So , anyway ang dami ko na namang nasabi . Pumunta na ako sa department store at bumili nh coffee maker machine na kasya sa budget ko . May napili na ako na worth 5, 000 pesos . Sinabi ko na sa lalaki ron na yun ang kukunin ko kaua kumuha siya ng stock at binigay sakin na nakabox na .Pumila na ako para magbayad .
Nakakatamad pumula mag isa dahil ang tagal -tagal ' Yung babae sa cashier, nakikipagdaldalan pa . More talk , more fun ginagawa niya kahit ang daminh customer. Bigla ko tulou namiss si Boss . nakakamiss din makipagbangayan sa amo ko na to , kahit wala pa kaming buwan na nagkasama .
Buwisit lang ang ugali niya na masungit , mapangbara , mataray at moody . Pero tolerable naman . Kung si tsunano ang may ganyan sa akin , baka nasampal ko sa kanya tong coffee maker na hawak ko .
Sa wakas turn ko na para magbayad .
" May loyalty card po ba kayo? " bagot na bagot na tanong ng cashier .
" Wala . Loyalty award lang noong high school ako , " sagot ko . " kailangan ba yun? Nasa bahay yung certificate e "
Nagtawanan yung mga customer na nasa likod ko pero si ateng cashier nakatingin lang nang seryuso
" Loyalty card po ng department store at hindi loyalty ng achool niyo noonh high school." sabi nuya . " Meron po ba kayo? "
Umiling ako “Wala . Ikaw ba meron? " nagtawanan nanaman ung mga nasa likuran ko .
Hindi ako pinansin ni ateng cashier dahil mukhang napipikon siya . Tinalian niya na ang karton ng coffee maker at ibinigay sakin .
" Thank you ma'am, Come again Happy shopping " sabi niya sakin . Hindi naku sumagot dahil alam kong plastik lang .Inirapan ko nalang siya atsaka nagflips -hair at nagwalk out na mala Tsunami walk .
~
Nasa tapat naku ng company ng bigla kong maalala na may dala pala akong tinapay na pwede ko pang ishare .
Nakita ko si manong guard na nagbabantay sa pintuan ng company na naghihimas ng tiyan . Mukhang nagugutom na ito .
Pinuntahan ko siya at ibinigay sakanya ung tinapay na dapat ay para samin . Sa awa ko binigay ko nalang , kahit naman ichusera ako e may puso parin naman ako , wasak nga lang dahil sa kagagawan ni Tsunano
Alam kong pagod si manong . Tinitiis niya lang para sa pamilyang uuwian niya . Bigla tuloy akong nangiti , kung buhay lang siguro si itay at inay . Siguro gaganahan akong umuwi kahit pagod ako sa trabaho . Pero hindi e , aga nilang umakyat sa taas . Badtrip .
Pumasok naku sa loob dahil baka umuusok na ung ilong ng boss ko . Toro kasi iyon minsan , minsan naman kapre -kapreng maputi at matambok ang pwetan . Hihi tumatatak tuloy sa isip ko ung pwetan niya .
Pagpasok ko andaming employee na nasa harap niya . Mukhang may pinag uusapan sila . Pwede makijoin choss . Inilapag ko sa table ung coffee maker saka binuksan . Wow! Ang ganda ko chos . Ang ganda ng napili ko .
" Why are you smilling ? You know what? Your creepy when you smile? " sabi niya . Nandito pala ito sa likuran ko . Ang bango niya , amoy ko na naman ung honey and dew sa katawan niya . Pero dahil ininsulto niya ako agad ko siyang siniko sa tyan .
" Awtz! " singhal niya .
" Ikaw huh!? Tama lang iyan sayo , pasalamat ka at hindi ko sinipa yang boiled egg mo! " matapang kong sabi . Yawa siya pati pagngiti ko kinaiinisan niya .
" Ang sadista mo! Kita mong hindi pa nga gumagaling ung kalmot mo sakin kahapon tas dagdagan mo nanaman " sabay hawak niya sa tyan niya . Nag away kasi kami ulit dalawa kahapon dahil sa sabaw . Kinuha ba naman ung ramyeon na niluluto ko sa lamesa ng walang paalam? Kaya ayon kinalmot ko nanaman siya . Pakialam ko kung boss ko siya? Ayaw naman niya akong sisantihin
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .