47

264 24 13
                                    

Natulog ako ng maganda at gumising rin ako ng maganda . Omegesh .

" O, ayan na pala ang prinsesa natin e . Bunso! tara na dito kakain na tayo " si kuya na nasa lamesa na nag aayos ng mga pinggan habang ang ate ay nakatalikod na nagluluto .

Pababa palang ako ng hagdan amoy ko na ang niluluto ni ate na tapa na baboy .

" Bunso sasama kaba samin sa bayan? " si ate  

Nag isip pa ako bago ko sinagot ung tanong niya . Pag hindi ako sasama ano namang gagawin ko dito? Makipagkwentuhan kay badette na mukhang manigno? Iisipin lang ung malulungkot na naranasan ko ? .

" Sasama nalang ako ate hehe  . Kuya paabot nga ng sinangag " taka namang tumingin sakin si ate ng ilapag ang ulam saka tumabi kay kuya .

Sinabi ko na kasi sakanila kagabi ang tungkol sa pag alis ko sa trabaho akala ko nga ay bubungangaan ako pero hindi parang nalungkot pa ang dalawa kesyo daw pinagpustahan pa nila kami ng amo ko na si Jeykey kung magkakatuluyan daw ba kaming dalawa . Pweee . Ayuko nga sa babaero na tulad niya .

" Talaga bang wala ka ng balak bumalik sa trabaho mo bunso? "

" Wala na ate as in Waaallaaaaa! "

" Hayaan muna si bunso , Jin baka hindi niya bet ang trabaho dun "

" True kuya "

Ayuko sabihin sakanila ung totoong nangyari dahil kahit ako naguluhan sa nangyari dahil sa totoo lang wala naman talaga akong karapatan magdrama diba? Haysstt .

Nanlumo tuloy ako bigla pakiramdam ko busog na ako kahit isang subo palang ang nakakain ko . Bakit ganun no? Nakakawala talaga ng appetite ung pangalan nung boss ko na yun . Tsk .

" Tao po ! " sigaw ng nasa labas .

" Tao ba yun? " si kuya .

" Ay hindi joonie hayop , pukinangina ka tignan mo na nga lang kung sino iyon " si ate  

Tumayo naman si kuya at lumabas para tignan kung sino .

" Sino kaya iyon kay aga naman makichismis " sabi ni ate habang kumakain .

" Utak mo ate puro chismis " asik ko kay ate . " Malay mo bill natin yan sa kuryente "

" Ay oo nga no matignan ko nga maiwan kita saglit dyan kumain kalang "

" Mmm "

Umalis na nga rin si ate at naiwan ako sa hapag .

" Sige mag alisan kayo at pagbalik niyo wala na kayong ulam hehe" bulong ko at tinaas pa ang binti para kumuha ng magandang pwesto .

Sarap na sarap ako sa ulam ng biglang bumukas ang pintuan namin . Dahil nakatalikod ako hindi ko makita kong sino iyon rinig ko lang ang tawa ni ate .

"Naku! Ikaw lang pala gguk ang aga mo namang mamasyal, tuloy ka "

dO_Ob

Tama ba ung narinig kong pangalan?

G-guk?

Napahinto ako sa pagsubo at humarap sa likuran ko . Nanlaki ang mata ko ng magtama ang paningin naming dalawa .

Punyeta! ..

Agad akong napaharap sa hapagkainan muli at binilisan ang pagkain . Kinuha ko ang baso ng tubig ko saka nilagok .

Ambilis ng tibok ng puso ko!!!!!!

d>>>_______<<<b

Ano bang ginagawa nan dito? Nag resign na kaya ako sa company niya ? Bakit ba nandito pa siya? Wala naman akong utang sakanya ? Meron ba?

Under Boss Where stories live. Discover now