nila na magkapatid ang dalawa . Edi naloka ung isip ni ate .

Nakapag usap ng maayos sila ate at Jimin . Sa una medyo alinlangan pero ng ipaliwanag ni Jimin lahat ay unti unti din namang umayos ang gusot . Pero hanggang ngaun ay hindi parin makapaniwala ang ate na magkapatid ang dalawa .

Under Boss Where stories live. Discover now