23

245 19 5
                                    

TAELYN POV .

Ang kapal' kapal ' kapal ' kapal talaga ng budhi , singit , bitlog nung Park Jimin na iyon .

Ano daw sabi niya kanina closure? Haha! E kung ung pantog niya kaya ung e 'close ko? . Tumataas altra presyon ko sakanya .

"AY PUNYETA! 7:00 NA! " naalala kong ngayon ko pala hihintayin ung kapatid ni Yoongi sa lobby . Agad akong bumaba . Bakit ang bilis ng oras no? Ung mga bawat sandali? .

Sa bagay . Ang bilis nga akong pinagpalit ng tsunano kong ex e . One minute , mahal na mahal niya ako tapos the next , iba na ang mahal ng walang'ts . Tas sunod naman lokohin lang pala ang lahat . Sana sa susunod na minuto, hindi na humihinga ang walang' ya .

Habang nakaupo ako sa upuan dito sa lobby pansin kong may humintong taxi sa gitna .

Paglabas may babaeng ubod ng puti . Nakasalamin ito at . What the! Yoongi! . Hindi naman ako namamalik mata? .

Hawig na hawig ni Yoongi . Malamang magkapatid , pero ang isang to e may salamin ,si Yoongi kasi wala .

Palingon lingon ito sa paligid . Feeling airport ah.  Pinuntahan ko kaagad siya at baka magtanong kong ano ang susunod na flight .

" Hello " sabi ko .

" Hello po ikaw po ba si Maam Taelyn ? " sabi niya . Abay kilala agad ako? Sus . Ganda ko talaga .

" Ako nga . Ikaw siguro ung kapatid ni Yoongi e no? "

" A' Opo ako po si Spritee . " sabi niya sabay yuko .

" Hi Spritee kapatid ni Coca cola este Yoongi " sabi ko . Bored din siguro nanay nito na magbigay ng pangalan sakanya . Ipangalan ka ba naman sa Soda? .

Sinama ko siya sa itaas tutal kapatid naman ni Yoongi . And you know? Hindi siya pinagkakamalang kakaibang tao dahil kamukhang kamukha niya talaga ang ate niya ' copy na copy . Pero ito medyo mahinhin hindi tulad nung isa parang laking peryahan .

" Ate! " sabay yakap niya sa ate niya .

" O' bunso kamusta ang byahe dito mula probinsya " sabi ni Yoongi .

" Probinsya pa pala galing yang kapatid mo? " sabi ko .

" Oo ngay! Bingi? " sabi pa niya . " Galing siya sa Pangasinan dun kasi ang lugar namin .. Oh? Kamusta ang lola? " sabi nito sa kapatid .

" Okay naman ang lola ate. Tamang tama ung mga pinapadala mo para sa mga kailangan nila ni Lolo . " sabi nito .

" Hi! Anong pangalan mo ? " tanong ni Sana .

" Spritee po "

" Hello Spritee , dito kaba magtratrabaho? " tanong ni Nica .

" A' Hindi po e . Mag aapply po ako ng nurse sa St. Benedict Ospital na malapit dito " sabi niya .

" Nurse ka pala? " tanong ko .

" Uhmm . Katas ng pagsisikap kong magtrabaho dito sa maynila ' Napagtapos ko sya sa kurso na gusto niya " sabi ni Yoongi .

Bigla ko tuloy naalala ung mga sakripisyo ni ate sakin dati , makapagtapos lang ako . Kahit na minsan mas pinipili ko nalang tulungan siya sa paglalako ng balot pero agad niya akong pinapagalitan dahil ayaw niya daw akong makitang humahawak ng ganun at mas gusto niyang papel at ballpen ang hawak ko . Kaya sabi ko . Sige mag weweting nalang ako tutal gusto mo naman palang ballpen at papel ang hawakan ko . Ayun piningot ung dalawang tenga ko, buti nga di naalis e .

" Yoongi ireve- What the fuck! Asan si Yoongi? Sino siya dyan sa dalawa!?" si jack na gulat na gulat sa nakikita niya .

" Ako ! Shunga . Ano nanaman iyan? " sabi niya sabay hila ng papel .

Under Boss Where stories live. Discover now