" Welcome back Taelyn ! "
" Uy , Namiss ka namin . Welcome back "
" Hi Tae welcome back "
Makabati naman silang lahat sakin akala mo buwan na kung nawala ako e hindi pa nga nalingguhan . Pasalamat sila sinuyo ako ng amo nilang iritado lagi . Dapat lang no! Sa cute kung ito , di deserve ang masaktan .
" Wow , daming nakamiss sayo . Try ko rin ngang mag resign minsan kung ganyan din sasalubong sakin kapag bumalik ako " si Nica.
" Sige itry besh ng wala ka ng mabalikan " sabi ni Sana sabay tawa naming lahat .
Aminado akong namiss ko din pala ang Tinapay squad na laging gumigimbal ng buhay ko lagi dito sa opisina ko . Nakita ko pa si Lisa na mukhang natalo ng online sabong kung makapangalumbaba sa lamesa niya . Problemado yern? .
Bumukas ang elevator at nilabas ang timawa este boss namin . Naka charcoal coat ito at naka ayos ang buhok .
" Good morning boss " bati sakanya ng mga kapwa ko employee, bukod sakin .
Wala ako sa mood bumati . Hindi nalang ako tumingin at inabala nalang ang sariling kutkutin ung kuko ko .
Akmang lalakad na sana siya ng bigla siyang huminto sa tapat ko.
" Good morning Taelyn , welcome back " bati niya at bahagya pang ngumiti .
Nginitian ko naman siya ng parang ngiting aso .
" Ty sir " sabay irap .
" Ty? " tamo kala ko ang talino? Yan lang di pa malaman .
" Thank you kako boss " ngumiti ng kunwari .
Nag focus ako sa trabaho ko tulad ng pinangako ko sa sarili ko . Mag fofocus na po ako . Normal life lang , inaya ako nila Yoongi kanina na kumain sa cafeteria at pagkatapos ay umakyat narin sa itaas para tapusin ang trabaho . Pansin kong naging busy ang opisina ng bigla akong dumating kaya naman medyo napagod din ako . Minsan lang ako tawagin ni Jungkook kung may kailangan siya , tulad ng ' Ipaphoto copy mo yung ganto , kailangan ko kaagad ng pirma ni ganto . etc . Kaya naman magkanda hiwa hiwalay na ang katawan ko .
Sumapit ang gabi . Late nakung nag out sa office dahil may mga papel pa akong kailangang habulin bukas . Hindi ata inayos ni lisa ito simula nung nawala ako? Nanadya amputa! .
Pagbaba ko ng lobby bumati agad ako kay manong guard at nagpaalam na aalis na . Kukunin ko na sana ang selpon ko ng may biglang humarurot na sasakyan sa harapan ko .
" Ay Puke! " gulat ako ng biglang sulpot nito .
Binaba niya ang wind shield ng sasakyan niya at agad na binuksan ang pintuan sa mag shotgun seat .
" Sakay na " utos niya .
" H-Hindi na boss mag gragrab nalang ak-"
" Sasakay ka o papabugbug kita sa mga tambay dito "
" Sasakay na nga " sumakay agad ako sa sobrang takot ko .
Grabe naman siya manakot pero natakot naman ako . Hayst lumaki talaga akong uto-uto kahit kailan .
" Bakit hindi kapa umuuwi? " tanong ko . Wala ng boss dahil wla naman na kami sa opisina , bastusan muna kami .
" Kasabay mo lang ako" maikli niyang sabi habang nakatuon parin ang atensyon sa daan .
" Ah .. e paano ka bumaba ? "
Taka naman siyang tumingin sakin pagkatapos ng tanong ko .
" Lumipad siguro "pamimilosopo niya sakin . " Malamang may elevator na nakabukod sakin diba? "
Napakamot ako sa ulo ko ng bigla kong maalala na gold nga pala ung elevator nito . Bakit kaya siya di pa magmukhang gold? .
Tahimik lang kami sa buong byahe ng bigla niyang iliko ang sasakyan sa isang kainan .
" Bakit tayo huminto? " takang tanong ko .
" Kakain "
" Kumain naku " pagdipensa ko .
" Ako hindi pa " sabay baba niya sa sasakyan . Wala nakung nagawa kung hindi ay sundan siya .
Ibig sabihin pag nagutom siya dapat gutom din ako.? .
Pumasok kami sa restaurant na shempre pang mayaman ulit . Pagpasok nakatingin agad lahat ng tao samin. May sumalubong na isang babae , nang makita niya si Jungkok agad niya itong binigyan ng daan at itinuro ang magandang lugar saming dalawa .
Umupo kami sa mesang pangdalawahan na na katapat ng mga nag vaviolin na tatlong lalaki . Parang sa pakiramdam ko nasa isang palabas ako na nakikipagdate sa taong may gusto sakin pero parang baligtad yata .
Binigyan kami ng menu chart . Tinignan ko ang mga pagkain ganun narin ang presyo . Nalula agad ako ng makita kong napakamahal ng bawat putahe .
Steak? For 950? Puta .. pag kinain ko ba to tataba ba ako? Ano ingredients nito? Ginto? Silver? .
" Choose what do you want , I'll pay for it " seryusong sabi niya .
Medyo natagalan pa kami sa pagpili pero nauwi lang sa kung anong kinuha niya ay ganun rin ang akin . Nakakahiya kayang magturo lalo nat wala naman akong gastos .
Tumingin nalang ako sa mga tumutugtog . Maganda ang tinutugtog nilang musika .
Ikaw at ako by Moira .
Hinihuni ko pa ang lyrics sa isip ko dahil sa ganda ng pagkatugtog . Napatingin naman ako bigla kay Jungkook na nakangiti?
Bakit nangingiti to? Pinagtatawanan niua ba ako? Bigla naman siyang sumeryuso ng makita niya akong nakatingin sakanya . Tatanungin ko pa sana siya pero bigla namang dumating ung pagkain . Ang daming putahe ang nasa lapag namin pero isa lang ang alam ko , ung pork steak . Nagsalin ung waiter ng champagne sa wine glass saka kami iniwan .
Nagcut siya ng steak tsaka pinalit ang akin . Nailang pa ako para niya akong bini-baby sa lagay na to .
" Huwag muna akong titigan , kumain kana " sabi niya .
Hindi naku nagsalita pa kaya naman mas tinuon nalang ang atensyon sa kinakain ko .
" Aalis tayo tom , where to Cebu " sabi niya .
Agad kong kinalkal ang tablet sa bag para icheck sa schedule niya . Nang makita kong tama nga siya agad akong nahiya .
" Matagal tayo dun mga 4 days . Nakapaready kana ba? "
Nakapaready ? Ni hindi pa nga e kahit bagahe na gagamitin ko wala pa . Bakit ba nawala sa isip ko . Argg!
" H-Hindi boss nakalimutan ko . Akala ko next day pa e " sabay kamot ko sa ulo ko .
" Okay , iuwi kita ng maaga para makapag impake kapa maaga kitang susunduin bukas "
Ano daw? Tama ba pagkarinig ko? Susunduin niya ako? .
" S-Sunduin moko bukas? " he nodded .
Bakit? Pwede naman akong pumunta ng company ng maaga? Bakit kailangan nya pa akong sunduin ?
Tulad nga ng sinabi niya maaga niya akong hinatid sa bahay . Hindi na siya pumasok sa bahay dahil meron din daw siyang dapat ayusin . Pag kapasok sa bahay agad kong hinanap ang maleta ko . Jusko! Four days? Medyo marami rami ang dadalhin ko . At duhh! Cebu yun bii? First time ko thiss!
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .