65

239 22 0
                                    

" Palit " sabi ni Jungkook ng makita niya ang pang dose ko ng palit na damit .

Napairap nalang ako sakanya habang siya naman ay bumalik na sa pagbabasa ng magasine . Gigil na gigil ako sakanyang tumingin .' Ano bang plano nito? Balak ba niyang ipasuot sakin lahat ng damit dito sa shop na ito . HAyst .

Bumalik agad ako sa fitting room at humilata sa may sofa na nasa loob. " Argh! Pagod naku . Huhuhu "

" MAam ok lang ba kayo? " nakakalokong tanong sakin ng sales lady na kasama ko sa loob .

" Sa tingin mo ok lang ako ? Kaloka ka . Hayst Jeon Jungkook! "

HAbang nagdradrama ako sa gidle e may babaeng maganda naman ang pumasok sa loob . Kapansin pansin sa itsura niya ang may lahing espanyol dahil narin siguro sa ilong . Nakasuot ito ng puting hapit na back dress . Kinausap niya ung babaeng kasama ko kanina bago siya lumapit sakkin at kumaway . Luh? close kami? .

" Hi , your Taelyn right? " tanong niya sakin . Inisip ko muna kung ako ba talaga ung kinakausap niya pero sa malamang ako , wala naman na kaming ibang kasamang dalawa or else may nakikita siyang hindi ko nakikita .

" O-oo ako nga po "

" Great!" biglang sIgaw niya . Pumalakpak pa nga , medyo may sayad din tong babaeng to . Siguro nakaka-energetic talagang pakinggan ung pangalan ko .

" My name is Stellar the owner of this shop , nice to meet you soon to be Mrs. Jeon " sabi niya saka siya nakipagkamay sakin .. Bigla tuloy akong nahiya sa lambot ng kamay niya , samantalang sakin akala mo kargador ng bigas sa palengke ung tigas .

Pumalakpak siya tsaka lumabas ung tatlong babae sa pinto dala ung mga nakahanger na mga damit . Nakakaintriga ung pasok ng tatlo , tinalbugan ung dancer ni kuya will . ' Yeah! Bigyan ng panty yan !.. Char .

Inikot niya ako ng ilang beses hanggang sa mahilo ako . Para akong sumakay ng ilang beses sa roller coaster . Hanggang sa ipasuot niya sakin ang isang dress na umaabot sa sahig ang haba na kulay maroon na may slit kaya paexpose ang legs ko nito  . Manipis lang ung strap nito kaya naman parang kinakabahan akong suotin ito na kapag isang kamaling apak ko sa damit ko tyak makikita ung kapatagan ko .

" Perfect ! " sigaw niya ulit . Bingi ba ito? . Inikot ikot pa niya ako .

" Tama na po ung ikot baka makita ko na ung buong solar system sa sobrang giliw niyong ikot ikutin ako hehe " saad ko . Puta . Gusto ko lang naman mamili ng damit pero parang nakagala naku ng EK sa kakaikot sakin ng babaeng ito .

" Sorry . Hihi . Ang ganda mo kasi para kang manikang buhay " saad niya . So manika? Kaya pala ilang beses ako inikot ng gaga .

Lumabas ako saka napatingin pa sa suot ko hanggang sa makita ko si Jungkook na titig na titig sakin . Hindi ung titig na kala mo manganganib na ung buhay mo , kung hindi ung titig na parang ako lang ung babaeng nakikita niyang cute sa buong universe . Eheee enebe nemen.

" What can you say to your wife , Mr. Jeon " saad ni Stellar habang nasa likuran ko .

Marahan niya akong pinaikot saka pinakita ang likuran ko .

" Ano? Tulala nalang ba? Comment naman dyan! " saad ko ng tulala parin ang lalaking kuneho .

" Go- Gorgeous baby " saka siya ngumiti . Napansin ko rin na namumula ung mga tenga niya .

Nag iwas ako ng tingin . Nahihiya ako e hehe . Inilahad niya ung kamay niya sakin saka yumuko . Ay . Enebe para akong princess sa isang fantasy nito e .

Inabot ko ang kamay niya sabay hawak niya sakin sa bewang . Ngumiti ito . " Hindi ka nakakasawang titigan , Tae "

Nag iinit ang mukha ko sa sinabi niya at hindi napigilang mangiti . Niyakap niya ako kasabay ng paghagod niya ng buhok ko sa likuran .Nakasandal ang mukha ko sa dibdib niya kaya naman rinig ko ang bilis ng tibok niya , sumasabay sakin . Mahahalata mo talagang inlove kami sa isat isa . Shit . Sinamantala ko siyang amoy amuyin hanggang sa masinghot ko narin siya . Char .

Binili namin ung damit na sinuot ko kanina , may iba pang damit na binili pero sa bahay ko na siguro itry .

Papunta kami sa gawi nila ate habang magkahawakan ung kamay naming dalawa .

" Ganda mo talaga Jin my love so sweet " pamumuri ni kuya kay ate jin .

Nakasuot si ate ngayon ng fairy pastel pink satin dress . Makikita talaga ung shape ng katawan niya sa suot niyang ito . Mukhang tuwang tuwa naman si ate , bukod sa favorite color niya ung kulay ng damit e bagay din sakanya .

" Napakaganda ng damit na ito . Mashadong pino at mukhang mamahalin ang tela " saad niya .

Magkatabi naman si Kuya at Jungkook na nagbubulungan . " Bayaw , pari nalang ang kulang " bulong ni Jungkook kay kuya .

" Sira ka talaga , pero ok yan sana pala nagsama na tayo ng pari ngayon " saad ni kuya .

Natawa nalang ako habang ako naman ay pumapalakpak sa tuwa habang tinitignan si ate . Nakapamili na ang lahat kaya naman lumipat kami sa malapit na mall at pumasok sa boutique na bilihan ng mga suit ng mga lalaki .

" Try mo nga itong itim na may gray , kookie dali " utos ko sakanya habang namimili kami ng mga suit niya. " Anong ginagawa mo? " tanong ko ng hubadin niya ung suot niyang jacket .

" Magbibihis , diba sabi mo itry ko ? " aktong maghuhubad na siya ng pigilan ko .

" Ay ! Ay! Ano kaba!? Ang aga gusto munang magpakita ng monay . Mamaya pa ung meryenda time "

" Huh? "

" Dun ka magbihis sa fitting room! Ano kaba! " singhal ko sakanya .

Kaloka talaga siya . Etong mga sales lady naman kung makatitig akala mo huhubaran na e . Respeto naman sa asawa o? .

" Ano ba yang mukha mo bunso? Bakit ba nagsisigawan kayo ni gguk? " si ate na mukhang tapos na silang mamili ng isusuot ni Kuya .

" Wala ate  . Nakapili na ba kayo? "

" Oo bunso , si ate mo ung namili . Eto oh " napatingin ako sa hawak niyang coat . Kulay abo ito na LV ang tatak . " Ayuko sanang bilhin pero maganda daw e "

" Sabhin mo pabebe kalang " si ate .

" Jin naman " si kuya .

" Oh! Ung nobyo mo bunso " saad ni ate . Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa may salamin .Nakatalikod pa ito pero alam ko naman na si Jungkook iyon . Likod palang no saulo ko na siya .

Humarap siya sakin saka ngumisi . Hindi ko naman mapigilang mangiti . Bagay sakanya ung napili ko . Sapat ung sukat ng damit sa katawan niya kaya naman napaka sexy niyang tignan ngaun .

Napataas ang dalawa kung kilay saka nagpigil ng ngiti . " Bayaw ang gwapo natin Haha . Aray-"

" Sige mag ingay ka pa! Nakakahiya ka talaga joonie " saad ni ate ng batukan niya ng malakas si Kuya .

" Thank you bayaw " saad niya . Mukhang nasasanay na siya sa kakasabi ng bayaw ngayon . " Baby ano ? Bagay ba sakin ung napili mo ? " sabi niya bago umikot .

Lumapit ako skanya . " Gwapo ka naman e pero ung pagkakalagay ng necktie baligtad " saad ko saka inaayos ang necktie niya sa leeg .

Ngumiti siya habang inaayos ko ang necktie niya . " I love you love " bulong niya saka hinalikan ung noo ko .

Napapikit ako sa lambot ng labi niyang dumampi sa noo ko . " I love you so much love "

Ang ganda ng moment naming dalawa ng marinig ko si ate na gumagaralgal na sa harapan namin habang si kuya naman ay nakangiting nakatingin saming dalawa ni Gguk .

" Ate? " tawag ko .

" Hindi ok lang ako " sabi niya at pinunasan ung luha sa mata niya . " Hindi ko lang matanggap na baka balang araw makasal kana bunso . Huhuhu . " yumakap siya kay kuya .

Hayst . Ayan nanaman si Ate . Basta talaga usapang kasalan hindi niya maiwasang mag emote .Pero kung sakaling ikasal man ako , sisiguraduhin kong malapit parin ako kay ate dahil hindi ko kayang mamuhay ng wala siya . Kahit na minsan masarap talaga siyang kabardagulan . Chos .

Under Boss Where stories live. Discover now