Ano ba to para akong nahihilo ewan ko ba kong bakit . Napahawak ako sa lamesa dahil talagang umiikot ang lugar na kinatatayuan ko .
Naiwan kasi akong mag isa dito dahil may kinakausap na mga tao si Jungkook ng biglang sumama ang pakiramdam ko .
Tumayo ako para pumunta ng banyo pero parang hindi ko na kaya at biglang nanlamig ang buong katawan ko , hanggang sa mahiga na ako ng tuluyan sa sahig .
" TAELYN! " sigaw ng kung sino .
Hindi ko pa napipikit mashado ang mata ko pero alam ko kung kaninong boses iyon . Sa boss kong matapubre .
Hindi ko na nakayanan hanggang sa tuluyan na akong nadedz . Char . Patay agad? Grabe kayow ! .
~
Dahan -dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang puting kisame . Chos! Hindi ko dahan -dahang iminulat ang mga mata ko ano . Biglaang pagbukas ang ginawa ko nang bumalik ang katawang lupa ko sa wisyo nito . Pero hindi chos ang nakita kong puting kisame sa pagbukas ko ng sarili kong mga mata . Kahit hindi ko ilibot ang paningin ko sa paligid , alam kong nasa hotel clinic ako .
Naging shunga ako noong kami pa ni Park Jimin pero hindi ibig -sabihin shunga pa rin ako hanggang ngayon . Unless , minahal ko pagiging shunga at niyakap ko pa .
Habang nakatitig sa kawalan , sinusubukan kong alalahanin kung bakit ako napunta rito sa clinic ng hotel. Ang natatandaan ko ay nasa reception kami kanina at nakaupo lang ako . Tapos biglang sumakit ung tyan ko at nahilo ako . Hala! Buntis ako? Agad agad? Pano yun? May mga parte pa rin sa memorya ko , pero hindi malinaw . Parang biglang nawala O crap . Bakit ang labo na agad . Makabili nga ng antenna mamaya .
Punyeta kasing Park Jimin yan e . Alam ko namang siya — Joke! Yan na naman kayo e . Sasabihin niyo na naman na sa kanya ko na naman isinisisi ang nangyari sa akin kanina . Oo, hindi na . Alam ko namang wala siyang kasalanan . Baka banatan niyo pa ako ng " Si Jimin ! Si Jimin ! Lagi nalang si Jimin! . Si Jimin na walang malay . Si Jimin na ang tanging kasalanan ay maging masarap sa paningin ko . char"
Mga mukha niyo rin e .
Pero huwag niyo akong babanatan ng ganyang punchline . Alam ko namang may malay si Jimin . Lakas nga ng apog mangloko ng pucha na yun na as if araw araw naliligo . Yun ba yung walang malay? Saka hindi ko talaga maitatangging masarap si Jimin kahit hindi ko pa siya natitikman . Sayang pala no kung alam ko lang na maghihiwalay kami sana pinisil ko na ung abs niya .
Chos lang , mga mare . Ang dami ko na naman naisip . More monologue , more fun ang ginagawa ko e
Itinagilid ko sa kanan ang ulo ko at nakita ko ang nurse na bantay rito sa clinic . Hindi pwedeng sa kaliwa ko itagilid ang ulo ko dahil dingding na ang makikita ko . E di hindi ko siya nakita diba? Agad naman syang napatigil sa pagsusulat at tumingin sa akin saka ngumiti ng matipid .
" Gising kana pala "
Tulog pa ako te , Kaya ko lang matulog nang nakabukas ang dalawang mata ko . Gusto ko sana siya barahin kaso huwag na . Baka bigla siyang mabuwisit sa akin at kumuha ng mga injections saka itusok sa buong katawan ko e di back to sleep agad ang peg ko.
Pagtapos niya akong icheck ang loka lokang nurse na iyon . Tumayo naman ako at iniayos ang sarili ko . Ayos na naman ang pakiramdam ko ngayon kaya pwede na siguro akong umalis dito sa clinic at bumalik sa reception . Though na nasa reception pa sila baka nasa kainan seksyon na ang mga iyon at lumalafang dahil lunch time na .
Bigla ko rin naalala si Jungkook . Nasaan kaya yung lalaki na yun at anong ginagawa niya . Hindi man lang ako binantayan ng walang'ya dito . Ang sarap niya talagang maging amo . Huwag ko lang malalaman na kasama niya ngayon si Cindy kung hindi isa sa kanila ang mapapadala dito sa hotel cliniv kapag nagkataon .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .