" So totoo ba lahat ng pinagsasabi mo kanina , Jungkook baka isa nanaman yan sa palabas mo para hindi ka makasal ? " si Mrs . Win .
" Naku ho , mawalang galang lang . Kung hindi niyo po nalalaman ang anak niyo po ay laging nasa amin at kinukulit itong kapatid ko " saad ni ate .
" Totoo lahat ng sinabi ni Gguk , Mom . Their both love each other kaya stop this kind of plan . Were not a kinds now! " si Jimin .
" Win pakinggan mo ang mga bata . Kahit ako ay hindi sang ayon diyan sa plano mo sakanila . " saad ni Mr. Sarawat . " Ipapakasal mo sila sa taong hindi naman nila ginusto? Mahirap yun . "
Natahimik lang si Mrs. Win at tumungin saming lahat . " Ikaw Jimina , umamin kana rin alam ko namang may gustong lumabas dyan sa bibig mo "
" Mom.. "
" Si kuya at yung babaeng ubod ng puti na nasa likuran niya ay girlfriend niya na ngayon "
Nagtaasan ang dalawang kilay ni Mrs . Win at mukhang naguluhan . " Alin sa dalawa? Yung maikling buhok o ung mahaba? ."
Napatingin kami sa likuran . Ay boba . Dalawa pala silang magkapatid na nasa likuran niya .
" Ay maam akin po ang isang pusa " si kuya hobi ng akbayan si Spritee .
Binigyan ko ng makatanungan na tingin si Spritee ng magsagi ang tingin naming dalawa .
Tumayo si Mrs. Win saka ako niyakap . Hinawaka niya ang dalawang kamay ko saka ngumiti . " Finally! . May babae nang magmamahal sa isa sa mga anak ko " sabay hawak niya sa baba ko . " At ikaw pa Taelyn . Ang taong pinagkatiwala namin ng matagal sakanya " nahiya akong bumawi ng yakap sakanya .
" Thank you po Mrs. Win "
" Oppss! Just call me Mom na or kung mahirap pa pwede namang Tita " saad niya . Ano ba ito napakaakward .
" Ikaw , gguk umayos kana huh? " saad ng daddy niya .
" Of course dad " saad naman nito .
" Kelan ang kasal? " si Mrs . Win . Nabilaukan naman si ate sa bigla .
" Susmaryusep bakit po kasal agad? " si ate .
" Ay sorry . Haha . Mashado lang akong nadala ng excite haha "
Grabe maexcite to kung ano ano ang nasasabi . Pangit to sabihan ng plano . Char . By the way parang bet ko ang Mommy . Char . Assumengera nanaman ako .
Nag usap lang kaming lahat about sa nangyari . Humingi narin sila ng pasensya sa pamilya ni Lisa . Nalaman din nilang nagsinungaling ang anak nila sa kanila . Sinabi raw nito na nagmamahalan sila ni Jungkook . Si Jungkook naman ay nagpaliwanag sa nangyari na walang anumang singkong duling ang namagitan sakanila . Hayst poor lisa .
May kinausap lang sila ate kasama si Gguk kaya naman naiwan lang akong mag isa sa living room ng kwartong tinuluyan namin kanina . Sinumpong naman ako ng bored kaya naisip kung lumabas at pumunta sa harden ng resort .
Kita ko ang ibat ibang bulaklak at halaman na mabuting inaalagaan ng mga tauhan dito . Napatingala naman ako sa kalangitan na punong puno ng bituin . Siguro masaya ang inay at itay ngaun . Hayst . Kamiss sila sobra pero ayaw ko munang mag join sa kanila .
" Nay 'Tay masaya kayo no? Haha. Grabe kayo ah! Hanggang langit umaabot ung chismis sakin " sabi ko . Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng may marinig akong umiiyak . " Hala! Nay ! umiiyak na kayo ngayon? Ang bilis naman, tinotoyo ka siguro nay " saad ko pero habang palapit ako ng palapit mas lalong lumalakas ang iyak .
" Jusko ka nanaman! Lisa manoban! " gulat ko ng makita siyang nasa sulok na umiiyak . " Jusko ka! Nakaputi ka pa naman! Ano bang iniiyak iyak mo dyan? "
Tumingin ito sakin . Gulat ulit ako ng makita ang itsura niyang magulo . Nagkagulo gulo na ang makeup niya sa mukha kaya naman lumapit ako sakanya para ibigay ung panyo ko . Kahit naman anong sama ng tao nangangailangan din ito ng taong iintindi sakanya .
" Malinis ba ito ? " tanong niya .
" Oo ! Chaka ka ! Sige mag arte ka . Akala mo ang ganda mo sa itsura ng mukha mo ngaun daig mo pa kakain ng tao " sermon ko .
" Salamat " mahinahon niya sabi . Para tuloy akong nabingi . Aba mabait din pala siya e bakit hindi niya gawin kaya ng araw araw yan . " Bakit ka pa lumalapit sakin? Diba napakasama ko ? "
Ganun ba tingin niya sa sarili niya . Hayst . Mga tao nga naman . Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya .
" Alam mo Lisa , hindi ako pinalaki ni itay at inay na magtanim ng sama ng loob sa mga naka alitan ko , katulad mo " saad ko sakanya . " Alam ko naman na kaya mo pang magbago . Tsaka nadala ka lang sa nararamdaman mo kaya nagawa mo itong bagay na ngaun "
" Ibig sabihin hindi ka galit sakin? " tanong niya .
" Ahm slight . Haha . Buti nga e hindi ko sinabunutan yang bangs mo hehe " napahawak naman siya sa bangs niya .
Napatagal din ang pag uusap naming dalawa ni Lisa hanggang sa humingi siya ng kapatawaran sa kasalanan niya . Mukha naman siyang sincere kaya i accept her apologize . Wew . Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Hindi lang siguro ako magpapatawad kung sing taas ng gulay na binebenta namin sa palengke ung naging kasalanan niya sakin .
kaya take note :
Matutong magpatawad kung ang bagay na nagawa ay maliit lamang . Huwag isa puso ang galit kung madadaan naman sa masinsinang usapan .
Pero kung pumapalag mas mabuting upakan mo nalang . Charot .
Bumalik na ako sa loob . Nadatnan ko naman agad si Jungkook kasama sila ate at ang iba pa . Nakita ko rin si Jack , Nica at Sana .
" Aba. Tignan mo nga naman . Dating taga hatid lang ng kape ni Boss ngayon mapapangasawa na " si Jackson .
" China oil ! " si Nica .
" Hashtag manunulot ng amo " si ate .
" Mga ungas talaga kayo ah by the way ate ko nga pala si Ate jin saka boyfriend niya si Kuya namjoon "
" Hi ate jin ako nga po pala si Nica tas ito naman po si Jack at Sana mga katrabaho po ng kapatid nyo hehe "
" Abay magaganda at gwapong ang mga tauhan mo gguk " saad ni ate .
" Your always right ate kaya napili ko ung kapatid niyo " sabi niya habang nakaakbay sakin . Nagtilian naman ang lahat .
" Ehem * Nanahimik ang isa dyan palibhasa nakasungkit din ng kapatid " si Nica .
" Uii . Enebe nemen keyo ! " si Yoongi .
" Pabebe talaga tong batang to! " si ate . Kaya naman nagtawanan kami .
" Doc congrats may pusa kana rin " si Jimin .
" Sino ba yang pusa na sinasabi niyo ? " tanong ko dahil kanina pa ako naguguluhan .
" Silang dalawa " sabay pa na sabi ni Jimin at kuya Hobi .
Nagtilian nanaman ang lahat . Jusme mga mahaharot .
" Nakakahiya naman dito puro may partner " si jack .
" Tayo nalang jack , chochoosy pa yan? " si sana .
" Kadiri ka Sana! Hindi tayo talo owkey! Duh!! " pandidiri ni Jack .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .