JEYKEY POV
" Jungkook! " sigaw ng kung sino .Habang busy ako sa pag pipirma ng papeles .
" What are you doing here? " saad ko ngunit nasa papel parin ang atensyon .
" Lets hang out tonight " ani niya .
" Not now Cari i have to finish this documents " pumunta naman ito sa likuran ko saka pinulupot ang katawan sakin . " Cari Stop ! Wala ako sa mood "
Bigla nalang niya ako tinapunan ng tingin .
" Buti nga nilalambing pa kita e kahit napaka cold ng personality mo tssk! " sabay kuha niya ng bag at padabog nyang sinara ung pintuan ng office ko . Walang hiya .
Mashadong nakakastress ngayong araw na ito dahil sa kumakalat na balitang may gustong kumalaban saamin .
Hating gabi na ngunit nasa office parin ako . Ilang tawag narin ni Mom ang hindi ko nasagot dahil tutok na tutok ako sa trabaho ko .
Palabas naku ng office ko ng biglang sumalubong ung janitor na nakaassign dito sa building .
" Sir" aniya .
" Uhm? " ani ko sabay tingin ng oras alas nwebe na pala ng gabi , mashado na akong nasubsob sa trabaho .
" Pinaghabilin po sakin ni Taelyn itong papel na ibigay sa inyo bago siya umalis " aniya sabay bigay ng folder na puti sa akin .
" Thank you " ani ko saka umalis . Pagkasakay ko ng elevator agad kong binuklat itong folder na hawak ko .
" Nakaaline na yan ayun sa gusto mo . Baka magreklamo kapa nilagyan ko na lahat ng label yan kahit hindi naman sila magkakarelasyon "
Pagkabasa ko sa sticky note na nakadikit sa ibabaw ng folder .
" Tssk! That girl is saw annoying " ani ko saka pumasok sa loob ng sasakyan ko .
Pagkauwi ko sa bahay agad kong nakita si Mom at Dad na mukhang may ihahatid nanamang info sakin .
" Anak " saad ni Mom saka niyakap ako .
" Son " ani ni daddy saka tinapik ang balikat ko .
" Bakit Dad' Mom? May problema ba? " ani ko .
" Wala naman anak gusto lang naming sabihin sayo na bukas na ang alis namin papuntang state " aniya dahil doon sila pumapalagi hindi dito .
" I see . Then what is your plan? " ani ko saka umupo sa sofa . " Pakuha nga po ng tubig na malamig manang "
" Sige po sir " aniya .
" Anak kailangan mong makipagkita sa anak nila Mrs . Smith ngayon " agad nangunot ang noo ko sa sinabi ni Mom .
" Ano ba Mom! Ilang beses naba nating pag usapan ang tungkol dyan ?! " inis ko dahil paulit ulit nalang ang pakikipag sundo nila sakin sa anak nila Mrs. Smith .
" Kumalma ka muna anak " ani ni Daddy .
" Dad! Kausapin niyo naman si Mom oh! " ani ko .
" Anak para din naman sayo ito " ani ni Mom .
" Sakin? Anak ng ... Baka para sa company kaya pilit niyo kong ipagkasundo sa babaeng yun ! " sigaw ko . Agad akong nakatanggap ng isang malutong na sampal kay mom .
" S-sorry anak . N-nagbigla lang ako " hahawakan na sana niya ako ng bigla akong lumayo .
" Malaki na ako , may sarili na akong buhay Mom kaya ko na ang sarili ko at kaya kong pumili ng taong mamahalin ko kaya wag mokong ipilit dyan sa gusto mo" seryuso kong sagot sabay akyat sa taas . Rinig ko pa ang pagtawag sakin ni Daddy ngunit hindi ko na nagawang lumingon .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .