45

238 23 2
                                    

Natahimik na lang ako dahil biglang pumasok sa isip ko yun mga sinabi ng mahadera at englisherang (ngayon lang !) konsensiya ko . NO. Hindi . Wala akong ginawang mali . Dapat lang talaga na iwasan ko si Jungkook at lumayo sa kanya ng tuluyan . Kailangan ko ng tahimik na buhay . Gusto ko maging normal na tao na walang iniintindi .

May nakita na akong tricycle na parating kaya mabilis tong panira . Mabuti naman huminto agad dahil kung hindi —edi hindi . Maghihintay na lang ulit ako sa susunod na  tricycle .

" San ka miss ? " tanong sa akin ni Manong Driver .

Tinignan ko siya habang tumutulo ang luha ko . " Manong may mga bagay sa mundo na hindi mo dapat tinatanong . Masasaktan ka lang sa maaaring sagot na makukuha mo " .

" Ha? Pinagsasasabi mo riyan? E, kung hindi ko tatanungin kung saan ka hindi kita mahahatid " naguguluhan niyang sagot .

" Chos lang , Manong . Sa kanto lang ako tapat ng Shoe -nga Factory . Akala ko kasi may sparks tayo ", sagot ko at umayos na ng pagkakaupo . " Chaka ni Manong . Kailangan niya magdasal nang taimtim " bulong ko sa sarili ko .

Habang umaandar ang tricycle biglang binuksan ni Manong Driver ang radio niya at tumugtog ang Bad Romance ni Lady Gaga . Maka-gaga pala tong si koya . Narinig ko pa siyang kumakanta at sinasabayan yung tugtog . Gaga ka talaga , Manong . Gaga ka .

Napansin kong unti unti nang humuhupa ang lakas ng ulan hanggang sa mawala na ito nang tuluyan nang punarada ang tricycle sa tapat ng Shoe nga Factory . Pagbaba ko ng tricycle, nakita ko pang kumidlat ng tatlong beses . Napabuntong hininga na lang ako sabay nagbayad na kay Manong Driver na fan ni Lady Gaga . Gaga ka , Manong .

Sumilip muna ako sa garden ni Ate bago pumasok ng bahay . Mabuti na lang nakatalikod siya at abalang nakikipag talk to talk sa halaman niya . Pag yan talaga nagsalita tamo maloka ng bongga yan si ate .Hindi muna ako nagpakita kay Ate dahil gusto ko munang mag emote sa kuwarto ko . Pagpasok ko sa loob ng bahay naabutan ko si kuya na nanonood ng movie sa sala . Napatingin siya sa akin at mukhang gulat dahil sa itsura ko .

" Hindi ba may payong ka . Bakit hindi mo ginamit bunso? " tanong ni kuya .

May mga bagay sa mundo na hindi mo kailangan gamitin . Yan sana ang isasagot ko sa kanya kaso huwag na lang . Malaki ang katawan ni kuya kaya huwag ako magjoke . Baka bigwasan ako bigla nito .

" Mababasa lang . Ang lakas kaya ng ulan kuya " sabi ko at mabilis na umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko .

Napatitig ako sa kabuuhan ng kwarto ko . Bigla akong nanibago dahil parang ang tahimik ng aura nito ngayon . Wala na yung jungkook na laging bumubulabog sakin na akala mo naman anlaki ng ambag sa buhay ko . Wala na yun dating atmosphere na kapag pumasok ako dito tatambad agad sa akin ang masungit na mukha ni Jungkook na nakahilata sa kama ko na para bang pagmamay ari niya ito kung humiga siya . Walang bahay e tangina . Bawat sulok ng kuwartong to parang nakikita ko si Jungkook . Wala nga kasing bahay yun kaya laging nandito iyon . Ewan ko ba bakit ang bilis niyang nakasundo si Ate at Kuya . Sa kama kung saan siya lagi nakahiga sa sahig kung saan siya natutulog minsan kapag hindi ako umaalis ng kama , saka yun picture frame ko na nakasabit na lagi niyang tinitignan at kapag sinuway ko siya bigla niya lang ako lalaitin at sasabihin kung gaano kapangit ung personnel niya . Ang kapal talaga ng mukha nun .

Nahiga ako sa kama at nag isip kung may maiisip . Naisip kong ang sama ko pala bakit ko ginawa yun? Bakit ba kasi ako umasa . Nagpadala sa damdamin .

Nagsisisi ka na ba? Namimiss mo na siya no? Bigla na namang nagsalita yun mahadera kong konsensiya . Kumakain pa siya ng hamburger at French fries habang nagsasalita . Ampota to . Saan niua kaya ninakaw yan? 'Hindi ko to ninakaw . Binili ko to . Chura mo . So anyway , alam kong namimiss mo na siya . Pero katangahan mo dahil nag emote ka ng bongga akala mo naman ang ganda mo tssk . Hindi mo manlang pinag explain ung tao na mukha namang nagsasabi ng totoo . For now , bahala ka sa buhay mo . Friendship over na tayo . Bye   Nag iimpake pa si gaga at tuluyan ng umalis . Puwede ba yun ? Sarili mong konsensya lalayasan ka? Ulol ka . Huwag ka ng babalik ! sigaw ko sakanya .

" Hindi ko siya namimiss! " sigaw ko saka nagtalukbong ng kumot .

" E , di hindi . Huwag kang sumigaw! " biglang may sumigaw kaya agad akong napatingin sa may pintuan .

Nakita ko ang kapitbahay kong bangkay na si Badette na nakatayo sa may pintuan habang hawak hawak niya ang pink na arinolang pinangalanan niyang cactas . Kita mo nga naman tong kapitbahay ko . Ang lamig ng panahon ngayon dahil kakaulan lang ng malakas kanina pero ang suot ng impakata super duper ikli na short na makikita na ang kuyukot niya at hanging blouse na kulay pink . Yun mukha niya as usual nakamake up na naman . Tutulog na nga lang nagmakeup pa . Ano ? Para pag hindi na nagising diretso kabaong na? Mukhang nagmasa na naman siya ng harina sa mukha niya ngayong gabi .

" Bakit ka nandito? " taka kong tanong sakanya .

" Wala lang . " nakakairita niyang sagot . " Umiiyak ka ba? Ang pangit mong umiyak "

" Buti ako pangit lang kapag umiiyak e ikaw pangit na talaga kahit hindi pa umiiyak " bulong ko .

" Ano!?"

" Wala sabi ko ikaw ang pinakamaganda kong pinsan sa lahat " sabay ngiti ko sakanyang plastikan.

Humagikgik naman ang gaga . " I know right . Hihihi  .  Ikaw naman ang pinaka ayaw kong pinsan "

Good . The feeling is mutual . Puwede ka ng bumalik sa panaderya mo .

" Ano bang kailangan mo? " muli kong tanong .

" Gusto ko lang ipakasal si Cactus mo rito kay Baby Cactas ko " sabi niya . " Sabi kasi ni Baby cactas ko , crush niya daw yang arinola mong panget e " Itinapat niya sa mukha niya yung pink niyang arinola . " Para sa baby cactas ko gagawin ko ang lahat . I love you baby " Hinalikan pa nga ni gaga ang arinola . Yack .

Mukhang na sobrahan na at umabit na sa utak ng gaga na to yung eyeliner niya kaya kung ano ano nang pinag iisip niya . Sinong matinong tao ang kakausapin ito? At may matinong tao ba na ipapakasal ang dalawang arinola? Buti nalang hindi ko iniihian tong binagay na arinola ni ate sakin kung hindi kanina ko pa pinainum sa babaeng ito ung ihi ko . Mga tao sa baranggay na to mga nahihibang na .

" Hoy! Tinatanong kita! Ipakasal natin silang dalawa " sabi niya at nakapamewang pa .

" Baliw ka na Badette ! " sagot ko . " Lumabas ka na at magpapahinga na ako "

" Hoy! Tinatanong kita! Ipakasal natin silang dalawa " sabi niya at nakapamewang pa .

" Baliw ka na Badette ! " sagot ko . " Lumabas ka na at magpapahinga na ako " 

Tinulak ko siya palabas ng kwarto ko dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya . Para akong nakakakita ng clown na mamamatay tao . Tsk .

Lumabas ako at nagpasyang bumili ng pagkain sa labas nakita ko pa si ate na nakikipaglandian kay kuya

Wow yan naba iyon? Yan naba ung sinasabi niyang walang label? Kung magharutan parang hindi na sisikatan ng araw ah? Harot yarn? .

Hinayaan ko nalang silang dalawa dahil matatanda naman na sila .

Habang naglalakad ako sa kalye biglang nagtindigan yung balahibo ko sa likuran . Parang may isang pares ng mga mata na nakatitig sa akin mula sa hindi kalayuan at pinagmamasdan akong maglakad . Paking shet . Bigla akong natakot . Masyado pa namang tahimik at mahina ang ilaw ng poste na nagsisilbing ilaw sa daan .

" Taelyn "

" Ay puki sa mukha ni Jiminie! " gulat kong sagot saka napatalon pa dahil sa mat tumahuwag nang pangalan ko . Agad agad akong napatingin sa likuran ko at nakita ko si Jimin na nakagayo at nakatingin sa akin ng seryuso . " Hindi pala puki . Siopao pala ang nasa mukha ni Jimin . Oh , anong kailangan mo't gabi na nasa galaan kapa? Saka bat ka nandito? " masungit na sagot ko sa kanya at may bonus pang pang iirap .

Under Boss Where stories live. Discover now