JEYKEY POV
" Asan na si Taelyn ? " ani ko sa mga guards ko . Tinuro naman nila siya na kasama ang iba kung empleyado.
Anong ginagawa niya? Mukhang nagkakatuwaan silang lahat dahil mukhang masaya siya .
" Taelyn !" sigaw . Agad naman itong tumakbo papunta sakin .
" Yes Boss? " aniya .
" Anong ginagawa mo dun? Diba sinabi ko sayong mag meryenda kana? " ani ko .
" Tapos na kanina pa " aniya . " Pupunta naba tayo?"
" Hindi pa " mabilis kong saad ng bigla siyang tumalikod " San ka pupunta? " ani ko
" Dun babalik" saad niya .
" Hindi sasamahan mokong kumain . Upo ! " saad ko kaya umupo siya kaagad .
Nag simula akong kumain habang siya naman nakahalukipkip , mukhang naiinis na .
Napatingin ako sa tinapay na kinakain niya na tinatanggalan niya ng gilid .
" Bat mo tinatanggal ung gilid? " ani ko .
" Hindi kaya masarap! . Oh bat ikaw bakit nakabukod yang hipon sa pagkain mo? " aniya . Ayuko kasi sa hipon dahil ayaw ng panlasa ko . " Amina nga! Arte arte ! Andaming nagugutom sa pinas e " saka sinubo ung mga hipon na binukod ko . Wala talagang kaarte arte sa katawan tong babaeng ito .
Nagpasya na kaming bumalik sa opisina dahil madaming papeles pa ang kailangan kong ayusin . Hindi na ako nag abalang makipagtalo kay Taelyn dahil wala ako sa mood na makipagrebatan sakanya .
Pagkababa namin ng sasakyan agad namang sumalubong samin si Lisa .
" Sir ito na po ung pinapahanap niyo " aniya habang naglalakad kami papuntang elevator .
" Kumpleto naba to? Naayos niyo ba ung problema sa finance? " ani ko ng magbukas ung elevator na sasakyan namin .
Nang makapasok na kaming tatlo kasama ang body guard ko agad akong napahinto ng makitang hindi pa pumapasok si Taelyn .
" Anong tinatayo -tayo mo dyan? " ani ko dahil mukhang wala siyang balak pumasok at sumakay . Haysstt baka ayaw nanaman niya kasi hindi daw siya VIP .Tsk .
" Sa kabila nalang po ako sir " sabay turo niya sa nakapaskil . Nang mabasa ko ito .
Minimum for Three person only
" Bye boss seeyah sa taas " ani niya at kumaway pa .
Ang weird talaga ng babaeng yun .
" Sir are you with us? " si lisa . Natunganga ba ako ? . Agad namang bumalik ang diwa ko .
" Ah Yes nakuha ko na ung gusto mong sabhin . " ani ko kahit hindi .
TAELYN POV
" Anak ng tokwa . San naman ako nakaapak ng chewing gum? At sa sapatos ko pa dumikit! " inis ko dahil nakaapak lang naman ako ng bubble gum na hinayo na dumikit sa sapatos ko .
Habang paakyat ang sinasakyan kong elevator agad naman akong nanguha ng wipes sa bag ko at pilit na inalis ito pero parang waepek .
Bakit ba ang hilig mong dumikit huh? At kanino bang chewing gum ito ?at ng maipalunok nga sakanya . Hindi marunong magtapon ng tama pwede namang idikit sa noo niya , hindi ung ganto pati sapatos ko nadikitan . Haysst hayaan ko na nga lang . Bibili nalang ako ng gas mamaya at ng masunog ito . Char . Wala akong pambili . Pang aalis ko lang .
Hindi naku sumama sa damuho kong amo kanina dahil ang sama ng atmosphere sa loob niyon dahil kasama niya si Little bangs gurl . Naku! Ayaw ko siyang makasama baka ututan ko lang siya sa inis .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .