" Ang ganda mo bunso! " si ate habang nasa likuran ko na inaayos sa ngayon ang mahaba kung buhok .
" Mas maganda ka ate , tignan mo naman yang pink mo na dress , bagay na bagay sayo " saad ko
Humarap siya sakin saka hinawakan ang mukha ko . " Kamukhang kamukha mo ang inay , bunso " nangiti ako sa sinabi niya . Marami din nagsasabi na kamukha ko talaga ang inay , samantalang ang ate ay ang itay . " Matutuwa siguro ang inay kapag nakita tayong ganto e no? "
" Sigurado yan ate , sa ganda ba naman natin na ito? Haha . " saad ko saka siya yumakap sakin sa likuran .
" Hindi kana talaga baby , bunso . Kailan lang namimilit ka sakin laging manghingi ng piso " saad niya , hindi ko naiwasang maiyak .
Humawak ako sa braso niya . " Haha . Ano kaba ate . Ako parin naman ito , ung Taelyn na iyakin , ung laging nangungulit sayo "
" Ung Taelyn na sipunin " hinampas ko siya sa braso .
" Hindi na ngayon no! " saad ko .
* BEEP! BEEP!
" Abay! Andyan na ata ang dalawa sa labas " saad niya .
Sinuot ko na ung heels ko na kulay itim at kinuha ang maroon na purse ko , ganon rin si ate . Dahan dahan kaming lumakad pababa hanggang sa matanaw nga namin ang ilaw ng dalawang sasakyan sa labas . Mukhang andun na nga silang dalawa .
" Maganda ba ako bunso? " sabi ni ate at inayos pa ang sarili .
" Oo naman ate , maglalaway si kuya pag nakita ka " saad ko .
" Baka maulol pa kamo " nagtawanan kaming pareho sa sinabi niya . Saka kami naghawakan ng kamay at sabay na lumabas .
Kasabay ng paghakbang namin ang pagkamangha sa mata ng dalawang lalaking matipuno sa harapan namin . Omegesh pakiramdam ko talaga maganda ako ngayon . Ngayon lang .
" Hi handsomes " saad ni ate sabay tingin sakin .
" Hello beautiful ladies " si kuya .
Napakagwapo ni kuya ngayon sa gray suit niya ngayon na tinernuhan niya lang ng salamin . Nagmukha siyang CEO ng isang company .
" Bunso ikaw ba yan ? " saad niya sakin ng makita ako .
" Guess? "
" Naku! Ang gaganda talaga ng mga anak ng mga kim " saad niya
" I think you're not a lie , hyung " si Jungkook na malagkit na nakatingin sakin habang nakacross ang dalawang braso .
Maganda ang pagkakaayos ng buhok niya ngayon na mas lalo pang umangas ng lagyan niya ng hikaw ang tenga niya . He looks like badboy guy in my highschool life . Heart-throb ba ganon . Dao mhing sue!!! . Char .
Nauna na sila ate kaya naman kaming dalawa nalang ni Gguk ang nandito .
" Let's go my love? " siya at inilahad ang kamay .
Nangiti ako saka inabot ang kamay niya . Binuksan niya ang pintuan sa shotgun seat at inalalayan ako sa pagpasok . Nang makapasok na ako ay sumunod narin siya . Amoy ko ang bango ng gamit nyang perfume dahil naiwan ito sa hangin ng aircon .
Kinabit niya ang seatbelt ko kasabay ng malambot niyang halik sakin . Napakalamig sa loob ng sasakyan pero pakiramdam ko ang init ng katawan ko . Kumalas siya ng halik at umupo na upang magdrive .Ilang segundo kaming nagtagal sa halik kaya naman napatingin ako sa labi ko at tompak nga ako , nakain niya lahat ng lipstick na nilagay sakin ni ate kanina buti nalang nadala ko ung lipstick na inapply niya .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .