Muli akong naglakad palabas ng company . Lalabas na nga lang ako narinig ko pa muling nagtawanan yung mga hinayupak na tao na nakakita sakin kanina . Mukhang hot topic pa din sa kanila ang aksidenteng pagkakalagapak ko sa sahig dahil sa pesteng bato na yun . Nakakagigil . Anong karapatan nilang pagtawanan ang katangahan ng isang tao? Sino ang nagbigay ng karapatan sa kanila ? Kala mo gold sila. Gold kayo? .Kasama pa sa tumatawa ung mga barkada ni Tsunano . Mga mukhang alipunga naman .
Nung nasa may labas na talaga ako ng company .Humarap muna ako sa mga kasama ni Tsunano na lalaki na kung makatawa e akala mo wala ng bukas .
" Hoy! " sigae ko sa kanilang lahat . " Ang papanget niyo ! Ulol kayong lahat! Lalo na yang kasama niyong blonde ang buhok ! ", Nag dirty finger pa ako sa kanilang lahat gamit ang dalawang kamay ko saka dumila . Napatigil silang lahat dahil sa ginawa ko at bakas ang pagkaloks sa mga mukha nila . Akala nila kaya nila ako , ha . Napatulala lang ako nang makita ko si Jimin na nakangiti sa akim na para bang natutuwa sa ginagawa ko . Muli ko nga siyang inirapan . " Panget mo, Tsunano " bulong ko sa sarili ko .
In all fairness ang guwapo ngayon ni Jiminie , ha . Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na namang magsalita ang konsensya ko . What? Ang guwapo naman talaga niya , diba? Bitter ka lang kaya sinasabihan mong pangit siya . Hindi ko na lang pinansim ang malandi kong konsensiya sa binubulong niya sa akin dahil , somehow totoo naman yun sinasabi niya . Hindi namam pangit si Park Jimin or Jiminie for short e .Sadyang bitter lang talaga ako sa panloloko niya .
Akala ko ba si Jungkook ang guwapo sa paningin mo? Tanong ko sa konsensya ko hanang naglalakad ako sa kalsada malapit sa dagat . Guwapo naman talaga si Jungkook , girl . Pang Greek mythology ang kakisigan ng lalaki na yun . Pero syempre papansin ko pa din yyn itsura ni Jiminie . Yun ang unang lalaki na iyong minahal e . Ngumiti at kumindat pa ang gaga sa akin . Nag ikot nalang ako ng mata dahil sa sinabi niya . Malandi talaga kahit kailan to . Baka konsensya to ni Cindy at hindi akon , ha . Ang landi e .
Napahinto ako sa paglalakad at inikot ang paningin ko sa buong karagatan . Wala na masyadong tao na nagkalat ngayon . Yun araw palubog na at ilang sandali na lang magdidilim na din . Biglang umihip ang isang malamig na hangin . Niyakap ko ang sarili ko at napapikit nang maalala ko yun nasaksihan kong kalandian ni Jungkook sa loob ng opisina ni Jimin . Hindi ko naman naiwasan na bumigat ang dibdib ko at naluha na naman ako . Bumagsak na naman ang luha mula sa mga mata ko .
Naglakad ulit ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon . Ayoko munang umuwi dahil tiyak wala pa ako sa mood para sabihin ito kay ate at baka makita ko lang si badette . Baka maitaob ko lang yung batya na may tubig sa labas namin at itapon sa mukha niya dahil sa nararamdaman ko . Palakad lakad lang ako sa buong dalampasigan , bumaba ako sa baba para maramdaman ko ang tubig mula sa dagat , mukha akong tangang umiiyak . Kahit anong punas ko sa luha ko hindi parin nauubos ang luha ko .
" Ano ba? Buwisit nsman kayo e . Bakit ba kayo nagsisilabasan? " sigaw ko sa sarili ko habang pinupunasan ang sarili kong luha . " Hindi niyo naman dapat iyakan yun . Walang nakakaiyak sa nakita niyo . Nakakadiri lang , okay? " pag kumbimse ko sa sarili ko pero wala ding silbi . Mas lalo lang akong naiyak .
Nasa tapat na ako ng isang malaking bato at umupo dito . Medyo tago tong lugar na to dahil nasa malayong parte na to ng tulay kaya free akong mag emote dito . Inilapag ko ang bag ko at sumalampak sa buhangin .Niyakap ko pa ang sarili kong tuhod at binabaon ang sarili kong mukha saka umiyak na lang ng umiyak . Akala ko ba kapag nailabas ko ang emosyon ko gagaan ang pakiramdam ko ? .Bakit mas lalo atang bumibigat ang pakiramdam ko sa bawat luhang tumutulo ? .
Sinungaling ka , Jungkook . " Napapikit ako at muling bumalik sa alaala ko yun nakita ko kanina . Tangina naman e . Bakit ba kasi patuloy ko pa din yung naalala . Sana , may magic nalang ako . Sana may memory magic nalang ako para agad kong nakalimutan yun nakita ko .
Siguro nasasaktan lang ako ngayon dahil nagmukha akong tanga dahil kay Jungkook .Naniwala kasi ako sa mga sinasabi niya e . May pa ' Im not gonna leave your side at ' I'll protect you no matter what pang nalalaman ang hinayupak na yun . Pero anong ginawa niya? Nakipagmeeting lang saglit nakipaghalikan na siya sa ibang babae . Asan siya ngayon ? Hindi niya nga naprotektahan ang damdamin ko sa nakita ko e . Bwisit siya . Next siyang buwisit sa ex -boyfriend ko .
Huwag kasing aasa ng sobra . Para hindi masaktan ng bongga . Pag comfort sakin ng konsensya ko .
" Kasalanan ko ba kung umasa ako ng sobra , ha? ' Eto kasi ang problema sa isang babae , e . Sabihan lang ng mga sweet words ng isang lalaki maniniwala na agad . Hindi na ako nadala tapos sa isang babaero pa . Naloko ns ako ng isang beses at eto na naman naloko na naman ako . Eto ba ang misyon ko sa mundong to? Ang gawing tanga ng isang lalaki? " pagsasalita ko sa sarili ko . " Tangina nilang lahat – except sa tatay ko na tahimik na sa heaven . Ang kakapal ng mga mukha nilang kunin ang tiwala ng isang babae pero sasaktan ng kung ano-ano para hindi kami agad nag aassume . Huwag nila kaming babanatan na ang assumera namin dahil kung hindi dahil sa mga sinasabu nila hindi kami aasa . Ano tingin nila sa tulad namin? Isang robot na pwede nilang paglarua ? Mga ulol pala sila e . May feelinhs kaya kami " . Napatigil lang ako sa pagsesermon ko sa kawalan nang barahan ng sipon ang ilong ko . Baka ngongo na ang masabi ko kaya tama na .
Nasasaktan ako dahil sa mga pinangako sa akin ni Jungkook . Mga pangakonh hindi man lang tumagal ng isang buwan . Mabuti pa nga si Jiminie e . Tumagal ng dalawang taon . Pero siya isang linggo lang . Mas masahol pa siya sa ex-boyfriend ko .
Hindi na rin kasi ako nadala e . Bakit ba kasi ang hilig ko maniwala sa sinasabi ng isang lalaki? .Pinalaki ba talaga akong uto- uto ng mga magulang ko? .
Ang bigat ng damdamin ko ngayon . Pero bakit pati puso ko nasasaktan . Jungkool ano ba tong ginawa mo sa akin punyeta ka? Ang sarap mong bayagan ng ilang ulit para maramdaman mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .