6

352 19 0
                                    

TAELYN POV

" Salamat Sir " ani ko habang pinagmamasdan niya ung bahay namin . " Haha! Pasensya na maliit lang ang mansyon namin kumpara po ng inyo . " ani ko saktong labas naman ng ate ko na may bitbit na bag ng basura .

" Oh bunso ginabi kana yata-" nabitawan naman agad niya ang basurang hawak niya ng makita niya si damuho .

" Magandang gabi " ani niya saka yumuko

" Ay kay gwapong bata . Sino iyan bunso? Ako nga pala ang ate niya . Manliligaw kaba ng kapatid ko?  " aniya saka nakipagkamay . Ano ba ate ! .

" Ah haha ako nga po pala si Jeon Jungkook -"

" Boss ko ate. Hehe Boss ko " ani ko kay ate na pilit na pinapapasok sa loob . Nagkatinginan naman kami ng jeykey .

" Akala ko pa naman ay manliligaw mo. Naku ! Halika muna at nagluto ako ng kare kare . Tamang tama ang dating niyo  at hindi pa ako kumakain " aniya saka hinila si jungkook paloob .

So ako naiwan? Ako ang kapatid oh? Hayssttt ate naman! Nakakahiya sa boss ko ! . Basta talaga gwapo nakakalimutan na ako .

Sumunod nalang ako sa loob at nakita ko ang ate ko na naghahain sa lamesa .

" Ate hindi ka pa pala kumakain? " ani ko dahil anong oras na .

" Alam mo namang hindi ako makakakain ng wala ka " aniya saka ko namang pinuntahan ang amo ko na nakaupo sa sofa .

" Ahmm Sir pasensya -"

" Maliit lang iyong bahay niyo pero malinis" aniya saka nilibot ang tingin sa  bahay 

" Halina kayo! " ani ni ate . Agad namang tumayo ang amo ko .

Nang nasa hapag kainan na kami ay umalingasaw ang amoy ng kare kare na niluto ni ate na sagana sa gulay .

" Ahmm Sir -" ani ni ate ng pigilan siya ni boss .

" Jeykey nalang po " aniya .

" Ah sige . Jeykey . Pasensya na at iyan lamang ang maipapakain namin sayo " ani ni ate .

" Okay lang mukha namang masarap " aniya at nag umpisa ng sumandok . Nilagyan ko siya ng kanin sa pinggan niya .

" Masarap iyan kapag ternuhan mo nitong homemade kong alamang " ani ni ate saka nilagyan siya sa pinggan nito .

Sumubo ito saka naman kami napatingin ni ate sakanya . Para tuloy kaming sumali sa isang cooking show tas siya ung manghuhusga sa niluto namin .

Nanlaki ung mata niya saka nag thumbs up na parang sinasabing okay ang pagkain walang lason . Chor .

" Ang sarap naman nito !" aniya saka sumandok ulit ng kanin saka ulam .

Habang kumakain kami hindi ko maiwasang matingin sakanya . Hindi ko akalain sa ganyang istado niya e kaya niyang makihalobilo sa amin na dukha lamang .

Kung titignan siyang mabuti napakapormal niyang tao . Napakalinis , mahihiya yatang dapuan ito ng halikabok o putik e sa sobrang linis .

Nang matapos kaming kumain si ate na ang naghugas dahil samahan ko na raw muna si Jeykey na pumunta sa labas .

" Sir salamat po ulit sa pag hatid " ani ko

" Gusto ko ulit ng kare kare ng ate mo pag papasok kana dalhan moko " aniya . Akala ko pa naman ako ang gusto chorr .

" Sige sir mag iingat po kayo " ani ko habang pasakay siya ng sasakyan niya .

Nang mapaandar niya ito bumusina siya para sabihing gogora na ako mahal ko . Joke .

Under Boss Where stories live. Discover now