30

239 21 2
                                    

" Taelyn"

" Ay burikat! Ano!- Mr. Jeon? kayo po pala hehe " sabi ko at nagkamot ng ulo .May kuto yata ako .

" Pwede ka bang makausap? " sabi niya . Nagtaas naman ako ng kilay.

" Hindi po ba nag uusap na tayo sa lagay na to? " sabi ko . Natawa naman siya . Anong nakakatawa dun? Ambabaw mo po .

" I mean pwedeng makausap ka ng tayong dalawa lang " sabi niya sabay tingin sa paligid .

Kita ko naman ang mga ulo ng mga chismosang kasama ko na kunwari ay busy sa pagbibilang . Choserang to . Pero ampogi ni Mr. Jeon pangit nga lang ng pangalan . Sarawat kuno? .

Dinala ako ni Fafa Sarawat este Mr. Jeon sa isang malapit na coffee shop dito lang malapit sa company . Manghang mangha pa ako sa loob nito dahil para kang nasa vigan or heritage house . Puno ng mga lumang kagamitan saka iilan lang ang taong makikita dito na sa unang tingin mo lang e mukhang matataas na tao .

" Order kana muna Tae " sabi niya sabay bigay ng menu book . Agad ko itong tinanggihan .

" Naku! Mr. Jeon wala po akong pera ngayon saka nag iipon po ako 'tubig nalang po sakin " sabi ko nagulat naman ito sa sinabi ko at biglang natawa .

" Haha you're so adorable you know Taelyn? I'm amazed on your attitude i didn't expect na ganito ka tlaga kasi iba ang kwento ng anak ko tungkol sayo . " sabi niya .

Tsk! . Hanggang sa ibang tao talaga sinisiraan ako nung damuhong iyon . Mamaya sakin iyon , parang ang sarap magletchon ng kuneho ng wala sa oras . San napunta ang oras?

" Omorder kana sagot ko " sabi niya . Nahiya pa akong pumili pero pinipilit niya ako kaya umorder nalang ako ng pasta at shake . Nakakagulat kasi ang mga presyo na katumbas na ng ilang delata na kayang bumuhay samin ng ilang araw .

Habang hinihintay namin ang inorder ay hindi ko napigilang magsalita kaya inistorbo ko na muna si Mr. Jeon sa pagbabasa ng magazine . Hindi kaya ito ung pinunta namin dito no .

" Mr. Jeon " tawag ko binaba naman niya ung magazine na binabasa niya at naupo ng maayos .

" Bakit Mr. Jeon? Dapat Daddy or Tito na ang itawag mo sakin tutal nobya ka ng anak ko? " sabi niya . Nanlaki naman ang mata ko .

Daii. Mashado silang naniwala . Naku! . Sabihin ko kayang its a prank lang iyon? Wag na baka maaga akong sumilip sa itaas hindi pa ako ready . Hindi pa ako ready na makita ang inay at itay .

" Ah hehe kayo po talaga , nahihiya po akong tawagin sa ganun " nagkamot ulit ako ng ulo . Pakiramdam ko talaga nahawaan ako nung Nica na iyon . "Ano pong sinasabi ni Jungkook sa inyo na tungkol sakin? Stupid girl? Shunga .Ganun? " Tanong ko . Natawa naman ito .

" Actually nabanggit niya iyan sakin na stupid ka kahit hindi naman .Pero ung iba secret nalang muna " sabi niya at bumalik sa pagbabasa .

" Tsk! Secret . Ano ba yan Mr. Jeon pero may sasabihin po sana ako tutal alam ko pong malapit naman kayo kay Jungkook diba? at alam ko pong hindi kayo magagalit sakanya " sabi ko .

" Ano iyon Tae?" sabi niya .

" Lapit ka po baka ichismis tayo " sabi ko . Lumapit naman siya kaya amoy ko ang pabango na nasa leeg niya   Bakit kaya ang babango ng mga to? May factory ba sila ng pabango sa bahay nila? Pero mas bet ko yung amoy ng bunso .

" Fake lang po itong relasyon namin ng anak niyo " sabi ko at umayos na ng upo ,baka mahalikan ko pa si Mr. Jeon no! Yummy pa naman niya kahit may edad na .

" Haha I know Tae " sabi niya . Gulat naman ako at sumubo ng pasta . " Alam kong pinilit kalang ng anak ko "

" Alam niyo na po? P-pero paano? "

Under Boss Where stories live. Discover now