18

263 20 2
                                    

" Boss ito na o , kumain kana " sabay lapag ko ng mga pinamili ko . Bahala na siyang mag ayos no . Ako na nga ang namili sakanya .

Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hatakin paupo sabay hila niya ng upuan papunta sa table niya , kaya dalawa na kami ngayon sa table niya .

Ginilid niya ung ibang gamit niya . Inilapag niya ung mga papel na nakapatong sa lamesa niya para magmukhang maluwang ito .

" Lets eat together , hindi ko alam kainin yang mga pinamili mo " sabi niya at tumayo at nagtungo sa mini bar niya para kumuha ng plato .

Ako naman si gaga nakatunganga . Bakit ganun parang may kuryenteng dumaloy sa  katawan ko nang hawakan niya ako . Siya ba si Flash? .

" What is that? its look like a worm " sabi niya sa isaw . " And this one like chocolate bar " sabi naman niya sa betamax . Natawa tuloy ako . Mukhang walang kaalam alam sa pagkaing labas ito , palibhasa ang mga alam kainin nito e ung mga imported .

" Whats funny? Im asking a question " pagsusungit niya . Tuhugin ko ng stick lalamunan nito ng hindi na makapagsalita .

" Isaw iyan saka betamax " sabi ko pero ang gaga mukhang hindi alam . Haysstt kailangan nanaman ng english skills ko . " I mean that one na mukhang bulate sa paningin mo e' small intestine of chicken iyan and that one is the blood of chicken "

" I dont like this . I can't eat blood and small intestine" sabi niya

" Arte masarap yan tikman mo !Uhm" sinalpak ko nga sa bibig niya . Mashadong judgemental amputa . " O? Ano ? Nakalimutan mo pangalan mo? "

Ang gaga kumuha ulit ng isa at sumubo . Pachoosy pa kasi ,tsaka puro reklamo sa buhay . Kumain lang kami ng kumain . Nagtanong pa siya ng iba tulad ng bakit daw may itlog sa loob ng tukneneng . Sabi ko naman aba malay ko? Bakit ko pa iintrigahin ung buhay ng kwek kwek o tukneneng B .

Ngayon naman ay busy kaming kumain ng siomai na may kasamang kanin na may hepa . Jusko ! Pati kanin nagkakahepa na ngayon . Bakit ba kasi dilaw? Ayaw na siguro nila ng white rice .

" Egg? Boiled egg? " sabi niya sabay taas ng balot .

" Oo boiled egg yan pero iyan ang best seller sa pinas at ang tawag diyan Balot " sabi ko .

" Balot? " pag uulit niya . Bingi ba to? .

" Uhmm you try it " binasag ko ung itlog saka pinakita sakanya . " Drink the soup of the egg na matagal na binurong wewe ng sisiw " nandiri naman bigla ang mukha nito parang nagets ung sinabi ko .

" Nah! Wewe? You mean ihi? " naniwala naman ang gaga .

" Joke lang mashado kang paniwalain baka kunin ka sa itaas agad . Try muna " sabi ko sabay kuha naman niya ng itlog . " Wait lagyan natin ng asin . " nilagyan ko ito saka unti unti niyang ininum .

Namilog naman ang mata niya . " Its taste good this wewe of chicks or what ever . What is inside? " sabi niya .

Binuksan ko ang balot . Gotcha! May sisiw .

" What the! Why you kill this baby chicks? Or duck? Im not sure but why you kill? "

" Aba! Ako ba ang vendor? Binili ko lang iyan " sabi ko dahil sa itsura niya ngayon parang gusto niyang ilaban sa korte ung pagkamatay ng sisiw . Mukhang sa lagay na to gusto niya pang isurvive ung sisiw . Mouth to mouth mo baka mabuhay ulaga ka .

" Amina nga iyan . Baka bilhan mo pa ng lapida iyan " sabi ko dahil mukhang awang awa talaga siya . " Kainin mo ito " sabay subo sakanya nung laman ng balot gamit ung kutsara . " See? Sarap diba? "

Under Boss Where stories live. Discover now