" Bilisan mo naman , Ambagal "
Mabagal pala ah .
" Ah mabagal? " iniwan ko ang maleta niya sa gitna ng airport saka ko dinala ang maleta ko .
Pakialam ko kung pagtinginan sya ng maraming tao .
" Hoy! Bakit mo iniwan ung akin! "
Binelatan ko siya saka sumakay sa sasakyan na sumundo samin . Tumingin pa sakin ung guard nung sumakay ako sa sasakyan .
" Oh? Tingin tingin mo? Asawa ako nun! " turo ko kay Jungkook na hirap na hirap hilahin ung bagahe niya .Ano bang kinarga niya dyan? . Ginto? . Tawang tawa nman ako
Nang makita ko siyang papunta na sa sasakyan agad kong sinara ang pinto kung saan ako nakaupo .
Pagbukas ng pinto sa kabila sumalubong agad ang masama niyang tingin sakin . Shempre hindi ako natakot . Ako pa ba? .
" Aray!!!! " hinila niya ung buhok ko . Punyeta siya . Bakla ba ito? Bakit nanabunot .
Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa abutin ko ang buhok niya para sabunutan din . Shempre babawi din ako . Ayukong maapi .
" Ouchhh! Arrgghhh! Taelyn! Bitawan moko! " sabay sabunot niya din sakin . Grabe parang matatanggal na yata anit ko .
" Araaayyyy! Bitawan mo rin ako!!!! " sigaw ko .
" Tanginaaaa!!!! " sigaw niya .
" Tanginaaa ka rinn!!! "
" Mam! Sir!" sigaw ng driver namin kaya naman napahinto kaming dalawa pero hindi parin natatanggal ang mga kamay naming nakasabunot sa uluhan .
"Hindi ko akalain na ganyan pala ang bonding niyong mag asawa . Ang mag physicalan "
" Sinong mag asawa!? " tanong ni Jungkook .
Patay na .
" Kayo po " turo niya saming dalawa . Nagkatinginan naman kaming dalawa saka dumistansya . Buti nalang hindi sinabi ni Manong na ako ang nagsabi sakanya nun . Edi sasabihan nanaman ako nito na assuming .
" Hindi no! " pagdepensa ni Jungkook .
Arte naman nito . Akala mo naman gold ! As if naman na gusto ko siyang maging asawa . Duh!!
Bakit ba mashadong mapaniwalain itong si Manong driver . Pag sinabi ko bang anak ko si Jungkook maniniwala din siya?. Shunga .
Agad naman akong humiwalay at inayos na ang buhok . Gago to ang sakit ng anit ng buhok ko . Pag ako talaga napanot, papawax ko pubic hair nito .
Sa tagal ng binyahe namin mula manila hanggang cebu e ganun din katagal namalagi ung ihi ko na matagal kong kinimkim . Mukhang anytime sasabog na tong pantog ko . Bakit ba hindi ko muna naisipang mag cr kanina nung nasa airport pa kami . Halimaw talaga tong lalaking ito , .Tapos nagsabunutan pa kami nitong timawa nato . Lumingap ako sa gilid ng mga compartment ng sasakyan baka may mga bote ng tubig dito na pwedeng ihian . Char .
" Bakit ba kanina kapa hindi mapakali diyan? " tanong niya sakin . Napapansin niya pala ako . Akala ko puro tablet lang ginagawa niya . Napatingin tuloy ako sa tablet niya . Akala ko naglalaro siya ng candy crush pero puro sulat lang ung nakikita ko .
Nahihiya akong sabihin sakanya pero puputok na talaga ang pantog ko . Kailangan ko ng sabihin kaysa naman maihi ako dito edi nangamoy mapanghi kami . Lumapit ako sakanya at bumulong .
" Pangit mo "
"What?! " bigla siyang napalayo sakin . Hinatak ko ulit ung tenga niya
" Naiihi naku " mukhang narinig naman niya . Sana nga kung hindi walang silbi ung tenga niya baka may tulok siya pag di niya narinig .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .