"Boss mo? "
Tanong ng secretary ni Mr . Gonzales sakin . Feeling close naman ito .
" Uhm " tipid kong sabi habang kumakain ng hipon na pinabongga lang ung display sa plato e prito lang naman . Daming ek ek sa buhay .
Nagulat ako ng bigla siyang tumili . Gagong to may pagkasiraulo pala , dapat hindi ako tumabi dito baka pagkamalan din akong baliw .
" Hoy! Makatili ka naman . Ano bang tinitilian mo? " iritado kong sabi .
" Bii crush ko yang boss mo!"
Ay . Bii daw? Bitayin kaya kita . Tangina ka .
Ngumuya nalang ako saka ngumisi . " Talaga? "
Hinampas naman niya ako sa braso . Ang sakit ah! Ang pangit naman niya kiligin . Isa pa talaga naku! . Tusukin ko na siya nitong kutsilyong hawak ko , kahit mapurol to sisiguraduhin kong tatagos sa likod ng leeg niya ito .
" Oo be! Alam mo ba nung una ko siyang makita sa manila tapos ganto din nag meeting sila ng boss ko . Nginitian niya ako kyaaahhhh !!! Patay na patay ako dyan sa boss mo! "
Napangiti nalang ako ng peke ." Halata nga hehe "
" Tignan mo oh ung tindig niya palang talagang agaw pansin . Sa pananamit niya saka sa pagsasalita "
Napatingin ako kay Jungkook na kausap ngayon si Mr. Gonzales . Busy siyang makipag usap dito halatang nag eexplain siya dahil sumasabay ung kamay niya sa pagsasalita nito . Kala ko nga nagbebeat ng kanta e . Char .
" Ilakad mo ako "
Luh? Hibang kana gurl . Inutusan pa ako amp .E pangalan nga niya di ko alam tas ilakad ko pa dyan kay Jungkook . Lol .
" Bakit ako? " iritang sagot ko
"Bakit hindi ikaw . Amo mo kaya yan malamang close kayo . Sige na! regalo muna sa birthday ko " pagpupumilit niya sakin .
" Kelan ba birthday mo? "
" March "
" Abay gago Octobre palang ngayon " . singhal ko sakanya .
" Advance mo nalang "
" Taelyn "
dO_Ob?
Nandito na pala sa harapan ko itong lalaking ito at nakataas pa ang isang kilay .
" Y-yes boss ? "
" Bii ipakilala mo ako ... " bulong naman nung may sayad na babae sakin .
Mukhang nakahalata siya sa bulungan namin .
" Ahm boss si - "
" Lets go "
Inabot niya ung kamay niya sakin sa taranta ko inabot ko naman saka niya ako hinatak at hinawakan sa beywang .
" Can i get my wife where going for date tonight . Nice meeting you lady have a nice day " magalang na sabi niya habang ang mga mata ko naman ay mulagat sa laki .
Nagpatuloy kami sa paglalakad ng nakahawak parin siya sa beywang ko . Nang makalabas na kami agad akong kumalas .
" Pinagsasabi mo? Wife ka dyan! Lol "
Ngumisi siya saka pumasok sa sasakyan .Hindi ako sinagot sa tanong ko . Bwesit . Padabog kong sinara ang pinto sa may shotgun seat bago naupo ng maayos humalukipkip pa ako para malaman niya na nainis ako kanina .
" Fine . I said that para tigilan ka nung babae , mukha ka kasing iritang irita kanina pa " paliwanag niya habang umaandar kami .
Napansin pala niya iyon? So hindi totoo yung sinabi niya? .' Lah? Assuming ka naman dai' . Aba! Buhay kapang yawa kang konsensya ka ! .
Balik tayo dun .Ang daldal ko sobra . Paano ba to mapigilan? Comment below kung paano . Kthnxbye .
" Muntik akong maniwala" bulong ko .
" Maniwala? " tanong niya .
" Wala ! " singhal ko .
Bumalik kami sa hotel , parang napagod ako pagdating ko sa room . Wala naman akong ginawa pero bakit pakiramdam ko pagod ako . Hayst . Naligo nalang ako at nagpalit ng damit . Nagsuot ako ng pink pajama na may design na bear saka tshirt na kulay sky blue .
Plano ko sanang manuod ng Tv pero nadatnan ko na nasa sala si Jungkook nanunuod ng Netflix . Bago ako pumunta sakanya e kumuha muna ako ng maiinom kong tubig .
" Milktea? " nagliwanag ang mata ko ng makita kong may isang milktea na nakalapag sa study table .
Agad ko itong kinuha at naupo sa tabi niya . " Akin ito? "
" Oum " sabi niya dahil baka puno ung bibig niya ng popcorn .
Napatingin ako sa milktea na binili niya sakin . Napahinto ako ng makita ko ang nakasulat .
Kunot noo ko itong binasa . " Baby? "
Napatingin siya sa akin bago lumayo ng tingin .
" Sa akin ba talaga ito o sa ibang tao? " tanong ko sakanya na nakatutok lang sa pinapanuod .
" Sayo yan "
" E bakit baby ung nakalagay ? Ang layo sa pangalan ko na T. A. E.L.Y.N? "
" Baka nagkamali sila ng dinig kanina " iritado niyang sabi . " Arte mo para sa pangalan lang . Bakit mag iiba ba ang lasa kung hindi mo kapangalan? "
" Hindi! "
" Pala e , inumin muna dami mo pang sona "
Inirapan ko siya bago tinusok ung milktea . Napansin ko na ang pinapanuod niya pala ay Romance movie . Hindi ko na napaumpisahan kaya naman pinilit ko nalang panuorin hanggang sa mapunta ang action sa paglalampungan ng dalawang bida .
Napatakip ako ng mata pero nakabukas ung isa .
" Bakit kapa nagtatakip ng mata? Bata lang ? " kontra niya .
" Paki mo e sa ayaw kong makita "
" Ayaw mong makita pero nakasilip ung isang mata mo ? " he laughed .
Napahinto ako ng marinig ko nanaman siyang matawa . Grabe . Ano na? Kada tatawa siya hihinto ako? . Siguro hindi lang ako sanay .
Bumalik ang atensyon namin sa pinapanuod . Hindi parin tapos maglampungan ang dalawang bida . Mas lalo pa atang lumalala . Nang izoom ng camera man ang halikan ng bida bigla akong napahinto sa pagkain ng pizza at napalunok ng ilang beses . Nakaka hot seat naman ito .
Nang biglang umungol ung bidang babae bigla kaming nagkatinginan ni Jungkook sa hindi namin alam .
Umiwas kaming pareho at lumayo sa sofang kinauupuan namin . Nang matapos ang palabas agad akong tumayo para pumunta na sa loob ng kwarto ko .
" Tae "
Napalingon ako ng tinawag niya ang pangalan ko .
" Bakit? "
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nag salita .
" Goodnight "
Natulala ako ng sabihin niya iyon .Nanigas ako sa kinatatayuan ko nahinto lang iyon ng makita kong nakapasok na siya ng tuluyan sa kwarto niya .
Jusme. Kinukumbulsyon ung boss ko . Akalain mo nag goodnight sakin for the first time? .
Ang weird.
Pagpasok ko tuloy sa kwarto parang nag wiwiggle sa kulit ung mga organs ko sa katawan . Baka sa sobrang gulo nila e mag iba -iba ung pwesto nila .
Niyakap ko yung unan saka ko pinakiramdamn ung puso ko . Bakit ba sobrang kabog nito . Hinimas himas ko pa para huminahon .
Baka naman ano .... Hindi! Hindi pwede! . Naku masasaktan lang ako at mas lalong hindi pwede dahil ibang ang mundo na pinanggalingan ko saknya . Itigil muna yan puso ko hindi ka nararapat kay Jungkook .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .