66

241 22 1
                                    

" Try this one " saad niya ng bigyan ako ng isang slice ng oreo cheese cake sa plato ko . " Ikaw ate , do you want this? "

" Abay sige , Ano ba iyan ? " tanong ni ate .

" Oreo cheese cake , ate " naglagay din siya sa plato ni ate bago naglagay ng kanya .

Kumain nalang kami sa isang restaurant dahil naabutan na kami ng tanghali kakatingin ng mga damit at kung ano ano .

" Party?! " saad ko ng sabihin niya kung saan kami pupunta bukas . " Anong klaseng party? Birthday ba? "

" Babagay ba kami dun gguk? Aba baka mayayaman lang ang pwede roon " si ate .

" Mukha naman tayong mayaman jin e " si kuya .

" Mukha lang pero hindi tayo mayayaman " si ate  

" Simple party lang iyon ate kaya wag kayong mag alala " saad ni Gguk sabay hawak sa kamay ko sa silong .

Nakaramdam naman ako ng kaba . Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa party na iyon . Minsan talaga itong kaba ko wala sa lugar e no . Malay mo birthday party pero sino bang may birthday ? Basta party ang pupuntahan . Mashado lang siguro akong nerbyosa . Kaka-kape ko talaga to .

Jungkook Pov

" Sir?!" salubong sakin ni Yoongi . Medyo gulat pa sya ng makita ako .

" Asan si Jimin? " tanong ko sakanya .

Sakto namang labas ng kapatid ko na nakasuot ng salamin . Mukhang busy din ito .

" Uii . Akala ko hindi ka papasok ngaun? " tanong niya .

" Well . Kakahatid ko lang kela Taelyn sa bahay nila " saad ko nangiti pa ako ng maalala ung buong nangyari kanina .

" Saan kayo galing? "

" Somewhere . By the way tuloy ang party mamaya .Yoongi can you go, andon si Taelyn . Isama mo siya bro "

" Of course " saad niya .

Sumama siya sa opisina ko . Tinanggal ko muna ung coat ko saka umupo sa swivel chair habang siya naman ay nakaobserbang nakatingin sakin .

" Tell me , Anong nangyari ngaung araw at bakit ganyan ka kung makangiti? " saad niya .

Nagkibit balikat lang ako . " Wala . Im happy because i feel comfortable to family of my wife "

" Sus . Maka wife akala mo talaga sigurado na " saka siya tumawa .

" Im really sure for this , okay? Papakasalan ko si Taelyn sa ayaw at sa gusto nila " saad ko habang nakatingin sa malayo .

" Ayuko .. " mabilis na sagot ni jimin habang nakaseryusong mukha .

Tinignan ko rin siya ng masama . Bkit ayaw nitong mokong na to na makasal kami? Huwag niyang sabihing gusto niya pa si Taelyn? .

" Bakit?! " saad ko habang nakakunot rin ang kilay ko . " Bakit ha? Gusto mo pa rin ba siya? "

" WHAHAHAHAUAHAHAHA " hagalpak ng tawa niya matapos kong sabihin iyon . " HAHAHAHAHA gago talagaHAHAHA"

" Uhm! Gago ka! " sabay bato ko sakanya ng pambura .

" Aray huh! Parang hindi kapatid ah" reklamo niya . Sapol kasi sa mukha ang gago . " Ano bang sinabi mo dyan? Hindi ko aagawin si Taelyn sayo , may pusa kaya ako " sabi niya . " Im happy and contented na , kaya lang naman ako nag komento kasi dapat ako ang unang ikakasal sating dalawa! Ako kaya ang panganay ! "

" Hoy! Kasalanan ko bang mashado kang mabagal tsaka pwede naman ikaw ang sumunod diba? "

" Hindi pwede yun! Sukob yun! " sigaw niya . " Teka nga bakit ba nauwi sa kasalan? Mashado kang advance "

" Wow coming from you jimina "

Taelyn Pov

" Ang ganda naman lahat ng binili mo " saad ni ate habang nilalabas niya isa isa ung mga damit na pinamili namin sa boutique kanina .

" Hindi naman ako ung namili nan , si Jungkook " saad ko habang nagsusuklay ng buhok . Kakatapos ko lang kasing naligo .

" Mahal ka talaga niya e no . Ano bang gayuma ung pinainom mo dun? " saad niya habang sinusukat ang ibang damit ko .

" Lol ka ate , hindi ako magpapaka desperada na magkagusto siya sakin yun no! saka bago kami nagkamabutihan nun e nakailang away muna o sabunutan ung naranasan namin sa isat isa " singhal ko .

" Yun na nga e , sa sobrang pag tatalo niyong dalawa , hindi niyo namamalayan pinana na kayo ni kupido sa sobrang atat niya na magkabati kayo " si ate , napaharap tuloy ako sakanya .

" Alam mo ate , sa tanda mong yan naniniwala kapa rin sa Kupido na yan " sabay tuloy ko ng pagsusuklay .

" Wala naman masamang maniwala bunso saka satingin ko ganun rin kami ni Joonie " saad niya .

Tumingin naman ulit ako ng nakakaloko . " Ikaw ate ah , hinay hinay abay atat pa naman akong magkapamangkin ngayon "

Pinukpok niya ako ng hanger sa ulo . " Sira mo . Pamangkin ka dyan ? E hindi pa nga nag aalok ng singsing ung lalaking iyon "

" Kakain na! " saad ni kuya pagbukas ng pintuan .

" Ano ba joonie ! katok ka muna kaya bago ka magsisigaw dyan " sermon ni ate .

" Kakain na kasi , baba na kayo habang mainit pa ang menudo " saad niya kaya naman kumaripas naku ng tayo .

Palabas na sana kami ni ate ng bigla niya kaming harangin . Tawa pa ako sa itsura ni kuya . Hindi pa siya nakakapag asawa yan pero napaka material husband na niya . Naka apron kasi siya tas may hawak pang sandok plus mo pang nakasando kaya naman napakamacho ng kusinero namin haha .

" Ano ung singsing na sinasabi niyo ? " tanong niya kaya naman nagkatinginan kami ni ate .

" A-ano - "

" Ah ! Kasi ready na kaming tubusin ung singsing na sinangla ni ate sa sanglaan " pagdadahilan ko .

" Ah ganun ba , kala ko kung ano na . Tara na kakain na tayo " saad niya .

Napatingin ako kay ate na maluwag na nakahinga . Ang gaga kasi niya mashadong madaldal amp .

Kumain na kami ng sabay sabay . Si kuya ang nagluto kaya naman masarap . Actually si ate ang nagturo sakanya . Hindi na nga siya umuuwi sa kanila sa totoo lang dahil madalas nandito siya . Anak siya ng mayor pero dito siya nakatira samin sa maliit lang na barong barong . Yan ang isa sa nagustuhan ko kay kuya .

" Bunso ung selpon mo , may tumatawag ata " sigaw ni ate . Iniwan ko kasing nakacharge yun sa sala . " Ako na rito mag hugas , sige na puntahan muna iyon at sagutin "

" Salamat ate " sabay punas ko ng kamay ko .

Kookie calling ...

" Hello ? " saad ko pero katahimikan lang ang naririnig ko .

" I miss you " saad niya . Natawa naman ako . Ano ba yern .

" Asan ka ba ah ? Haha "

" I miss you? " pag uulit niya . " Hindi mo ako namiss ? "

" Namiss shempre . I miss you kuneho " saad ko . Narinig ko ang pagtawa niya . Kinilig ang koya niyo .

" What do you want to eat later? " tanong niya .

" Huh? Pupunta kaba dito? " saad ko .

" Ayaw mo ba? Sige - "

" Mcdo! Ung Bts meal " sigaw ko . Baka mamaya magtampo nanaman ang bata .

" Good , Teka bakit bts meal? Kamukha ko naman ung isang member nila ah? Bakit hindi ba mas pogi ako ron? "

Natawa naman ako . " Ano kaba! Mas pogi ka ron huwag kang mag alala . Emotero talaga to . Sige na tutulong pa ako sa kusina kay ate "

" Sige , see you later . I love you until the end " sabi niya . Ay meganon ?

" I love you since 1993 " saad ko saka pinatay ang tawag .

Under Boss Where stories live. Discover now