19

256 20 2
                                    


"Anong ginagawa mo dito? " tanong niya .

" Wala . Nanlilimos " sagot ko . Ano bang ginagawa sa mall? hunghang parin tong lalaking ito .

" Ikaw talaga hindi mo parin natatanggal yang pagkapilosopa mo . Sinong kasama mo ? " sabi niya .

" O! Seo Joon abay kita mo nga naman anlaki na ng pinagbago mo " sabi ni ate . Ano namang nagbago dyan e ganun parin naman itsura niya .

" Haha. Ikaw rin ate walang pinagbago maganda ka parin " sabi niya . Ang ate ko naman naging pabebe . Pabebe naman talaga sya e .

" Sinong kasama mo iho? " tanong ni ate .

" Si mama po nasa laundry shop po kasi siya e nalingap po ako sa gawi dito ng makita kong may batang sarap na sarap sa ice cream " napatingin naman silang dalawa sakin . Nasapo naman ni ate ung noo niya .

" Bunso! Punasan mo nga yang bibig mo . Jusko! " sabay bigay niya sakin ng panyo .

" Taelyn? " sabi naman ng kung sino . Ano ba yan ! Panay pangalan ko ah! Diba pwedeng ganda? Ganun para naman ganahan akong lumingon .

" O' Jeykey anong - Anak ng timawa . Napakaliit nga naman ng mundo JIMIN! " nanlaki agad ang mata ni ate ng makita niya si Jimin . " Ayan na ba ung pinalit mo sa kapatid kong hayop ka ! Pagkatapos kitang pakapehin sa bahay ng ilang tasa-"

" Ate kalma usapang kape ka nanaman " awat ko .

" E sino ba sila Tae ? " sabi naman ni Seo Joon . Hindi pa pala nakakaalis itong isang to .

Napansin kong nagpapalitan ng tinginan ang tatlo . Omaygash! . Tatlong lalaking matitipuno ang nasa harapan ko .

Bigla namang dumating ung mama ni seo joon .

" Seokjin! Omaygash! Ikaw nga! " sigaw ni tita Lyn . Wala paring kupas maganda parin .

" Hindi ako ito Tita Lyn , hologram ko lang ito " sabi ni ate .

" Ikaw talaga, abay hows your life ? " sabi niya .

" Ito pretty parin " mayabang talaga itong si ate .

" A' Ma . Diba magpapasalon ka ? Isama mo muna si Ate Jin at may pupuntahan kami ni Taelyn saglit " sabi niya . Nangunot naman ang noo ng dalawa taong nasa harap ko .

Agad kong nginusuan si Seo Joon para sabihing saan kami pupunta? .

" Saan mo ipupunta si Taelyn? " sabi ni Jimin .

" Haha! Bro ikaw pala iyan . Yan naba iyon? Yung bago mo? " turo niya sa babaeng mukhang kinambasan ng isang sakong arina .

" Babe-" sabi naman niya habang nakasabit sa bisig ni Jimin . Isabit kaya kita sa bag ko . Sarap mong gawing keychain .

"Answer my question Seo Joon. Where are you going with Tae? " sabi niya . Ramdam kong iba ang pagkakatono ng pagkakasabi nito na parang galit .

" Wala kana dun " sabi naman nung isa . Naku ! Makakagawa nanaman ako ng kasalanan . Kakasimba ko lang mga teh? .

Pumagitna ako para awatin sila dahil akmang mag aaway na itong dalawa .

" Saglit! .. Puta ! , Ayan napamura naku . " inis na sabi ko . " Anong plano niyo? Magsuntukan? Dito pa talaga sa mall? E kung sa gym nalang? "

" E yang makapal at pakialamero mong ex na akala mo may obligasyon pa siya sayo " inis na sabi ni Seo Joon .

" May pakialam pa ako dahil hindi pa naman ako pumapayag sa pakikipaghiwalay niya sakin " inis na tonong saad ni Jimin .

Under Boss Where stories live. Discover now