3

447 25 6
                                    


Palakad naku ngayon pabalik sa bahay ng may tao nanaman akong nabangga . Sino nsnaman -

" Ay H-hi Dr. Jung ikaw po pala hehe sorry po " naku isa pa tong doctor na ito . Apaka pogi .

" Taelyn pauwi kana ba? " saad niya .

"Hindi doc . Sa palagay niyo po? " saad ko napakamot naman ito ng ulo .

" Ikaw talagang bata ka oo, Tara na sabay kana sakin sa paglalakad " saad niya . Chochoosy paba ako ? Shempre sasama ako hehe .

Sa paglalakad binigyan niya ako ng ice pop . Pambata naman ito! Pero okay naman masarap naman e .

Si Mr. Jung ang malugod na gwapong doctor sa aming lugar . In short katapat bahay . Paglabas mo kasi ng gate namin ung bahay na puti na katapat lang namin e  bahay niya , kaya lagi ko tong nakikita at nakwekwentuhan . Minsan nga gusto kong akyatin ung bahay nito e dahil wala siyang kasama , wala daw kasing jowa . Naku sayang naman .

" Galing ka sa work mo? " saad niya .

" Opo Doc actually kakahire ko lang " saad ko .

" Talaga? Congrats" aniya at ngumit . " So anong trabaho yan? "

" Prostitute po "

* PFFFFTTTTTT

Nabuga niya ung kinakain niya haha! Bobang doctor .

" Taelyn!" sigaw niya .

" Haha! Joke lang doc para ka namang aders ! " saad ko pero hindi yata najoke time si doc . " Personal Assistant doc " saad ko .

" Ahh mabuti akala ko talaga prostitute e " saad niya naniwala talaga ang gaga .

" Hindi bagay ang mga magaganda dun doc " saad ko . " Gusto mo ikaw nalang doc?"

Hindi ko namalayan nasa bahay na pala ako .

" Andami mong sinasabi Taelyn pumasok kana baka mamaya malamigan kana " saad niya saka pumasok na sa gate nila .

Ano ba yan wala manlang kiss doc? . Tsk damot .

" Im home! " sigaw habang nagtatanggal ng sapatos . Kinagawian na kasi namin ito nung nasa korea pa kami ang bawal magpasok ng slippers o sapatos sa bahay kung mag papasok ka man pambahay na tsinelas lamang .

Papunta na sana ako sa kusina ng may marinig akong nagbubulungan .

" Tangina ang sakit namjoon! Dahan dahan lang " si ate ba yun? Anong ginagawa nila? .

" Shit! Ano ba yan ! Ang gulo mo naman . Ayan tuloy alam mong andulas dulas e " si kuya .

Napatakip naman ako ng bibig dahil ambaho pala ng hininga ko . Joke . Shempre nagulat . May ginagawa silang kababalaghan habang wala ako? Im not ready to be tita huh! .

" Ara-aray! Bilisan mo! " si ate . Nagrequest pa talagang bilisan! Talagang ipapasundo ko na tong si ate kay itay at inay .

Hindi naku nakapagtimpi kaya tinignan ko na ung ginagawa nilang kababuyan .

" Anong kababuyan yan!" sigaw ko .

Nakita ko silang magkatabi at nagtatanggal ng s sing sing? .

Natanggalan naman ako ng kaba sa loob looban ko kaya napabuga ako ng hangin ng wala sa oras .

" Anong kababuyan yang sinasabi mo? " si ate . " Aray ko naman namjoon! Dahan dahan ! "

Napakamot naman ako sa ulo .May reunion bigla ung mga kuto ko e  . Char . Wala ako nun .

" Akala ko kasi may ginagawa kayong kababalaghan " saad ko .

" Isip mo ang dumi " saad ni kuya . " Pero pwede din haha! Aray-"

Under Boss Where stories live. Discover now