" Saan ba kasi makakahanap ng ganung tinapay " sabi ni jack . Nasa labas kasi kaming tatlo at naghahanap ng tinapay na putok . Tamo aarte arte nung una dahil ambaho daw ng pangalan tas ngayon bet nila? ." Letcheng putok yan hirap hanapin " inis na sabi ni Yoongi .
" Dito alam kong may bakery dito - Ayun! Diba , Tara " sabay hatak ko sakanila .
Pagkatapat namin sa bakery ay agad akong nag crave sa pandesal .
" Omy god " sabi ni jack ng makita niya ang isang lalaking topless na pinanlalantaran ang pandekuko sa katawan . Nice view . Hindi siguro allowed magsuot ng damit dito .
" kape nalang yata kailangan ko Tae " luh? Tignan mo itong babaeng ito kumekeringking nanaman .
Napatingin ako sa itaas para tignan kung anong pangalan nitong bakery . Ay wow kaya naman pala hindi nakadamit ang koya niyo e. Hubadan Bakery ang pangalan . awit name ng branch niyo koya . Patry nga pano manghubad , kailangan paba ng seminar? .
" Anong sainyo mga magagandang binibini " ay shems ganda daw ako ui , hehe . Nebe .
Bigla namang sumingit ang jackol na ito . Bwesit .
" Kuya may putok po ba kayo ? " tanong ni jack . Ngumiti naman ito sakanya .
" Meron po " sabay ngiti .
" Yack . Eww . Kadiri " sabi ni jack . Nanlaki naman ang mata ni kuya dahil sa sagot ni jack . Natawa tuloy kami ni Yoongi sa pamimilosopo nitong batang to .
"A' haha tinapay yun kuya hindi ako " paliwanag niya .
Bumili na kami ng tinapay bago pa balatan ng buhay itong si Jack ni Koyang Macho Barako na may putok HAHA .Lol
Nakasakay na kami sa elevator habang patuloy parin sa kwentuhan . Tawa dito , Tawa dun dahil nakakatawa ang mga pinagkwekwento ni Jack patungkol sa ante daw niyang kalahi ng isang dragona .
Tumunog na ung elevator at saktong pagharap ko ay nauntog ako sa matigas na bagay . Sino naman kayang tanga na nagtayo ng pader dito? .
" Awtz " sabay hawak ko sa noo ko pakiramdam ko tutubuan ulit ako ng panibagong noo . Pagbukas ko ng mata ko agad nanlaki ang mga ito ng makita kong tao pala ang nabunggo ko hindi pader o semento? .
Nag angat ako ng tingin ng makita ko ang itsura ng Boss ko na nagsusuntukan nanaman ang dalawang kilay .
" Hehe boss long time no see . Gusto mo? Putok nga lang . Putok nga lang ang aking ulam " pinagsasabi ko .
" Lets talk follow me " sabay talikod nito sakin at naglakad na palayo kita ko pa ung pwetan niyang matambok na inaakit akong himasin ito .himasin moko taelyn yahooo ..
Lumapit naman ang mga kumag at kita ko ring nandito na si Nica at Sana . Basta chismis talaga complete attendance sila .
Paktay . Parang alam ko na ung pag uusapan namin nung lalaking yun . Naku ! . Sana hindi nalang ako naghilod kanina kung sasabunin naman ako ng sermon ni Boss ngayon .
" Maam Tae hindi yata gusto ni Boss ung putok mo " napatingin naman ako sa inis kay Nica .
" Gaga . Wala akong putok . Tinapay kamo yawa ka " sumimangot naman ako .
Naglakad naku paalis sakanila at dumeritso sa office ni boss . Naku Taelyn ano bang ginawa mo at bakit hindi ka nagsabi sakanya na uuwi kana nung gabing iyon . Punyeta kasing Jimin yun kung hindi dahil sakanya edi sana hindi ako masasabon . Sana silka hindi ko kasi hiyang ung safeguard
. ' Assumengera ka kasi feeling mo ikaw si Sarah Geronimo para mag walk out tsk . ' sabi ng mahadera kong konsenya . Alam mo wala kang naitutulong , umuwi kana nga sa langit at nakawin ung manok ni San Pedro ng may maulam tayo mamaya .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .