Totoo ba yung nakita ko kanina? Si Jungkook ba talaga yung taong nagsalita kanina at hindi lang yun , pinagmalaki pa niya na ako raw ang Girlfriend niya? Plus hindi raw siya magda-dalawang isip na pumatay kapag may nakita siyang tao na lumalando sa akin? Putek na yan . Hanggang ngayon ay naloloka pa rin ako sa pinagsasabi ng kuneho na yun . Pulang -pula pa rin ang buong mukha ko dahil sa pasabog na walang'ya sa opisina niya . Hindi ako nakapaghanda . Sana naman sinabihan muna niya ako , diba? .
Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko . Hindi ko alam kung ilang minuto na ako narito sa banyo para ikalma ang sarili ko . Pero sa tuwing naiisip at naaalala ko yung mga pinagsasabi niya , para na namang sasabog ang malalndi kong organ na nasa loob ko . Sinampal ko ulit ang pisngi ko para makasiguradong hindi ako nananaginip . Aray . Hindi nga talaga ako nananaginip. Totoo nga yung nangyari . Totoo ngang ingot ang walang'ya .
Muli akong naghilamos ng mukha at napatingala sa salamin . Kahit na may tubig na tumutulo sa mukha ko , kitang kita parin ang kagandahan —charot —pamumula nito . Ano ba? Bakit ba ako namumhla at parang ...kinikilig? Alam kong joke lang mga pinagsasabi ni Jungkook pero bakit natutuwa ako ? Ang tanga lang talaga . Mag iilusyon ka na naman . Pero bakit may gano'ng ka eklabuham siyang ginawa? Trip niya lang . Para mas mukhang makatotohanan ung joke niya ? . Buwisit .
Nakikipagsagutan na ako sa konsensya ko . Kailan ba ako nagsimulang makipag usap da buwisit kong konsensya ? . Hindi ko maalala ha . Buwisit na Park Jimin kasi yan . Kitamo nang naging effect ng pangloloko sa akin ng walang'ya . Pati konsensya ko ngayon ay sumasagot na sa akin . Hindi kaya na trauma ako? Chos . Sabagay katrauma -trauma naman nangyari sa akin . Ikaw ba naman na magkaroon ng ex -boyfriend na pinagpalit ka lang sa kuko .
Nakatitig pa rin ako sa sarili kong reflection sa salamin nang may makita ako . Si Angel Locsin ba to? Hindi gaga . Ako lang pala . Ano ba yan bakit ba kasi akong pinalaking maganda .
Nagulat ako ng makita ko ang itsura ni Jungkook sa salamin na nakangiti? At Bungi? . Biglang tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang makita ko ang imahe niya at ung ngiti niya . Agad kong kinuskos ang mata ko at muling tinignan yung salamin . Wala na ang imahe niya na nakangiti . Ang tangi ko na lang nakikita ay si Angel Locsin ... ay ako na pala iyan . Pero , siyet lang . Ano yung nakita ko? Agad akong napatingin sa paligid ng banyo dahil baka nandito ung ugag na iyon .
Kinakabahan ako . Bakit may mys ganitonh sign ? . Matatapos na ba buhay ko? Chos . OA ka naman sa pag iisip Taelyn . Hindi naman si kamatayan ung nakita mo kanina . Baka masyado ka lang talagang nao- over sa mga pinag - iisip mo kaya may ganon kang nakikita . Peste kasi yang si Park Jimin . Siya lang may kasalanan nang lahat talaga . Wala akong ibang sisisihin sa mga nararanasan ko ngayon .
Kailangan ko nang bumalik sa opisina niya ngayon . Nararamdaman ko na namang biglang nag init ang mukha ko nang maalala kong makikita ko nanaman si Jungkook . Ano bang plano niya ? at bakit niya sinabi iyon? .Huwag niyang sabihing bored nanaman siya . Maitanong nga maya . Mukhang magkakaroon kami ng heart to heart talk mamaya pag alis ng bisita niya . Charot . Heart to heart ka riyan . Baka maihampas pa niya sa akin yung mga folder na nasa mesa niya .
Naglalakad na ako at lalampas sa isang unit nang may marinig akong nag uusap . Dededmahin ko lang sana pero bigla akong napahinto dahil narinig ko ang pangalan ko kaya napabalik ako . Mabuti naman at medyo nakabukas ang pintuan kaya sumilip ako kung sinong poncho pilato ang bumanggit ng precious name ko nang buong -buo .
" Si Kim Taelyn ? " pag uulit na naman sa pagbanggit ng pangalan ko kasabay ng isang malakas na halakhak . " Wala na kami pre . Hiniwalayan ko na yun , matagal na . "
Kahit hindi ko nakikita kung sino yun nagsasalita na yun alam nang buong katawang lupa ko kung sino ang walang'ya . Idinungaw ko pa yun ulo ko para makita ko kung sino ang kausap niya
.Pagsilip ko'y nakita ko si Park Jimin na nakaupo sa sofa sa loob ng visitor area . Mukhang dito sila pinatuloy ni Jungkook . May kausap din siyang dalawang lalaki na sapalagay ko tropa niya .
" Bakit mo hiniwalayan pre? Sayang napakatagal niyo na ah !" tanong ng isang lalaki na kasama niya .
Actually , wala na naman akong pakialam kung ano ang sasabihin ng gagong to e . Kahit ano pa ang sabihin niyay isa na lang ang narardaman ko — galiy at pamumuhi sa kanya . Wait dalawa palang pakiramdam yun . Gusto ko na sanang umalis para hindi na marinig yun mga walang kuwenta niyang isasagot pero ayaw makinig ng mga paa ko . Nakatayo parin ako at hinihintay yung mga sasabihin niya .
" Nakakapanghinayang ba? " sagot niya saka tumawa . " Mahirap kasing pigilan na mambabae lalo nat sa gantong itsura . Pero minahal ko naman siya . "
Mahina akong napatawa nang mapakla dahil sa narinig ko . Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinabi niyang minahal niya ako o maiinsulto dahil mukhang napilitan lang siyang makipagrelasyon sakin .
Naramdaman ko nang tumutulo na naman ang luha ko sa mga mata ko . Naalala ko yung mga araw na , nong pumunta kami sa Star City para mamasyal . Yun ang unang beses na nakita ko ang Star City sa personal kaya tuwang tuwa ako . Kasalanan ko ba na hindi ako nakakapunta sa mga ganun?
" Ewan ko pero sa tingin ko naglaro lang kami sa relasyon naming dalawa " dagdag pa ng ex ko . " Nakakatamad na magtago . Akala niya–" Napatigil siya ng pagsasalita nang pumasok na ako ng tuluyan sa loob nila at makita niya ako . " Jenny?" utal -utal niyang sabi na parang may nakita siyang multo habang binabanggit niya ang pangalan ko .
" Anong ginagawa mo dito? " sabi niya na hindi na magawang kumurap . " Na-narinig mo ba-"
" Oo , narinig ko . Narinig ko lahat kung paano mo ikwento at pagtawanan ung pagmamahal mo sakin " sagot ko sa kanya .Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit . " Yeah , I am the most stupid girl in this world . But, mind you , patay na tsunano , I am the best stupid girl in this world . Dahil itong tangang babae na to etong hindi worth it na babae na to" Tinuro ko ang sarili ko . " Eto lang naman yung nagmahal at tumanggap sayo nang buong buo . Etong tanga - tangang babae na nasa harap mo at pinagtatawanano lang naman ang nagmahal sa gagong tulad mo . At itong tanga at ilusyunadang babae lang na ito naman ang tumanggap sa kung ano ka , yinakap at minahal ka kahit anong klaseng tao ka pa "
Nakikinig lang sakin si Jimin habang ako naman ay hirap na hirap ng magsalita dahil sa pag iyak ko .
" Isang araw mare- realize mo na lang na kung gaano ka katanga para lokohin ang tangang tulad ko at gawing tanga . Isang araw , isinusumpa ko , gigising ka na lang na mahal mo pala talaga ako . Isang araw, masasabi mo nalang sa sarili mong Tangina . Ang tanga at ang gago ko . Bakit ko pinakawalan yung tangang babae na yun " pagbabanga ko sa kanga . " Isang araw—,"
Napahinto ako sa pagsasalita ng biglang may tumakip sa mga mata ko . Naamoy ko kaagad ang isang amoy na hindi nakakasawang amuyin sa araw araw . Honey and dew .
Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naamoy ko . Paano niya nalaman na nandito ako ? Dahan -dahan niyang tinanggal ang pagkakatakip niya sa mga mata ko saka niya ako inakbayan . Napatingin ako sa mukha niys at nakita kong nakatingin din siya sa akin ng seryuso .
Si Jungkook .
Nakatitig lang sa akin yung isang pares ng brown niyang mata na para bang sinasabi na huwag na akong umiyak dahil nasa tabi ko na siya . Naramdaman ko nalang na kumalma na ang sarili ko dahil sa pagpisil niya sa kaliwang balikat ko habang kasalukuyan siyang naka akbay sa akin .
Author: Bibitinin ko ulit haha! .
Ano nga ba talaga ang meron? May nararamdaman naba si Pareng Jungkook para kay Taelyn ? .
a. Oo
b. Oo
c. Pwede
d . Oo
At ano ba ang tungkulin ni Kumareng Spritee at sino ang kanyang makakalove team? .
Abangan! ........
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .