32

224 19 4
                                    


" Hoy Jungkook sana naman—"

Napahinto ako sa pagbubunganga nang makita ko siyang nakahinto at pinulot yung mga papel na nasa paanan niya .
Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harap niya at nakita ko si Cindy na ang daming bitbit na papel na satingin ko kasama sila sa reception .Mukhang nahulog na yung iba kaya tinulungan siya ni Jungkook para makuha ito at ibigay sa kanya . Dahan -dahan ako lumapit sa gawi nila .

" Salamat gguk " nahihiyang tugon ni Cindy kay Jungkook dahil sa pagtulong nito sakanya . Kitang kita ko na naman na nagblush ang buong mukha niya . Napansin ko lang din na kapag siya nag blush lalo siyang gumaganda . Ako kaya kapag nagblush gumaganda rin kaya ako o nakakairita lang ako tignan?

Napairap na lang ako sa ere dahil sa nangyari . Salamat Jungkook . Nye nye nye . Bakit kasi kailangan magbitbit ng maraming papel pero hindi naman pala niya kaya? 'Ayan , nakakaabala pa sa mga dumadaan . 'Eto namang si Jungkook hindi na lang pinabayaan . Akala ko ba nagmamadali siya? . Buwisit na to .Wala sa lugar ang pagiging gentleman niya . Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkairita . Gusto ko manampal . Haha. Charot! . Pero seryuso naiirita ako . Tss

" No problem " maikling sagot ni Jungkook habang nakangiti pa . Labas na labas ang perfect set of white teeth ng gago . Dalawang beses na niyang nginitian ng ganyan si Cindy , ha . Mag ingat siya . Binibilangan ko siya . Kapag nakaabot sa lima ang pagngiti niya , ayoko na . Break na kami . As if may relasyon , no? .

" Wala kasing gustong tumulong sa akin e , Yung mga ibang kaoffice ko may mga ginagawa " . pagku-kuwento ni Cindy habang ipinapatong yung ilang papel na nalaglag sa dala niya . Mamatay na po nagtanong . Hindi namin tinatanong .

" Let me help you " wika ni Jungkook tapos lumapit kay Cindy at kinuha yung mga papel na dala  nito  .

" Uy, huwag na . Nakakahiya at baka may masabi pa ang mga tao rito dahil pinagbubuhat kita " sagot naman ni Cindy . Nahihiya raw siya pero binigay din naman ung papel kay Jungkook . Ganyan ba ang nahihiya? Ha? Saang parte riyan ang nahiya? Ipaliwanag mo sa akin bago magdilim ang paningin ko .

" It's okay. I insist" muling sabi ni Jungkook kay Cindy saka muling ngumiti . Taena lang ha . Pangatlo na yan . Hanggang dalawa na lang Jungkook . Umayos ka kung ayaw mo mawalan ng girlfriend .

Hindi na sumagot si Cindy kay Jungkook . Tanging ngiti llang ang iginanti nito . Lumabas tuloy yung mga dimples niya sa magkabilang pisngi . Grabe! I've never been this naiirita before .

Magkatitigan lang ang dalawa nang bigla akong sumabat . Baka nakakalimutan nilang nandito lang ako sa likuran nila e . Nakakahiya naman sa kanilang dalawa no? Hiyang hiya ako at gustong -gusto ko talagang makasampal ng pisnging may dimple .

Ehem " pag entrada ko . Sabay silang dalawa na napatingin sa akin . " Ehem malandi " bulong ko sa sarili ko . Sigurado ko talagang ako lang ang makakarinig 

" O , hi Taelyn Nandiyan ka pala " nakangiting bati sa akin ni Cindy . Gusto ko sanang itaas ang kilay ko at irapan siya kaso huwag na lang .

And ano raw? Nandito raw pala ako? WOW! I'm impressed, mga mars . Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil napansin niya ako o dahil ngayon niya lang ako napansin na nandito na sa likuran nila . Opo, kanina pa po ako nandito . Kitang kita ko kung paano ka nagpapa-cute kay Jungkook. Hindi ka patatas pero ang sarap mong balatan . Mabuti na lang hindi ko nadala ang itak ni Ate sa bahay — kung ' di nabalatan talaga kita . Hayaan mo, next time .

Ang sarap bunutin ang pubic hair ni Cindy gamit ang isang tyani para dama niya ang sakit .

Ngumiti ako . " Ay, oo . Busy kasi kayo ni Boss kaya hindi niyo ako napansin" ngiting -ngiti na sabi ko sakanya . Napaiwas lang siya ng tingin tapos namula na naman . Kamatis ka gurl? . Si Jungkook naman pinanliliitan ko ng mata pero ang walang'ya inirapan lang ako .

Under Boss Where stories live. Discover now